CHAPTER 2- WHO'S THAT GIRL?

46 6 2
                                    

2. WHO'S THAT GIRL?

She let her Reddish hair flow
And the way i see its glow
Because there has a side of me that i didn't know.
I want to know her the way it go.

~M.L

[PRINCE EION'S POV]

Na gising ako dahil sa sinag na tumama sa mukha ko. Nanghihina ang buong katawan ko at lalo na ng sugat ko ay lalong sumasakit. Gusto kong humingi ng tubig kaso walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Dahan dahan kong ginalaw ang mga paa ko piro hindi ko magawa dahil sumasakit ang sugat ko. Tuyo na din ang lalamunan ko kaya mas lalo akong nanghihina.

"Iho gising kana!" Dinig kong may nag salita na matanda kaya ginalaw ko ang bibig ko habang binabangit ang salitang 'tubig' kahit walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Laking pasalamat ko ng paupuin niya ako at pa inomin. Kahit papaano eh gumanda ganda narin ang pakiramdam ko.

"Iho masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong niya kaya napatango ako. Pinaayos niya ako ng upo kaya lupaypay parin ang katawan ko.

Bigla kong na isip na bakit matanda ang nag aasikaso sa akin ngayon? Gayong babaeng dalaga naman ang nag ligtas sa akin?

Napatingin ako sa paligid at saka ko lang na realize na wala pala akong maskarang suot. Nakakapanibago dahil sa mga oras na ito hindi ako nagtatago sa mga tao at may ibang tao narin ako nakakasama. Ang liit nitong bahay, mas malaki pa nga ang CR ko kaysa rito.

"Diyan kalang iho, ipaghahanda kita ng makakain" sabi niya kaya napatango ako. Ng maramdaman ko ang sarili ko na kaya ko ng maglakad ay agad akong lumapit sa bintana para makita ang paligid. Laking gulat ko nalang na nasa bukirin pala ako. Maraming mga hayop at mga pananim.

"Tanda? Ilang araw na ba akong nandito?" Tanong ko sa matanda kaya napatingin siya sa akin.

"Naku iho, wag na 'Tanda' ang itawag mo sa akin mas lalo tuloy akong tumatanda 'lola' nalang itawag mo" sabi niya kaya napatango ako habang hawak ang sugat ko.

"Dalawang araw kang natulog iho at pangatlong araw sana ngayon mabuti nalang at nagising kana, akala nga namin eh patay kana" sabi niya sabay ngiti sa akin. Magtatanong pa sana ako ng marinig ko na may dumarating kaya napatingin ako sa labas ng maliit na bahay nato.

Isang babae ang nakita ko na nakasakay sa isang kabayo habang nakangiti. Sumasabay sa indayog ng kabayo ang pag indayog ng mapulapulang buhok niya. Ewan ko piro may kakaiba akong nararamdaman. Siya ba yung nag ligtas sa akin?

"Iha nandito kana pala!" salubong nung tanda i mean ni Lola sabay yakap sa Reddish hair na babaeng yun. Napa iwas nalang ako ng tingin sa kanya ng tumingin siya sa gawi ko sabay ngiti.

THE PRINCE IS INLOVEWhere stories live. Discover now