Kabanata 17

104 79 2
                                    

Abraham's POV

Anong oras na akong natulog kagabi tapos uminom pa ako, kaya ang resulta late akong nakapasok. Masakit din yung ulo ko kaya dapat hindi na ako papasok pero naisip ko si Starr, Friday ngayon at last ko na siyang makikita this week kaya gusto kong pumasok para makita siya. Uhhh sounds gay!

Tuwing recess mag-isa ko nalang kumakain sa mini canteen dito sa school, ayoko sa cafeteria kasi alam kong makikita ko nanaman si Starr at lexis magkasama.

"Alam mo tol may magandang babae daw dun sa David, at bali balitang nililigawan daw ni Lexis yung babae. Naka jackpot!"

"Legit tol, maganda talaga yun. Nakikita ko siya lagi sa V. University laging may hinihintay. Sabi nila kuya niya daw yung lagi niyang hinihintay akala nga ng lahat boyfriend niya eh"

Bakit ba pinag-uusapan nila si Starr? At nililigawan siya ni Lexis? Whoooa wala yata akong alam sa nga nangyayare sakanila ngayon.

"Hi Abraham! Pwedeng maki table?" sabi ni Sheena at tumango nalang ako sakaniya.

"Bakit mag-isa kang kumakain? Hindi mo kasama sila Enzo? don't tell me may war nanaman kayo?" sabi niya

"Hindi naman sa mag-kakaaway kami, pero ang babaw nila para pag-awayan namin yon." at tumingin ako sa labas

"Paanong ang babaw? Ano ba pinag-awayan niyo?"

"Basta. Oh bakit ikaw? mag-isa ka ngayon? bakit wala si Brandon?" boyfriend niya yun

"Break na kami." yumuko siya at umiyak

"Sorry, bakit naman kayo nagbreak?" binigay ko sakanya yung panyo ko

"May iba siyang gusto" humagulhol nanaman siya sa iyak

"Tagal niyo na diba? 2 years na kayo diba?" tanong ko

"Wala naman kasi sa tagal yan baham" sabi niya at pinupunasan yung pisngi niya

"Sabagay! pero sino naman yung babae? I mean sino yung bago niya?" tiningnan ko siya

"Classmate mo si Starr diba? yung sikat ngayon sa school? yan yung bago niyang gusto" sabi niya

WTF!!! STARR?

"A-ah...... si starr pala...." nag half smile lang ako sakanya

"Don't tell me gusto mo rin si Starr? alam ko bang ang daming lalake na nakikipag break sa girlfriend nila just to court her? Remember Laurence and Aina?"

"Oh bakit sila? anong meron?" tanong ko

"Break na sila ng dahil nanaman sakanya, marami ring galit sakanya kasi mang-aagaw daw malandi daw etc." at uminom siya ng tubig.

"I like her, but she's ignoring me. Nililigawan yata siya ni Lexis eh" at halatang nagulat si Sheena

"What? Nililigawan ni lexis?Kailan pa?" tanong niya

"Hindi ko alam, narinig ko lang kanina eh. Lagi silang magkasama ni lexis eh. Dati naman ako yung kasama niya" usal ko

"Awww sakit naman. Mas gwapo kapa kay lexis tapos mas mabait pa. What if maging sila?" tinitingnan niya ako

"Let her go. Kung sila talaga edi sila. Ano pa nga bang laban ko kung mismong pinaglalaban ko masaya na sa iba diba?" sabi ko at pinalakpakan ako

"Ano ba Sheena stop it nakakahiya" kumunot yung noo ko eh pano ba naman kasi ang lakas lakas niya pumalakpak

"So ano nang plano mo ngayon?" tanong niya

"Plano? wala naman. Siguro pabayaan ko nalang muna siya kay lexis. Dun siya masaya eh" at nag fake smile nalang ako

Simula Pa Nung Una (on going)Where stories live. Discover now