Chapter 1

4.2K 131 124
                                    

Chapter 1

"Ang bigat," naibulong ko dahil sa sobrang bigat ng lalaking ito. Hindi ako makaalis.

Nakarinig ako ng katok galing sa kaniyang pinto. Gusto kong sumigaw na nasa loob ako at kailangan ko ng tulong pero bumukas na ito. Bumulaga sa akin si Manang Tesia. Nagulat siya ng ma-on niya iyong ilaw at ito pa ang naabutan niya.

Mabilis na lumapit si Manang Tesia at binatukan ng pagkalakas-lakas si Tres.

He groaned. "What?" Mahinang tanong nito habang tinatry na buhatin ang sarili. Tinulungan ko siya kaya natungo ang tingin niya sa akin. Naestatwa ako ng magkatinginan kami. Sisigawan na niya ako! Alam ko!

"Oh... I'm sorry," walang kabuhay-buhay nitong sabi at yumuko bilang paumanhin sa akin. Napaawang ang labi ko. Hindi siya galit? Teka... Akala ba niya katulong ako o ano? Sa gulat ko sa asta niya ay wala sa sarili akong napatango. Tumayo siya at tamad na naglakad palapit sa mahaba niyang sofa. Nilapitan naman ako ni Manang Tesia.

"Pagpasensyahan mo na iyang batang iyan! Masyadong tamad kaya laging napapagalitan! Wala nang ginawang tama!" paulit ulit na sabi ni Manang habang tinutulungan akong makatayo.

"Manang, I'm freezing..." reklamo nito habang nakatakip ang makapal na kumot sa kaniya. Nakapikit ito nang sabihin niya iyon.

"Hindi na nga naka-on iyong aircon mo, hijo! Sinabi ko na sayo'ng sabihin na natin kay Senyora nang magamot ka!"

Lumapit si Manang sa kaniya habang ako naman ay tinitignan lamang kung paano siya pagalitan ni Manang. Nakaupo lang ito sa sofa at halos natatakpan siya ng kumot niya. Para tuloy siyang bata.

"I'm getting tired hearing the same reason again..." mahina nitong sabi.

May sakit siya? Baka naman anemia? Nilingon ako ni Manang kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Hija, kumain ka na roon. Ako na ang magpapakain sa kapatid mo."

Naghuhugas ako ng sarili kong plato dahil kakatapos ko lang kumain. Hindi parin mawala sa isip ko na mabait naman pala ang lalaking magiging kapatid ko... o wala naman talaga siyang pake? Sinwerte ata ako. Makakahinga na ako ng maluwag kung ganoon.

"Naku, naku!" Napasimangot ako dahil alam ko nang paaalisin ako ni Ate Melan dito sa kusina para makapagpahinga. Jeez. Na bo-bored na ako na sa kwarto nalang ako palagi. Maganda naman ang kwarto ko pero hindi kasi ako iyong tipo ng tao na mahilig sa mga gamit. Gusto ko nang kalaro.

Kinabukasan ay nagising ako sa katok ni Ate Melan. Pinapalabas niya ako dahil nakauwi na daw si Mama. Hindi na ako nakapaghilamos at bihis ng maayos dahil sa sobrang galak ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit sabay gulo ng buhok ko. Nakangiti ako habang nakatingin sakaniya. Maganda si Mama. Sobra. 34 years old na ito pero sobrang ganda niya parin. Matangkad at may magandang hugis ng katawan. Ang hindi ko pa lamang nakikita ay ang kaniyang asawa. I'm sure he's handsome too because Tres is a very good-looking kiddo.

Naagaw ng tingin ko ang uniporme'ng ipinakita nito. Napaawang ang bibig ko.

"A-Am I... going to school?"

Shocked was very evident on my face. I can't believe this! I am going to study at school! Home-schooled ako noon dahil hindi kaya ng orphanage na pagpaaralin ako. Iyong iba kong kasama ay nagaaral sa public school pero ako lamang ang hindi nila pinapapasok sa hindi ko malamang dahilan.

Nakangiti itong tumango-tango. Nilingon ko si Manang Tesia at Ate Melan. Nakangiti ito habang pinalakpakan ako. Hindi ko maiwasang maiyak sa saya. Niyakap ko ng mahigpit si Mama kaya binuhat ako nito. Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat nito at umiyak.

Her Name is SlutWhere stories live. Discover now