EPILOGUE

129 9 2
                                    

EPILOGUE

3 Years Later...

"ATE THERESE!"

Napalingon ang dalagitang nakasuot ng pang titser na uniporme. Ngumiti ito nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa kaniya.

"Oh, Kate, ano yun?" Tanong niya sa labing limang taong gulang na babaeng nagngangalang Kate.

"Bibisita ka po?" Tanong ni Kate kay Therese na ngayon ay isang propesyonal na titser na sa isang kilalang eskwelahan.

"Oo naman, mamaya, pagkatapos ng klase," she smiled at Kate.

"Okay po!" Ngumiti rin si Kate kay Therese.

--

"Goodbye, class!" Paalam ni Therese sa kaniyang mga estudyante.

Nang makalabas mula sa eskwelahan ay sumakay na siya sa kaniyang kotse.

Tatlong taon na ang nakakalipas magmula ng iwan siya ng lalaking kanyang minahal, at laging mamahalin. Sa loob ng tatlong taon, maraming nagbago. Ngayon, si Therese ay isa ng teacher, nakakatulong na siya sa kaniyang ama at ina. Si Kate ay kasalukuyang Grade 10 na at nagsusummer job para tulungan si Tita. Sina Mama at Papa naman ay nagsimula na ng negosyo.

Pero yung pagmamahal ni Therese para kay Alex, nandun pa rin. Sa kaibuturan ng kaniyang puso.

--

Napangiti si Therese habang nakatingin sa puntod ni Alex. Pinunasan niya ito at nagpatong ng bulaklak.

"Grabe, hindi ka ba nahihiya, Love? Ako ang nagbibigay sayo ng flowers imbes na ikaw?" Natatawang sambit ni Therese, animo'y may kausap talaga.

"3 years ago, grabe ang iyak ko, halos nakaipon ata ako ng 3kilo ng luha dahil sayo. Kulang nalang magkaroon na ng ilog sa kwarto ko. Kaso, naisip kita. Naisip ko na hindi ka magigingg masaya kung malungkot ako lagi, kung magmumukmok lang ako sa tabi. Alam kong kung buhay ka, babatukan mo ako para matauhan. Halos 1 taon akong naging emo dahil sayong hype ka, hindi nga rin ako halos naliligo at kumakain. Ngayon nalang akong muli nag gegain ng weight. Alam kong kahit hindi kita nakikita, binabantayan mo pa rin ako. Hindi lang ako, pati na rin sina Kate at si Tita."

Tumulo ang luha mula sa mata ng dalaga ngunit sa kabila nito ay ngumiti siya at tumingala sa langit.

"Alex, miss na miss na kita. Miss ko na yung tawa mo, yung I love you mo, yung mga banat mo na nakakapagtanggal ng katinuan ko, yung bawat compliment mo sa sarili mo, yung pagtawag mo sakin ng Future Girlfriend, miss ko na. Miss na miss na miss na."

"Masaya ba dyan? Siguro, oo. Siguro kasama mo na ang Papa mo dyan. Pero wag mo ako ipagpapalit ha? Kasi ikaw? Lagi kang nandito," tinuro ng dalaga ang kaniyang puso.

"Hinding hindi ka mawawalan ng espasyo dito. Tandaan mo yan, I love you, Alex," she smiled for the last time.

Life is really short. Pero kahit na sa sandaling pagkakataon na iyon, dapat gawin mo ang lahat ng nakakasaya sayo. Ang kwento ng pag iibigan nina Therese at Alex ay hindi inaasahan.

Nagsimula sa simpleng load, sa simpleng lugar. Sabi nga sa kanta, "We found love in a hopeless place." Sobrang unexpected ng simula. Ganun rin ang naging ending ng story ng dalawang nag iibigan.

Malungkot man, alam nilang dalawa na kahit kelan, hindi nila malilimutan ang isa't isa. Kahit na ang storya nila ay nagsimula sa LOAD.

--

You're done reading Therese and Alex's unexpected and twisted love story!

--

Load. (COMPLETED)Where stories live. Discover now