Thirty-Five

273 4 0
                                    

Naalala ko pa noong magkasama tayong nanonood ng bawat pagbagsak ng ulan,
Ang mga halakhak na sumasabay sa lakas nito,
Mga ngiting tayong dalawa lang ang nakakaintindi,
Na pinalangin kong magtagal pa kahit sandali.





Anim na buwan ng nanliligaw si Ricci, walang araw na hindi siya pumunta sa bahay. Tapos na din pala ang graduation namin. Medyo late kasi yung graduation namin dahil sa school calendar ng school namin. Pumunta siya don kaya pinagkaguluhan siya ng mga classmates ko, akala yata ng mga tao don ay guest siya o may kamag-anak na pinuntahan.

"Oreo, puntahan mo naman si Ricci sa training."

"Puntahan ko don? O aawra ka don sa bagong recruit ng La Salle? Sino nga yun?"

"Si Joaqui." Sagot ni Spicy.

"Oo yun! Samahan mo na ko teh! Pagseselosin ko si Aljun."

"Baka magselos yun?" Bara ni Chips.

"Support naman guys!"

"Sige sig-- Ay wait! Di na nagtetraining don si Ricci, gaga ka ba?"

"Ay oo nga pala! Pero andon siya, nakita ko sa IG story niya."

"Okay, oh tara na." Kinuha ko yung phone at wallet ko dahil si Cookie magddrive, binilhan siya ng parents niya, gift sa kanya.

Nasa bahay kasi kami at talagang pumunta sila na nakaready na, nakaligo na naman ako kaya nagbihis lang ako tapos gora na.

Ilang oras din ang byahe namin, baka pumunta mamaya si Ricci sa bahay tapos wala ako don.

Pagbukas ko ng phone ko, walang messages mula sa kanya, ang unusual naman kasi palaging araw-araw yun nagchachat e.


Ri, punta kaming La Salle.

Ay! Ayaw magconnect ng data ko. Wrong timing naman.

"Spicy, may data ka? Pachat naman oh!"

"Lowbat nga ako e."

"Chips, pachat."

"Naiwan ko sa bahay."

"Malkist, uy!"

"Nakapatay na e. Mamaya na lang. Miss mo palagi si Ricci."

"Baliw, baka kasi mamaya pumunta yun don."

"Ay oo nga no?"

"De, maaabutan natin yun don. Tiwala lang." Pahayag ni Cookie.

Bumaba na kami at bumili ako ng dalawang solo ng ice cream. Para kay Ricci yung isa syempre. Nauna na ang tropa dahil sinabi ko din, baka kasi magpalibre pa sila e.

Sa loob na anim na buwan na panliligaw niya ay palagi akong masaya, kinikilig ng palihim. Consistent siya sa panliligaw, ang sweet pero mapang-asar pa din. Nagpunta ulit kaming EK at noong isang linggo ay nagpunta kaming Star City, gift niya daw sakin dahil nakagraduate ako kahit ang tamad ko tapos may awards pa. Eto na yata ang tamang panahon.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon