Kabanata 2

9 3 0
                                    


Alexa

Kring kring

Nagising ako sa tunog ng alarm ko kaya bumangon na ako para mag ayos at makapasok ako ng maaga para naman makita ko si rojj ng maaga awieeee,pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang inaalala ko kagabi mas makakabuti kung iiwas muna ako kay rojj baka kase kapag naging mas malapit kami sa isa't isa mahulog ako at hindi pwedeng mangyare yun dahil natatakot ako...dahil isa akong duwag.tahimik kaming kumakain nina mom ng biglang may bumusina sa labas kaya tinawag ni mom si yaya para tignan kung sino ang bumubusina

Biglang bumulga samin si kiel

Teka bakit napaka aga niya naman ngayon?kase madalas ako pa naghihintay sakanya kase naman daig niya pa babae kung makapaginarte sa katawan niya kesyo dagdag pogi daw yun sa mga babae,akala mo naman gwapo mukha namang bakulaw HAHAAHA!jk pero in fairness ha gwapo si kiel pero konti lang sympre mas pogi si rojj.

'Oh ijo ang aga mo naman para sunduin ang bunso namin,umupo ka na sumabay ka na samin"

Daaaad!marami naman silang pagkain tsaka duh!may nanay siya hindi naman siya ginugutom ni tita maesy eh

'Gusto ko lang po sunduin ng maaga ang bunso niyo hehe'

'Buti naman,para hindi lumuwa mata ko kakaantay sayo sa labas'pabulong ko'ng sambit

'May sinasabi ka diel?'si daddy

'Hmm?wala ah'

"Nga pala ijo ingatan mo bunso namin ha?aalis na kami babygirl"sabay halik ni dad sa noo ko

'Hmm oo nga ijo malaki tiwala namin sayo hahaha osiya aalis na kami sweetie'Si mom!

'Teka mom! dad'

'Yes sweetie?'

Arghh bakit ba iiwan nila ako sa baliw na 'to?baka kung ano gawin niya sakin habang wala ang magulang ko!!iba kase pakiramdam ko ngayon huhu baka Oa lang ako ngayon.naah!always alex!duh..

'Hmm hehe wala po ingat kayo sa US mom'

Umalis na si mom at dad dahil meron silang business trip sa US kailangan nilang ma close ang deal para makapagtayo kami ng business sa US tsaka balak ni mom manirahan dun pagdating ko ng college sa ngayon kase grade 10 student pa lang ako kaya may 2years pa 'ko para manirahan dito sa pilipinas

'Oh bakit tulala ka,bilisan mo kumain baka malate tayo'

Ay shet nakalimutan ko'ng may kasama pala akong baliw huhu

'Hmm tara na,nawalan na 'ko ng gana'

Tatayo na sana ako pero hinila niya ang braso ko dahilan para mapaupo ulit ako!!

Omyyyy baka talaga may balak siya sakin huhu Lord please help meee!

'B-Bakit?'nauutal ko'ng sambit

'Ubusin mo yan,masamang magtira ng pagkain'

'Ahh..ehh kase wala na 'kong gana, kaya tara na'

'Uubusin mo yan o uubusin?'

Wahhhh!pinandidilatan niya ko ng mata ayoko na!!alam niya talaga ang kahinaan ko jusq ayaw na ayaw ko'ng pinandidilatan ako ng mata,natatakot ako kapag ganon huhu.

Wala akong nagawa kundi ubusin ang pagkain ko baka kainin niya ko ng wala sa oras,pagkatapos ko umalis na agad kami at muntik na kaming malate dahil sa pagpilit niya sakin kumain kanina!kainis hindi ko nasilayan si rojj ng maaga pero okay lang nakita ko naman siya sa room hehe.

DISCUSS

LONG EXAM!

DISCUSS

DISCUSS

BREAK TIME!!

Hindi na ko nagpahintay sa mga kaibigan ko at pinauna ko na sila sa canteen madami pa kase akong kailangang gawin tulad ng gumawa ng assignment sa mga panghapon ko'ng subject hindi kase ako nakagawa kagabi dahil napagod ako kakaisip sa text ni syrojj iniisip ko kung rereplyan ko ba siya,sa sobrang pag-iisip ko nakatulugan ko nalang yun,kase ngayon hanggang crush lang muna ako ayokong masira ang pangarap sakin nina mom at dad kaya tsaka na muna ang lablyp na yan.

Habang gumagawa ng takdang aralin hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil mag-isa lang ako dito sa loob ng classroom namin pakiramdam ko namamasa na ang kamay at noo ko dahil sa takot kaya bago pa lumala yun dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at tinakbo ang kantina at pagkarating ko doon natanaw ko ang mga kaibigan ko na nasa dulo ng canteen at nagtatawanan kaya agad akong lumapit sakanila,pakiramdam ko hinahapo ako dahil sa bilis ng takbo ko pero ayos lang kesa mamatay ako sa nerbyos ano!

"Oh?bakit ganyan itsura mo?!" Si Chantrisse

"Oo nga fren!" Si leiram

"Daig mo pa ang kamatis sa sobrang pula mo!hahaha" Si threcxy

"Palibhasa sobrang puti mo teh!para kang nabubuhay na labanos!" Si leiram

At muli silang nagtawanan,nakakainis naman kase eh sana hindi nalang ako nag paiwan dun at dito sa canteen nalang ako gumawa ng takdang aralin!

"Huy fren!ano na?ano ba nangyari sayo?"kunot noong tanong ni chantrisse,hindi agad ako nakasagot dahil habol ko pa din ang hininga ko tsaka baka pagtawanan nila ako kapag sinabi kong natakot ako kanina sa classroom. "Huy!ano ba naman yan alex magsalita ka naman!hello?kinakausap ka naming mga kaibigan mo...unless hindi mo kami tinururing na kai--"

"Ha?hindi,ano ka ba!kaibigan ko kayo sa loob ng halos twelve years nating magkakasama pinagdududahan niyo'ko?!bad niyo ha grabe!"sabi ko habang hingal na hingal dahil nasabi ko yun ng sobrang bilis.

"Easy alex,okay?will you please sit down?" Umupo ako sa tabi niya at hinarap niya ako sa kanya ng nakasimangot at halos matusok ang mukha niya dahil sa tulis ng pagkakanguso ko

"What happened to you?nag-aalalang tanong niya masyado kasing mapula ang halis buong mukha ko dahil sa sobrang takot kanina,well inaamin ko naman na masyado akong matatakotin. "Ano kase..."

"Ano?"

"Kase kanina chan parang may multo sa classroom kaya minadali ko'ng pumunta dito dahil natakot ako" nahihiya man ay sinabi ko na din kase hangga't maari ayoko'ng maglihim sa mga kaibigan ko. Tahimik nila akong pinagmasdan at kunot noo ko silang tinignan at sa isip ko tinatanong ko sila kung bakit hindi man lang sila nag react sa sinabi ko!

"Guys?.."

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHHAHAAAAAAAAHAHAHAHAHA!" SABAY SABY NILANG TAWANAN!UGH!THIS IS SHIT!

I HATE YOU GUYS!ALL OF YOU!!!

"Grabe alex akala ko naman hinabol ka na ng elepante!"si threcxy Habang tumatawa at hawak pa ang tiyan!tumayo ako at lumbas ng canteen naririnig ko'ng tinawag nila ako pero hindi ko sila nilingon at nagtuloy tuloy sa paglakad takbo, hindi ko alam pero naiinis ako!kaibigan ko sila pero parang wala lang sa kanila yung nangyari sakin!OA ng kung OA!patakbo ko'ng tinungo ang field at umupo sa isang bench doon habang umiiyak!hindi ko alam pero naiiyak ako ng walang dahilan, ano ba alex!tumigil ka ng kakaiyak mo!masyado kang Oa! Paulit ulit na sinasambit ng utak ko yun pero hindi ako natinag at nagtuloy tuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.mayamaya ay may naramdaman akong kamay sa balikat ko kaya gulat akong napalingo sa nag mamay-ari ng mabigat na kamy na iyon,oo mabigat!

Azkiel?...

To be continued


ScaredWhere stories live. Discover now