1

772 2 0
                                    

Warning: Ang istoryang ito ay para sa mga mambabasa na bukas ang isip. Sariling gawa ko ito at anumang pagkakatulad sa anumang pangalan, lugar, pangyayari o ideya ay sadyang nagkataon lamang.
-Jane
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Charice's POV

Marahas kong dinampot ang cellphone ko sa side table ko ng tumunog ito. Tangina, gabing gabi sino ba'tong tumatawag na 'to?! Bwisit amputa.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

"I love you. Hindi mo na ba ako mapapatawad? Ano bang kailangan kon--" nilayo ko sa tenga ko ang cellphone at tinignan kung sino ang tumawag.

Number lang ang nakalagay.

"'Number lang? Tas sinasabihan ako ng iloveyou?"

Muli kong inilapit ang cellphone sa tenga ko "Sino kabang hayop ka? Anong pinagsasabi mo?"

Rinig kong humihikbi ang nasa kabilang linya. Broken hearted ba'to? Mukhang nagkamali ng number na tinawagan juskolord, nangistorbo pa ng tulog ng may tulog!

"I-I was wrong, hindi ko kayang mawala ka"

"Look kuya, mali ka ng number na tinawagan okay? Wag mokong istorbohin sa tulog ko. Wala akong pake kung broken hearted ka, maaga pa ako bukas kaya patulugin mo ako. Kbye" pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Istorbo ampuke.

Binalik ko ang phone ko sa side table at saka pumikit at niyakap ang unan ko. Argh! Hindi na ako makatulog! Punyatera naman kasi!

Umupo ako mula sa pagkakahiga atsaka pinatay ang aircon gamit ang remote nito na nasa paanan ng kama ko.

Ang lamig ng gabi ko, wala kasi akong kayakap, punyemas.

Kinuha ko muli ang phone ko at tinignan ang oras. 3:44AM. Akala ko gabi pa, umaga na pala.

Parang dati lang. Akala ko mahal ako, mahal niya lang pala katawan ko.

Tinawagan ko ang number na nawrong call sakin. Noong una ay busy, marahil ay sinubukan na naman nun na tawagan ang ex nya sigurong 'iniwan siya' o kung ano pa man, ewan. Basta noong pangalawa o pangatlong call ko ay sinagot na nya.

"Hello?"Matigas ang boses nya na hindi mo mahahalatang galing sa pag iyak. Well, he can't fool me. Tumawag siya saken kanina duh

"Hello. Broken hearted ka diba? Meet up tayo"

"Huh? Who's this?" Takhang tanong niya.

Since nawala na rin ang antok ko, ano pa bang pwede kong gawin kung hindi ang lumandi diba? Wala namang girlfriend 'yong tao.

"Wag kana maghabol sa ex mong iniwan ka. Tao ka hindi aso. Kita tayo sa Starbucks katapat ng Hazel's Building" alam kong alam niya yun dahil malapit lang dito ang lugar na nasa GPS nya.

"Sino ba ito? At anong mapapala ko pag pumayag ako?"

"Anong mapapala mo? Well, malilimutan mo yong ex mo ng panandalian, mawawala problema mo. Ayaw mopa?"

"How did you know tha--"

"Na broken hearted ka? Sakin ka nagkamaling tumawag kanina, tanga"

Katahimikan sa kabilang linya.

"Ano papayag kaba? Pupunta ako don, hihintayin kita for five minutes pag wala kapa aalis na ako. Kbye"tapos ay binaba ko na ang tawag.

Nagbihis na ako at nag ayos. Nagpahabol ako ng text sa kanya.

Naka white ako na polo shirt at maong shorts. Kalabitin mo nalang ako if ever dumating ka.

After non ay lumabas na ako ng unit ko at bumaba. Katapat lang ng condominium ko ang Starbucks kaya dito ko piniling papuntahin ang lalaking iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FUBUWhere stories live. Discover now