Hindi... Hindi kita Matitiis (One Shot)

3.1K 87 2
                                    

Hindi… Hindi kita matitiis (One Shot)

Shael’s POV

Ang aga-aga ganito ang eksena namin.

“Hoy Dace bumalik ka dito.”

“Pwede bang tigilan mo na ako Sha ang kulit-kulit mo.”

Ang ginagawa lang namin ngayon ay habulan, tinatakbuhan ako ng love of my life ko ewan ko kung bakit.

Ako nga pala si Shael Fernandez at yung hinahabol ko si love of my life Dace Gonzales, kababata ko siya at magkapit-bahay kami papasok palang kami ngayon ang sabi ko sabay kami kagaya ng lagi naming ginagawa. Pero nagstop lang ito nung last week ng sabihin ko sa kanyang "Kiss me" na ikinagulat niya.

Nagalit siya kasi daw hindi ko dapat sinasabi ang mga bagay na iyon at gagawin ko lang dapat iyon sa lalaking mahal ko, siya nga iyon eh, yung lalaking mahal ko. 4th year highshool na kami at hanggang ngayon zero at bugok na itlog parin ang lovelife ko kasi siya lang naman ang gusto ko. Pero simula nung sabihin ko iyon medyo inilayo niya ang sarili niya sa akin.

“Dace saglit lang.” Tawag ko sa kanya.

Tinatakbuhan na niya ako ng literal kaya itong si ako habol ng habol sa kanya hanggang sa… wapak.

“Aray.”

Kapag minamalas ka nga naman sa lahat ng mangyayari matatapilok pa at madadapa pa ako, nakakahiya nandito pa naman ako sa kalsada at nakapang uniform ako kaya syempre kita ang tuhod kaya nagkasugat. Pinagtinginan na din ako ng mga tao at estudyanteng napapadaan at nakita ang aking magandang kashungaan.

“Aist.” Inagat ko ang tingin ko at nakita ko si Dace my labs.

“Tumayo kana dyan.”

“Hindi mo ba ako tutulungan?”

“Hay kahit kelan ka talaga puro purwisyo nalang ang binibigay mo sa akin.” Sabay kamot sa ulo niya.

“Uwhahahahahahah.” Hindi ko na napigilang umiyak, bakit niya ba kasi ako pinapagalitan.

Nakita ko namang nagulat siya nung ngumawa ako sa harap niya.

“H-hoy Sha p-pwede bang tumigil ka.”

“A-ayaw ko.” Sigaw ko sa kanya, bahala siya sa buhay niya.

“Sige na, sige na sorry na tumahan kana.” Hinging tawad niya sa akin. Bakit siya nagsosorry? Dahil ba nasigawan niya ako.

Sabay ibinigay niya sa akin yung panyo niya, naitayo na din niya ako at inupo sa gilid kasi may nakita siyang pwede kong maupuan.

May kinuha siya sa bag niya, nung tignan ko yung first aid kit niya na laging dala-dala niya. Gagamutin na naman niya yung sugat ko katulad ng dati.

“Ayaw mo ba sa akin Dace? Hindi mo ba talaga ako magugustuhan? ” I asked him.

Napahinto siya sa pang-gagamot niya sa sugat ko. “Hindi.”

Hindi? So ayaw niya talaga sa akin. Naluluha na naman ako dahil sa sagot niya. I should stop this, tama kailangan ko ng tumigil kasi wala din naman akong mapapala kahit na matagal na kaming magkakilala at kababata ko siya hindi pwedeng gamitin iyon para lang masabing mahal niya ako.

Lahat ng ginagawa niya hanggang ngayon dahil lang iyon sa  pag-sasama namin simula ng mga bata pa kami at dahil sa kilala ng mama niya ang mama ko kaya sa kanya ako binibilin palagi ni mama.

Pinagpatuloy naman niya ang ginagawa niyang pang-gagamot sa tuhod ko.

“Tama na.” Wala sa sarili kong sabi.

Hindi... Hindi kita matitiis (One Shot)Where stories live. Discover now