TGWFFM 10

2.4K 49 9
                                    

~Reign POV ~

Unti unti kung binuka ang mata ko at puti lahat ang nakikita ko kaya tiningnan ko ang kabuuan,andito nanaman pala ako sa hospital. Napa tingin ako sa pintuan ng bigla iyong bumukas. Si Kuya pala at tiningnan nya ako saka nanlaki ang mata nya at dali daling lumapit saakin

"Baby sis okay ka na ba? Ano gusto mo ba ng pagkain? Nauuhaw ka ba?" tanong ni Kuya saakin kaya napa irap na lang ako

"Okay lang ako Kuya saka medyo nauuhaw lang" sabi ko at kumuha naman sya kaagad ng tubig at binigay saakin

"Diba sinabi ko na sayo na wag kang susugod? Ang tigas talaga ng ulo mo, ayan tuloy nakaratay ka nanaman dito" sabi nya at binigay ko naman sakanya ang bottle water

"Kuya kung wala akong gagawin si Justine naman masasaktan. Teka,speaking of Justine asan sya Kuya?" tanong ko sakanya

"Andun sya sa mga police sa labas. She explain what happen in the mall" sabi nya at hinimas ang buhok ko

"Sina mommy at daddy,alam ba nila ang nangyari?" tanong ko at napa buntong hininga naman sya

"Yep,galit na galit sila sa nangyari sayo. Saka ipinakulong na nila yung sumaksak sayo" sabi nya

"And mommy said you are going to New Zealand" sabi ni Kuya kaya napatingin kaagad ako sakanya

"What?! Ayoko ko nga" sabi ko at saka ngumuso

"Doon ka daw magbabakasyon kasi dito sa pilipinas marami na ang nangyari sayo so mom decided na sa New Zealand ka magbabaksyon" sabi ni Kuya

"Ako lang mag isa? Sumama ka na Kuya" sabi ko

"Pupunta naman ako doon pero next week pa, eh ikaw bukas ka na ng gabi pupunta dun" sabi nya

"Pwede ba ako magpasama ng mga kaibigan?" tanong ko magsasalita na sana si Kuya ng bumukas ang pintuan at pumasok si mommy naka sunod sakanya ay si daddy

"Mom,Reign is awake" sabi ni Kuya kaya napa tingin saakin si mommy at daddy saakin kaya lumabas na lang muna si Kuya

"Oh my poor princess, dont worry pupunta ka na sa New Zealand para wala ng makapanakit sayo" sabi ni mommy saka yinakap ako kaya napairap na lang ako that princess thing again -_-

"Mom pwede ako magpasama ng friends?" Sabi ko at kinalas ang pagkayap namin

"Okay,sino ba ang eh sasama mo?" tanong ni mommy at hinimas ang buhok ko

"Si Kaitlyn and Justine Cassidy" sabi ko at ngumiti

"I know Kaitlyn because she is the daughter of Mr.Zamora but Justine Cassidy? We dont know her princess" sabi ni daddy

"Please mom and dad,isama ko na si Justine" sabi ko saka nagpa cute

"Ano ba apilyido nyang Justine Cassidy?" tanong ni mommy

"Satsatin" sabi ko saka ngumiti sakanila

"Is she related to Michael Satsatin? Ang may ari ng sikat na restaurant?" tanong ni mommy saakin

"I dont know, 2 days palang kami magka kilala eh. " sabi ko at nagkibit balikat

Magsasalita na sana ulit si mommy ng bumukas ang pinto at pumasok si Justine

"Oh,hi Justine!" Sabi ko at ngumiti tumingin naman sya kaagad saamin

"Hi po" sabi nya at ngumiti saamin

"Hi, are you related to Michael Satsatin? Ang may ari ng sikat na restaurant?" tanong ni daddy kay Justin

"Ahh opo,daddy ko po sya" sabi nya at ngumiti

"Oh okay, sabi ni princess saamin na pwede ka ba daw nya isama sa New Zealand" sabi ni mommy kaya nalaglag na lang yung panga nya dahil sa sinabi ni mommy

"Po?" tanong nya

"Una kasi nabugbog si princess at ngayon naman nasaksak so we decided na doon na lang muna sya magbakasyon while summer pa ngayon" sabi ni daddy

"Sige po! Game po ako!!" Sabi ni Justine at ngumiti

"Ayy, Reign sorry nga pala ah. Kung hindi dahil siguro saakin di ka masaksak" sabi ni Justine saka lumapit saakin

"No its okay" sabi ko sakanya at ngumiti

"Kailan po ba kami pupunta sa New Zealand" tanong ni Justin kay mommy

"Bukas ng gabi" sabi ni mommy at ngumiti

"Ohhhkayyy, sige uwi po muna ako para maka ligpit na ng gamit" sabi ni Justine at tumango na lang kami

Hahawakan na nya sana ang doorknob ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya ayun nauntog sa pinto si Justine

"Shit! Magdahan dahan ka naman!" Sabi ni Justin habang hinihimas ang noo nya

"Di ko kasalanan yun" sabi ni Kuya

"Keil Nathan,say sorry to her" seryosong sabi ni mommy kaya napa buntong hininga na lang si Kuya

"Fine, Im sorry di ko sinasadya" sabi ni Kuya at alam ko na sarcastic yun

"Sorry mo mukha mo,bakla!" Sabi ni Justin at lumabas kaagad kaya natawa na lang ako

"Bwahahaha!! Bakla!" Pang aasar ko kay Kuya kaya sinamaan nya ako ng tingin kaya tumigil naman ako kaagad at nag peace sign

~~~
Ahoyy!! Hope you enjoy this chapter mwehehe😂😂

Binago ko ang cover sa TGWFFM and Jasper's Property😊 nakita nyo?😂 mwehehehe😂

winternessa <3

The Gangster Who Fall For Me {Completed}Where stories live. Discover now