Kabanata 11

597 14 2
                                    

Sofie's POV

Nakauwi na ko ng bahay. Nagtext na rin ako kila JM at Christine na sumakit ang tyan ko kaya hindi ko na sila hinintay. Sinabi ko ring hindi ko nakita si Ricci.

Hindi ko talaga siya nakita.

Hindi ko nga siya nakita na may kahalikang babae.

Nang nasa loob ako ng Grab kanina ay inayos ko muna ang sarili ko. I don't want my parents to see me in this kind of state. Ayaw ko silang magalala. And even if I am still hurt right now, I don't want them to change their impression on Ricci. Yeah, I've witnessed something like that and sobra sobrang nasaktan ako. But hell, mahal na mahal ko pa rin siya.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nakabalot ng comforter. I don't want to check social media right now. Alam mo yung feeling? May karapatan naman akong masaktan e, pero I don't have the right to complain.

Buti na lang nung nakauwi ako, hindi masyadong napansin nila Mommy ang mugto kong mata. As what I've said, ayokong magaalala sila. And just like some daughters, nagkkwento rin ako sakanila about my everyday lives. Pero eto? Not this one. Gusto ko man na may makausap at mapagkwentuhan nitong nararamdaman ko, I can't. This is too much of a cake. This is something that I should be careful of. Ricci's career will be at stake, if ever.

Naalala ko na naman ang nangyari. Grabe, all along akala ko matino si Ricci. Pero ano bang pakialam ko? Who am I to judge anyway? Fan lang ako. And he's a guy. He has his needs and desires. At saka baka girlfriend—

Wait, girlfriend?

He tweeted kanina na wala raw siyang girlfriend. E sino yung babae kanina? Ano yon? Naghatakan lang sila sa isang tabi? Nagsisinungaling kaya si Ricci? Ugh! Mababaliw na yata ako!

Bat ko ba iniintindi to?

Bat ba ko umiiyak?

These questions are too much. Napaiyak na naman ako. I don't care if I would look crazy. Pero kasi, sino bang hindi masasaktan? He's not just an idol. Mahal ko yun e.

"Ugh, bakit ako pa?" I asked myself, throwing tissues that I used awhile ago. "Why does it have to be me? Bakit ako pa makakakita non? Pwede namang si JM na lang e!—"

I was cut of from being emotional when I heard knocks outside of my room.

"Nak?" It was mom.

Tumayo muna ko at saglit na inayos ang sarili ko saka pumunta sa pinto at binuksan ito.

"M-mom."

"Are you okay anak?"

"Y-yes mom. There's no reason to be not okay. I'm okay super Mommy. Wala n-nga po kong nakita kanina e-e."

"Ha?" I saw confusion on my mom's eyes. Ugh, ano ba tong mga sinasabi ko!

"Wala po. O-okay lang po talaga ko." I fake a smile.

"Okay. Kain na tayo?" aya ni Mommy.

And even if I can feel my stomach complaining, I refused.

"B-busog pa po ako."

"Sure ka?" I just nodded. "O sige pag nagugutom ka, baba ka na lang." I just nodded again and smiled.

Bumalik na ko sa kama ko at humiga. Wala talaga kong gana. Wala akong gana maligo, kumain. Wala kong gana ngayon. Baka bukas meron na, charot. Pero seryoso, wala talaga. Patuloy pa rin kasing nagfflashback yung nangyari kanina sa isip ko. Gusto ko na tuloy masuka. Charot lang ulit.

ADVANTAGEWhere stories live. Discover now