Chapter 04: Knight in shining armor

6.9K 306 159
                                    

"Uhhmmm!"

Ilang beses kong sinubukang sumigaw pero hindi talaga ako makasigaw dahil sa higpit ng pagkatali ng kidnapper sa bibig ko.

"Kawawa naman si Princess." Sambit ng kidnapper saka siya lumapit sa'kin, umupo sa harapan ko at tinanggal ang pulang panyo sa bibig ko.

"May isa kang minuto para sabihin ang gusto mong sabihin." He continued.

"Kuya!! Please. Maawa ka po sa'kin. Huwag mo po akong sasaktan."

"I promise! Hindi kita sasaktan! Pero... Depende iyon..."

"Anong gusto mo po? Pera po? Pwede niyo pong tawagan ang Daddy ko. Magbibigay po iyon ng pera pero huwag po masyadong malaki hindi po kami mayaman." Pagmamakaaawa ko habang pinipigilan na umiyak.

Takot na takot ako at kabang-kaba ako. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Kung kaya ko lang takasan ang nakakatakot na lalaking 'to. Gagawin ko.

"Sinabi ko na iyan kanina Princess na hindi pera ang kailangan ko. Ang kailangan ko ngayon.. REVENGE! Hahahahaha"

Mas lalo akong natakot pagkatapos kong marinig iyon sa kanya. Hindi ko siya kilala kaya sigurado akong wala akong nagawang masama sa kanya para ikagalit niya. 

"Hindi ko po maintindihan. Wala po akong ginawang masama sa inyo."

"Hahaha! Wala nga!" He exclaimed. "Pero ikaw ang makakatulong sa'kin para matamo ko ang matagal ko nang ninanais na REVENGE! Kilala mo ba si Frank? Iyong pinsan ko? Matagal na matagal ko nang gustong makahigati sa kanya." 

Tumayo siya saka siya pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko.

"Tss.. Masyado kasi siyang perpekto kaya nahirapan akong maghanap ng butas sa pagkatao niya. Pero ngayon, nalaman ko na rin kung sino ang makaktulong sa'kin. At ikaw iyon! Kaya kung ako sa'yo. Tulungan mo ako. Hindi kita sasaktan. Pangako iyan. Gentleman rin naman ako kahit na papano."

"Maawa ka po sa'kin kuya. Hindi ko po kilala iyang pinsan mo. Sigurado po akong hindi po iyon pupunta dito para lang po sa'kin kaya pakawalan niyo na po ako." Pagmamakaawa ko ulit sa kanya.

"Maaring hindi mo siya kilala. Pero ikaw, kilalang kilala ka niya. Hindi ka lang niya kilala dahil patay na patay siya sa'yo. Opps! Kanina pa pala tapos ang isang minuto. O sige ibabalik ko na 'tong panyo sa bibig mo ha. And.. Huwag mong kalimutan. Behave ka lang para hindi ako mapilitang saktan ka." 

Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Tinakpak ulit ng kidnapper ang bibig ko gamit ang pulang panyo habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mga mata ko.

-RMS-

Dalawang gabi at isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako pinapakawalan ng kidnapper. Nauubos na ang enerhiya ko. Pinapakain naman niya ako tatlong beses sa isang araw pero hindi ako kumain dahil hindi ko kailangan iyon. Ang kailangan ko ngayon, makaalis at makauwi sa'min. Miss na miss ko na si Daddy Kevin at sigurado akong nag-aalala na iyon para sa'kin.

"Bakit kaya di pa rin dumadating si Frank? Pupunta pa kaya iyon?"

Nakatayo lang ang kidnapper sa harapan ko habang tinititigan ako. Hindi nagtagal, mas lumapit pa siya sa'kin at tinanggal ang suot kong salamin.

"Alam mo? Maganda ka rin naman pala. Huwag ka na lang kayang suotin to? Para naman may beautiful view dito habang hinihintay natin ang pinsan ko."

Tinapon niya iyong glasses ko sa kung saan kaya di ko na tuloy makita ng maayos ang paligid ko. 

"Sigurado napapagod ka na. Pasensya ka na ha. Pero kailangan ko lang talagang gawin to. Kung may ibang option lang sana ako. Crush kasi sana kita eh. Maganda ka rin naman kasi kahit papano. Ngayon alam ko na kung bakit patay na patay ang pinsan ko sa'yo."

"Uhmmm!!! Uhhmmm!!" 

"Gusto mo akong kausapin? Sige pagbibigyan kita. Gusto ko rin naman kasi ng makakausap."

Tinanggal niya ulit ang pulang panyo sa bibig ko.

"p*tang ina ka! Pakawalan mo na ako ngayon din. Hindi na pupunta iyang pinsan mo dahil hindi naman kami magkakakilala!" Sigaw ko sa kanya.

"Hahaha. Tama ba iyong narinig ko? You cursed at me? Hahaha. Palaban ka pala. But anyway, maghintay pa tayo hanggang bukas. Hindi rin naman kasi madali ang byahe mula America eh."

"JOB!!!"

Mas lalo akong kinabahan pagkatapos kong marinig na may iba pang tao bukod sa'min ng kidnapper. Pero malakas ang kutob ko na siya na iyong pinsan na hinihintay ng kidnapper. Kung totoo man ang hinala ko at ang sinabi ng kidnapper na patay na patay ang pinsan niya sa'kin, siya lang ang tanging pag-asa ko para makaalis sa impyernong ito.

"Oyy!!! Frank! Cousin! Pinsan! Bro! Kamusta? Long time no see." 

Tinignan ko lang sila pero hindi ko makita ng maayos ang mga mukha nila lalo na iyong pinsan ng kidnapper na Job pala ang pangalan. Tanging kulay lang ng shirt nila ang nakikita ko. At sobrang labo pa.

"F*ck! Huwag mo akong ma bro bro!"

Hindi ko talaga makit ng maayos kung anong nangyayari pero sa tingin ko nagsusuntukan sila. Nagpapalitan sila ng suntok, sipa at kung ano ano pang pasakit sa katawan ng isa't-isa.

"Tama na!!" Sigaw ko pero parang hindi nila ako narinig. Parang invisible lang ko sa harapan nila.

Patuloy pa rin sila sa pagmumura at sa pagsusuntukan. Sa tingin ko any minute from now may mamamatay na sa kanilang dalawa.

"Please!! Tama na! Tama na please!!"

Umiyak lang ako ng umiyak hannggang sa wala na talaga akong makita. Basang-basa na ng mga luha ko ang mga mata ko at wala pa akong suot na glasses.

"Don't worry. You're safe now." sabi ng lalaki saka ko naramdaman na lumapit siya sa'kin. "I'm sorry dahil napasama ka pa sa away naming mag pinsan. I'm really sorry." He continued.

Tinanggal niya ang kamay ko mula sa pagkakagapos saka niya ginulo ang buhok ko.

Tinitigan ko siya ng matagal. Near sighted ako kaya nakikita ko naman ng maayos ang mga bagay na malapit sa'kin. Pero dahil sa mugtong na mugtong na ang mga mata ko sa kakaiyak at basang-basa pa ng mga luha ko ang mga mata ko, hindi ko siya makita ng maayos. Blur.

"I'm really sorry. Next time mag ingat ka ha? I have to go."

Gaya ng biglaang pagdating niya, biglaan din ang pag-alis niya. Hindi ko man lang nakita ang mukha niya at hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa upuan ko kung saan ako tinali ng kidnapper ng tatlong araw. Kahit gusto ko ng umuwi, di ako makatayo. Dahil siguro sa trauma. Sobrang bilis ng pangyayari. Parang dinaanan lang ng bagyo tapos wala na. Pero nakakakaba pa rin.

Tumayo na ako at hinanap ang glasses ko pero hindi ko na siya makita kaya naisipan kong iwanan na lang iyon at umuwi na. Maghahanap na lang ako ng taxi sa labas para mapabilis ang pag-uwi ko.

Nadaanan ko iyong kidnapper bago ako lumabas ng bodega. Nakatihaya lang siya sa semento at tulog na tulog. Puno ng pasa ang mukha niya pero sigurado akong buhay pa siya dahil humihilik pa siya.

Naghanap na ako ng taxi paglabas ko pero wala akong mahanap kaya naglakad na muna ako para makalayo sa impyernong lugar.

"Are you okay? You need help?" Biglang tanong ng isang lalaking naka leather jacket. Nakasandal siya sa upuan ng motor niya.

"No it's okay. I'm okay. I don't need help." I answered him.

Maglalakad na sana ako papalayo sa kanya ng bigla na lang akong napatigil. He's familiar.

---------------------------

AN: HAhahaha. After 48 years nakapag update rin. hahahaha. Wahaha. Tatapusin ko po 'to promise. bUkas ulit i'll do my best para makapag update. haha. for dedication comment below :) don't forget to vote.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MTC Book 3: Reaching my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon