THE past few days of Theia, she became too busy hiding from him. Pinadala na lang niya ang cellphone nito sa lalaki at maagang umuwi nang araw na 'yon at nagbabad sa bar kinagabihan tulad ngayon.
She chose a pub that is far from Kaien's connection, if thet's even possible. Sa tingin niya kasi ay marami na ring naging koneksyon ang lalaki dahil sa negosyo nito ngayon.
Pero kung gano'n bakit nga kaya hindi siya pinahanap nito dati kung mahal siya nito tulad ng sinasabi niya sa kaniya? Kung hindi sila magkikita sa isla, kahit kailan wala na lang silang pakialamanan, gano'n? Well, that's bullshit.
Naiinis siya sa sarili niya dahil naniniwala siya kay Kaien. Too much of being like her friend Jewelle. Akala niya siguro ay magiging ganoon ang ending nila—na magiging masaya sila ng magkasama. But no, unlike Alvin who is Jew's guy, wala itong third party na masasabi. E, si Kaien? Nariyan at tulad lang ng ibang lalaking hayok sa makamundong bagay—na hindi niya pa maibibigay sa ngayon hangga't hindi sila ikinakasal. Only Hera can satisfy him in that part, at 'yon ang masakit.
What if he's just confused? Paano kung si Hera naman pala talaga ang gusto nito at nalito lang siya dahil halos magkasabay sila noon ng kaibigan na nakarelasyon niya noong Senior High—kung relasyon nga ba ang matatawag do'n.
She just hates him at the moment at naiirita siya dahil hindi siya malasing-lasing kahit nakakarami na siya ng bote ng alak. Hindi siya makatakas kahit sandali sa sakit. Medyo lumayo rin siya sa mga kaibigan dahil ayaw niyang mausisa tungkol sa lalaki. Ang business naman niya ay ipinaubaya muna niya sa sekretaryang alam na alam na ang gagawin dahil sanay na itong madalas siyang umaalis para sa L'île Bachelorette.
Isang simpleng loose na white shirt at itim na jeans na hapit sa kaniya lamang ang suot niya habang nakalugay ang mahaba at may kulot sa ibabang buhok. Wala naman siyang balak lumabas para sumayaw kung kaya't nilunod na lang niya ang sarili sa alak hanggang sa wakas ay maramdaman niyang unti-unti na siyang nalalasing. At last! She's getting to know how far she can go drinking, huh?
Pero bakit gano'n? Mukhang wala na ngang pag-asa. Kung dati kasi ay parang ilaw na patay-sindi lang ang nararamdaman niya kay Kaien, ngayon ay parang na-stuck na 'yong nakasindi at hindi na mapatay—if that analogy is even feasible. What she means is that, hulog na hulog na talaga siya. There's no way getting up now and that freaking pisses her off.
Theia, who was uncaring, is so down right now. Si Kaien Cross Salvatore lang ang nasa isip niya at wala na siyang magawa upang maalis ito. Kung hindi ba naman ito lumandi na naman sa kaniya at pinaasa.
Para siyang tangang natawa kahit walang nakakatawa sa mga naisip niya tungkol sa lalaki. Mukha ngang lasing na talaga siya.
She picked up her phone from the messy table. Dinaig pa niya ang anim na lalaking nag-inuman sa mga kalat niya ngunit wala siyang pakialam. Magbabayad naman siya. Wala sa sarili niyang tinawagan ang numero ng lalaking ilang araw—o nasa isang linggo na rin ata—niyang iniiwasan. Mabilis naman itong sumagot.
"Theia."
"Kaien Cross Salvatore, the sex-starved jerk." Tumatawa-tawa pa rin siya habang sinasabi ang mga insultong iyon sa binata at kumukumpas ang hintuturo sa hangin.
"You called," tila hindi makapaniwalang sabi nito. "Say whatever you want. Just show yourself to me, Theia. Explain why you are being like this, damn it," mariing anito sa kaniya. "Why did you suddenly become like this? Clearly, iniiwasan mo 'ko. Dahil ba sa text ni Hera? That's nothi—"
BINABASA MO ANG
L'île Bachelorette Series 2: Theia Sabrina
RomanceSecond installment of the series L'île Bachelorette Copyright © 2018 OhMyGelou | All Rights Reserved (Started writing: 01/22/18; Ended writing: ________)