Screenshots

4 0 0
                                    

"Screenshots"
Idk what's more painful, yung mahuli mo sa akto na niloloko ka o yung iinform ka na balak kang lokohin.
Nasa school ako nun, biglang may babaeng nag message request sakin.
Sinend yung screenshots ng chat ng boyfriend ko na hinuhook-up siya.
Verbatim:
Ex: Pa-accept, please? 🙏
Girl: Why?
Ex: Wow! Nag reply si crush. Ang ganda mo kasi e. Anong building mo? Free ka ngayon? Can we meet sa Pav??
Girl: Mas maganda kaya yung girlfriend mo. Atsaka meet for what?
Ex: Mas maganda ka kaya. Wala lang, to get to know each other??
Girl: Alam ba ng girlfriend mo na may chinachat kang iba at makikipag-meet ka?
Ex: Hindi, kung walang magsasabi. Sasabihin mo ba?
Girl: Watch me.
Iyak ako nang iyak sa CR ng school nun. Pakiramdam ko sinuntok ako sa dibdib kasi sobrang sakit ng feeling bes. Yung taong never mong pinag-isipang lokohin at iwanan, yung akala mo kuntento at masaya sayo, pinagbabalakan ka na palang lokohin at iwanan para sa iba dahil lang "mas maganda" ang iba kesa sayo? Putcha, lakas makababa ng self-confidence! F*ck you very much!!!
Pero kahit masakit, sobrang thankful ako dun sa girl na ininform ako. Kung nababasa mo to ate girl, thank you!! Sana dumami ang katulad mo na mas pipiliin tulungan ang kapwa babae kesa pumatol at manira ng relasyon.

Jessa Chan
2013
ITHM
FEU Manila
(c) College Secret Files

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ConfessionWhere stories live. Discover now