Prologue

351 4 0
                                    


"Goodbye class! Have a great day. See you tommorow" sabi nung prof namin.

"Goodbye sir!" Pagpapaalam din namin sa kanya

Dumiretso ako sa canteen malapit sa building dito. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod. Umupo muna ako saglit at nung napansin kong medyo humupa na yung pila ay tumayo na din ako para maka order.

May 3 pang nakapila bago ako kaya naglingon lingon muna ako dito sa paligid. Dun ko lang napansin na medyo marami na din palang tao.

"Ahmmm miss. Ano pong order nyo?"

Bigla akong nagulat dahil ako na pala. Kingina nakakahiya naman.

"Opsss. Sorry, ahmmm isang set A nalang tyaka isang frappe"

"Anong frappe po?"

"Hmmmm. Strawberry nalang"

"Ok mam. 1 set A and 1 strawberry frappe. Is that all mam?"

"Ah yeah. Andun lang ako sa table 9"

"Ano pong name nyo?"

"Jhoana" sabi ko sabay abot ng bayad

"Ok mam Jhoana. We'll serve it in less than 10 minutes" sabi nung nagtitinda habang iniaabot yung sukli ko. Ngumiti nalang ako at umalis na.

Pumunta na lang ako sa table ko pero sa di inaasahang pangyayari may nakita akong nakaupo. Mag isa lang naman sya.

"Ah sir. Ako po yung naka upo dito" sabi ko sa kanya

"Ahmm miss pede maki upo nalang? Wala na kasing vacant eh. Please" pag mamakaawa nya

"Ok fine."

Umupo ako sa harap nya at inilagay sa kabilang upuan yung bag ko. Maya maya lang ay dumating na yung order ko.

"Miss Jhoana, here's your order. 1 set A and strawberry frappe. Enjoy mam!" Magiliw na sabi nung waiter at nginitian ko nalang sya.

Habang inaayos ko yung pagkain ko, napansin ko na parang may binubulong tong nasa harapan ko at tumango tango naman yung waiter at umalis.

Sa sobrang gutom ko di ko namalayan na andito na ulit yung waiter. Pag angat ko ng tingin sa kanya.......

"What the fuck? Sino sa tingin mo kayang makaubos nyan?" Sabi ko sa sarili ko

Grabeeee! Sobrang daming pagkain! Habang nilalapag nya yung mga pagkain sa table ay medyo natulala talaga ako.

"Enjoy your foods sir Nico" sabi nung waiter tyaka ngumiti dun sa lalaking nasa harap ko.

Tinignan ko naman sya ng nagtataka. Nagkibit balikat lang sya at nagsimula ng kumain.

Wala na kong pakelam sa kanya. Kumain nalang ako ng kumain kasi may training pa kami ng 1pm. Dapat talaga 1:30 yung training kaso dadating na daw yung mga rookie tyaka mag aasign na daw ng bagong roommate.

Tinignan ko yung relo ko at 12:45 na! Gosh! Kelangan ko ng magmadali!!!!

Inubos ko na yung pagkain ko at inaayos ko na yung mga gamit ko. Ng paalis na ako bigla nalang akong tinawag nitong lalaking nasa harapan ko.

"Aalis ka na miss Jhoana?"

"Ah oo." Naiilang na sagot ko

"Ahmm ok. By the way I'm Nico Evangelista" sabi nya na nakangiti at nag lahad ng kamay.

"Ahmmmm Jhoana Maraguinot" sabi ko ng naiilang at nag shake hands kami. "Ahhh aalis na ko"

"Bye. See u when I see u?"

"Ah sige" sabi ko sabay dampot ng gamit ko at ng frappe.


The World Isn't With UsWhere stories live. Discover now