Twelve

9.9K 384 29
                                    

Trent brought me to Mall and insisted to shop for me pero tinanggihan ko. Kung sanay siyang bilhan ng kung anu-ano ang date niya pwes ibahin niya ako. Ayokong pinagkakagastusan ako feeling ko kasi nagkakautang ako.

We watched movie and he also brought us sa mamahaling restaurant para do'n kumain pero hindi ko naman masyadong na enjoy dahil matipid lang ang kilos ko kasi naman 'yong mga kasabay naming kumain mga sosyal. Pero ang isa din talaga sa pinaka dahilan kung bakit hindi ako masyadong nag e-enjoy ay dahil ginugulo ni Laurence ang isip ko.

'Yong halik naming dalawa at 'yong pa-conservative keme niya sa suot ko, pero ang pinaka talaga ay 'yong pinagsaluhan naming halik.

Meron sa loob ko na gustong malaman kung ano para sa kanya 'yong halik naming dalawa.

Alas-dos palang ng hapon nagyaya na 'ko sa kanyang umuwi. Ayaw kong magpagabi dahil baka bigla akong atakihin ng phobia ko. Though kasama ko naman siya kaya hindi ako magpapanick pero mas ok na din 'yong sigurado. Hindi niya alam ang tungkol sa fear ko at ayaw ko namang ma-wirduhan siya sa kinikilos ko.

Almost 3pm nang makarating kami sa Apartment. Nagtanong siya sa'kin kung pwede daw ba siyang pumasok sa Apartment. Hindi ako naka Oo sa kanya kasi hindi ko naman Apartment 'to kaya nakakahiyang magpapasok ng manliligaw.

Umalis din naman agad siya nang hindi niya makuha ang permiso ko na makapasok. Pumasok na din agad ako sa Apartment, si Mau ang naabutan ko sa sala na busy sa cellphone niya kakapindot.

“Hey!” I called her kaya nakuha ko ang atensyon niya.

She looked at me. “Hey! How's your date?”

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Huminga ako ng malalim at ibinuga ito. “Ayos naman.”

“Naging gentleman naman ba si Trent sa'yo?”

“Wala naman siyang kapilyuhang ginawa.”

“Mmm... Good to hear that!” She almost shouted.

“Ba't parang sumisigaw ka?” Pagtataka ko.

She shakes her head. “Wala napalakas lang boses ko.”

“I see.” Nilibot ko ang tingin sa paligid at pinakiramdaman si Laurence. Gano'n din sa kwarto nito na katapat lang dito sa sala. Tulog kaya siya? Baka kasi napuyat siya dahil katabi niya akong natulog na bukas pa ang ilaw.

“Nasa kusina siya.” Dinig kong sabi ni Mau kaya napunta ang tingin ko sa kanya.

“S-sino?”

“Si Laurence, siya hinahanap mo 'di ba?”Ang lakas talaga makahuli nitong kaibigan ko. Feeling ko tuloy hindi ako makakapag lihim sa kanya.

“Hindi ko siya hinahanap nu.” I lied.

She shrugged. “Sabi mo eh.” Obviously, hindi siya naniniwala sa'kin.

Tumayo na 'ko. “Iinum lang ako ng tubig.” Paalam ko sa kanya.

“Iinum ng tubig o gustong makita si Laurence?”

“Iinum ng tubig!” Pagdidiin ko. Iinum naman kasi talaga ako eh, kasama na din 'yong part na parang gusto ko siyang makausap.

Kaloka talaga siya.

She just laughed at me. I rolled my eyes on her then nag simula na 'kong maglakad papunta ng kusina.

Naabutan ko si Laurence na kumakain ng merienda sa dining. Hindi pa niya ako napapansin kaya dumiretso lang ako papunta sa ref. kumuha ako ng baso at nag salin ng malamig na tubig sa baso. Ininum ko din naman agad 'to habang pasimpleng pinagmamasdan siya.

Ni hindi manlang niya ako tinitignan kahit obvious naman na hindi lang siya ang magisa dito. Ni hindi niya ako kinikibo na akala mo isa lang akong hangin na naglalakad.

Ano ba problema ng mokong na 'to? Bakit parang bigla-bigla wala siya sa mood na pansinin ako? Paano ko matatanong sa kanya kung ano para sa kanya 'yong halik namin? Dapat ko pa nga bang itanong sa kanya 'yon? Paano kung hindi ko magustuhan ang isasagot niya? As usual, maiinis ako sa kanya. Eh paano kung matino naman ang isasagot niya?

Haay! This is really confusing.

Gusto ko talaga malaman ang iniisip niya kundi baka hanggang bukas abutin ang pagiisip ko nito sa kanya.

“Laurence,” Tawag ko sa kanya.

“Bakit?” He asked chewing not even bothering himself na tumingin sa'kin.

“Can i ask you a question?”

“Go ahead.”

“Bakit mo 'ko hinalikan?”

Nahinto siya sa pagkain niya for awhile. Nilapag niya 'yong sandwich na hawak niya sa plato at uminum ng soft drink 'tsaka niya ako hinarap.

“Isn't it obvious?” He asked.

Umiling ako bilang sagot.

“I'm just a guy sharing one bed with a girl--  beautiful girl. What do you expect? Syempre maakit ako. Kahit sino naman sigurong lalakeng may katabing babae may gagawin at gagawin siya sa babae.”

“Naakit ka lang?” There's a hint of disappointment in my voice.

“Yeah! Sorry. Hindi na 'ko nakapag isip. Don't worry it won't happen again.”

What a douche bag! Ipinamukha na agad niya sa'kin na katulad lang siya ng ibang lalake na iba ang habol sa babae. Kung hindi pala dumating si Mau kaninang umaga baka kung ano na ang ginawa niya sa'kin.

Wala pa naman ako sa katinuan ko kanina at hinahayaan lang siya sa ginagawa niya. Paano kung may nangyari? Mag so-sorry lang din siya at sasabihing naakit lang siya? At sasabihing it won't happen again?!!

Urgh! I really hate him!

“Okay! Just make sure na it won't really going to happen again!” And i swear too na hindi na 'ko magpapadala sa pagiging nice niya. Hindi nalang 'pag may alak may balak ang lalake pati narin kapag-nice-may-balak na din.

Padabog kong nilapag sa lamesa 'yong baso 'tsaka na 'ko nag lakad papunta sa kwarto.

Pagpasok ko ng kwarto, binagsak ko agad ang katawan ko sa kama ko.

Nakakainis! Sobrang nakakainis talaga siya! Expected ko naman na maiinis ako sa kanya kapag hindi ko nagustuhan ang sagot niya, hindi ko nga lang akalain na malalang pagkainis pala ang mararamdaman ko.

Aaminin ko na akala ko iba siya ibang lalake dahil imbes na i-take advantage ang pagco-confess ng babae sa kanya ni-ri-reject niya 'to. Katulad lang pala siya ng iba. Baka nga katulad lang siya ni Trent.

To be continued...

That Boy Never Fails To Annoy MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora