Kabanata VII

78 3 0
                                    

Kabanata 7

---

Mirshaye

Unang tapak ko pa lang sa KN International Company ay nagtitinginan kaagad ang mga tao saakin. Nagtaka ako at yumuko na lang kasi baka may dumi sa mukha ko na hindi ko lang pala namamalayan.

Pasimple akong tumingin sa salamin pero wala namang dumi sa mukha ko. Naglakad na lang ako papunta sa receptionist area para magtanong.

"Uhm. Miss?"

Tumigil naman sa pagta-type ang babae sa laptop niya at nginitian ako, "Yes? What can I help you with Ma'am?" Saad niya.

"I heard na hiring daw kayo dito. I just wanted to know if that's true or not. If so, may I ask where could I apply?" Diretsa kong sabi.

"Yes, currently we are hiring employees today. Just head right and you'll find the hallway. May makikita kang mahabang pila ng mga tao at diyan na."

"Thank you so much." Ngiti kong wika sa babae na sinuklian naman ako ng ngiti.

"No problem Ma'am."

Pagkatapos kong tanungin ang babae, dali-dali akong naglakad at lumiko sa kanan at nadatnan ko ang mahabang pila ng mga babaeng suot-suot ang maiiksing palda at fit na fit na mga blouse. Makikita mo rin ang cleavage nila dahil sa sobrang ipit ng mga damit nila sa kanila kaya napailing na lang ako.

Saan ba sila nag-aaply? Sa club? O baka naman ganyan talaga ang mga uniform na pasado dito sa kompanya?

Isa kasi itong KNIC sa mga worldwide known na mga company na sobrang successful kaya marami ang gustong magtrabaho dito. Hindi ko lang alam kung sino yung owner nito dahil hindi naman doon nakalagay sa newspaper na nabasa ko.

Pumila na lang ako at hinintay na tawagin na yung pangalan ko. Ilang oras ang dumaan at ilang babaeng luhaan na rin ang nakita kong lumabas mula sa pintuan bago ko narinig na sinambit na yung pangalan ko. Medyo natameme ako ng tawagin ng isang babae ang pangalan ko kaya sa pangalawang pagkakataon ay sinambit niya iyon ng malakas kaya napakislot ako sa aking upuan.

"Mirshaye Enaiyis Deliona?" Tumayo ako at naglakad papunta sa babaeng nasa lamesa katabi ng isang pintuan kung saan hula ko nagaganap ang interview.

Ginawaran niya ako ng isang ngiti at nakikita ko sa kanyang mga mata ang awa sa kahahantungan ko. Para tuloy gusto ko na magback out na lang at manuod ng movies sa netflix sa condo.

Pero sayang naman ang paghintay ko dito ng ilang oras kung hindi ko man lang susubukan.

"You may now go in. Goodluck!" She said to me and I just gave her a small smile.

Unti-unti ko nang binuksan ang pintuan at naramdaman ko ang paglamig ng mga kamay ko ng makapasok na ako. Napalunok ako at inilibot ang tingin sa opisina. Simple lang at moderno ang ambiance ng paligid and it's too cold inside of here. Pakiramdam ko ay kulang na lang yata at baka may snow rin dito. Syempre kung may snow dito ay uunahin kong gawin ay ang paggawa ng isang snowman!

"Your name?"

Isang mababang tinig ang narinig ko kaya napadako ang tingin ko sa taong nakaupo sa silya na nakatalikod saakin. Sa kanyang postura at boses ay masasabi kong lalake ito. Ngunit ang hindi ko lang mawari ay bakit parang pamilyar ang kanyang boses saakin.

"Mirshaye Enaiyis Deliona." Sabi ko at baka namamalikmata lang ako pero parang nakita kong nanigas siya sa inuupuan niya.

"And what is your reason that you applied for KNIC? Are you one of those bitches that only wants to work in this company to seduce the CEO?" Tanong niya. Teka, parang bastos na yata yung pinagsasabi nitong lalakeng ito. Wala siyang karapatan na pagsabihan ako niyan? And what did he say? A bitch? Aso ba ako? Hindi naman ah. Tao naman ako sa pagkakaalam ko.

"With all due my respect SIR, I applied here in KNIC to make use of my skills and to improve them and see how far I could go. So you have no right to say that I am a bitch since I am definitely a human, a woman to be specific and as far as I know, a bitch is a term for a female dog." Confident kong sabi dahil ang isa sa pinaka-ayaw ko ay ang iniinsulto ako kahit wala naman akong may sinasabing masama. Come hell or high water but I believe that it's wrong to insult a person without knowing them completely.

"Very well Ms. Deliona." At umikot ang swivel chair at napasinghap ako ng magtama ang tingin ko sa asul niyang mga mata. Teka, parang pamilyar 'to. Saan ko nga ba siya nakita?

Tumayo siya sa inuupuan niya at tinahak ang direksyon kung nasaan ako. Parang nakapako naman ang paa ko sa carpet dito at hindi ko ito maigalaw para umatras. Nang nasa harap ko na siya ay nginisihan niya ako at sa klase ng ngisi niya ay parang may binabalak siyang masama. Napalunok naman ako sa tinuran niya.

"You're hired but in one condition." Bulong niya at hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti niya.

"And what is that?" Bilib ako sa sarili ko dahil hindi man lang nagkautal-utal ang boses ko kahit ang puso ko ay parang lalabas na sa dibdib ko.

"Kiss me."

Hindi ko namalayan na dumapo na pala ang kamay ko sa kanang pisngi niya at isang malakas na ingay ang lumikha sa buong silid. Gulat naman siyang napatingin saakin kaya kinuha ko yun na oras para pumunta na sa pintuan. Pero bago ko yun buksan ay nilingon ko siya muna. Hanggang ngayon ay parang napako rin ang paa niya sa carpet. Seriously, may glue ba doon sa carpet?

"I refuse, Mr. Elevator." At tuluyan ko nang binuksan ang pinto at lumabas with a confident posture at nagtataka namang tinitignan ako ng mga babaeng nakapila pati na rin ang babae na nagtatawag ng pangalan mo. Siguro ay nagtataka sila kasi ako pa lang yata ang lumabas dito sa pintuan ng hindi umiiyak o hindi kaya ay sira-sira ang damit.

Napakuyom ako dahil naalala ko nanaman ang antipatikong lalakeng iyon. Hindi ko basta-basta ibibigay ang first kiss ko noh! At sa isang hambog pa? No way!

Tsaka marami pa naman akong pera dito kaya hindi naman ako namumulubi para maghanap ng trabaho.

Ngayon ko lang naalala na yung lalakeng yun pala ay minsan ko nang nakasabay sa elevator sa building kung saan ako tumitira kaya mahirap na hindi magkasalubong ang landas naming dalawa. Pero hindi naman ako nababahala dahil wala naman akong pakialam kung magkita pa kaming muli.

---

BlackenedLight


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FollowedWhere stories live. Discover now