Chapter 2

213 8 0
                                    

Jho's POV

"BEEEEEEEEEP!" Napalingon kami dun sa kaliwa

Tumigil yung sasakyan at lumabas yung driver. Nakita kong si Nico ang driver nun.

"Hi" -Nico

"Hello" -Ako

"Ahmm ano. Ahh yayayain sana kita mag dinner hehe. Kung okay lang naman" sabi ni Nico habang kumakamot pa sa batok nya

"No! We already have a plan this dinner" sabi ni Bea habang hawak hawak ang wrist ko at tinatago ako sa likod nya. "Gotta go bro. See you when we see you. Have a greate night" binigyan ni Bea ng pilit na ngiti si Nico.

Humigpit ng humigpit ang pagkahawak sakin ni Bea. Di na nya inintay pang sumagot si Nico at pinapasok nya na ako sa loob ng kotse nya.

Binuksan nya yung pinto sa shotgun at umikot sa driver seat. Ni lock nya agad yung pinto at umatras sabay alis namin sa Beg. Kinuha nya yung phone nya at may tinatawagan.

"Hello"

"We're on the way there"

"Hey. Hey. May nangyre kasi kanina"

"Yes. I'm with her"

"Pls tell to Jia to bring her gymbag"

"Ah yeah yeah. Take care. Soo you there"

Binaba nya yung phone nya at tumutok sa pag da drive. Medyo na cu-curious na ako kaya naisipan kong magtanong.

"Huy Bea! San mo ba ko dadalin?!" Di sya sumagot sakin. "Kingina mo di ka ba sasagot?!" Ayaw parin sumagot. "Ayaw pa rin? ITIGIL MO TO! BABABA AKO!" Sigaw ko

Tumingin sya sakin ng masama

"Pede ba Jho?! Just sit there and wait!" Sigaw nya

Napagitla ako sa sigaw nyang yun. Tinignan ko yung mga mata nya. Galit na galit talaga sya. Nanahimik nalang ako at ginawa yung sinabi nya.

Lumiko sya sa isang buffet. Kukunin ko na sana yung bag ko sa likod pero.....

"Just leave it there. Mamaya mo nalang kunin"

Kinuha ko yung phone ko at tatawagan ko si Jia. Lumabas na ako ng kotse

*Ring* *Ring* sinagot na nya

"Oh?" -Jia

"Yung gym bag ko nasayo?"

"Oo"

"Nasan kayo?"

"On the way na dyan"

"Ahh sige"

"Byeeeee!"

Binaba ko na yung phone ko at nilagay sa bulsa. Nung tumalikod ako.......

*Bugggssshhh* (nabangga ako! Wag kayong ano!)

Muntik na kong matumba pero buti nalang nahawakan ako sa braso ni Bea.

"Let's go"

Binitawan nya ako at nauna na sa paglalakad. Sinundan ko naman sya.

"Goodevening ms. Beatriz"

Tumango lang sya sa guard.

"Ang sungit talaga!"

May lumapit saming waiter. Bumati lang ito at tumango sa binulong ni Bea. Nakita kong umupo sya sa long table kaya umupo ako sa harap nya.

Ilang sandali lang narinig kong medyo umingay. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang mga teammate ko. Umupo naman agad sila kung nasan kami. Tumabi sa kaliwa ko si Jia at kanan naman si ate Ella.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The World Isn't With UsWhere stories live. Discover now