Chapter 6 NEW ME

3.7K 116 1
                                    

Rin POV

Sinimulan na nila akong ayusan at makikiliti ako sa mga ginagawa nila sa paa ko yung foot spa daw sabi ni mama si mama ang gumagawa non sakin, tapos sa kamay naman si tita taste yung hand spa daw.

Si tita Great naman ang umaayos sa buhok ko yung dati kung buhok na medyo kuloy naging bagsak na ito straight na straight na yung buhok ko, tapos nilagyan niya ito ng color yung parang color coffe brown hehehe diko alam tawag don eh.

Nang natapos na yung hand and foot spa nilagyan nila yung mga kuku ko nang polish na blue kaya mas lalong lumabas yung kulay kong puti ang ganda nga eh hehehe, tapos nilagyan nila nang nail art na dora wahhh pati pala sa kuku pwede ma ilagay si dora ang galing naman ni tita Great gumawa nang dora. Idol niya ba si dora?

hehehe ako drawing lang yung alam ko pero yung ulo niya lang hindi yung katawan niya ang laki kasi nang ulo niya kaya di maksya sa bond paper.

Matapos nilang lagyan nang polish ang mga kuku ko, nilagyan nila ako nang kunting make up at yung kilay ko inahit nila ang sakit talaga non at may inilagay silang parang cream ata yun

"Aray tita ang sakit titaaaaa masakittt"pero hindi niya ako pinansin at nang matapos na kinuha ko yung maliit na salamin at tinignan ko ito ang ganda yung parang pang artista yung kilay ko,

May inilagay sila sa mata ko yung parang mata din color Brown ito tapos nilagyan ako ni mama nang lipsticks at yung buhok ko lumilipad dahil sa blower para daw maganda yung buhok ko, at nang matapos yung ginawa niyang yun sinuklayan na niya yung buhok ko kanina gusto ko mag pa lagay nang bangs pero hindi sila pumayag.

"Oh ayan tapos na" Inikot niya yung upuan kaya tumambad agad sakin ang malaking salamit at kitang kita ko doon ang mukha ko. Ako ba ito? hala bakit iba na yung mukha ko?.

"Wahhh ang ganda mo anak ko wohhh sana noon pa natin to ginawa!" Ang ingay ni mama dahil ang saya nito nang makita niya yung mukha kung ganito ibang iba na sa mukha ko dati.

"Mas maganda pako kay Barbie Aurora Mendes"bulong ko ma who you talaga kayo sakin sa monday.

"Tita ano yung nilagay mo kanina sa mata ko yung parang mata yung Brown?" Tanong ko kay tita Great

"Contact lens yun Rin!" Sabi ni tita taste huh bakit contract diba dapat eye lens hahaha

"Contact lens po eh diba dapat eye lens yun kasi yung contact sa phone yun!" Sabi ko pa pero tinignan lang ako nang masama ni tita at Mama

"Gumanda na ngat tanga parin hahaha woi mommy turoan mo yan na hindi mag tatanga tanga!" Sabi pa ni tita taste

"Rin Autumn just act like professional like sa mga binabasa mong pocket book pero wag mong gayahin yung mga bad yung good lang hahaha" Hehehe hindi ko sila gagayahin dahil gagawa ako nang sarili kong story.

"At gayahin mo yung pag mamaldita nila"Pano kaya pag nakita ako ni Zach sa monday o yung nam bubully sakin makilala paba nila ako o hindi na, pero para sakin parang hindi eh kasi ibang iba yung mukha ko ngayon kaysa sa dati promise.

Limang oras kami na tapos dahil din doon sa foot spa at hand at sa buhok ko din hahaha marami nga akong soles sa paa eh nakakahiya kay mama at yung buhok ko ang tigas daw sabi ni tita taste yung isa ngang suklay na sira dahil sakin kasi plastic din naman yun eh.

Nahirapan din sila sa kilay ko kasi napaka kapal daw. Buti pa nga sila na hirapan lang ko nasaktan nga ang sakit kaya non.

Nasa mall kami ngayon dahil dito na lang daw kami kakain nila tita at mama na iwan ko si dora sa salon kaya kami na lang nila mama ang kumakain sa McDo, tapos yung mga kumakain panay tingin nila sakin pati yung mga lalaki kaya nakipag palit ako nang upuan kay tita, kasi kung maka tingin sila sakin parang hinuhubaran nila ako manyak!

"Hayaan mo na yan sila anak kasi maganda ka!" Bulong ni mama sakin kaya hinayaan ko na lang sila. Nang natapos na kaming kumain nagpasyahan na naming umuwi kasi may lakad pa sila tita at makulimlim na yung langit parang uulan pa ata, at baka kasalanan ko yun kasi nag pa make up ako!

Childishly Inlove (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن