Thirty-eight

13.6K 318 5
                                    

Blaze...

After ng madamdaming tagpo nila ni Xylona sa ospital naiuwi din niya agad ang asawa niya. hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon agad silang bumalik sa Manila para ipaalam sa mga magulang niya ang magandang balita na bumalik na ang memorya ni Xylona.

Kasama din sa sinabihan nila ang ate ni Xylona.

"Great, pinauwi ko na sila mama"sabi pa ng ate ni Xylona ng masabi nila ang balita dito.

Maging ang pagpapakasal nila ay nasabi na din nila sa mga ito. excited na ang lahat maging siya din naman excited na.

"Irog ko"tawag niya sa asawa.

Inirapan naman siya nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nasa loob sila ng condo ngayon na dalawa, hindi pa niya naibenta ng tuluyan ang condo niya kaya naman heto sila ngayon at inaayos ito para doon sila pansamantalang tumuloy.

"Irog ko"tawag niya muli dito.

"Pwede ba Blaze galit ako sayo"inis na sagot nito.

Dalawang araw na silang hindi nagtatabi na dalawa, sa sala lang siya natutulog. Ang pinagsisintir nito ay ang malamang nasira lahat ng gamit nila noong nagsasama sila ng hindi pa ito naooperahan.

"Sorry na kasi"hingi niya ng paumanhin dito.

Hinarap siya nito at pinameywangan.

"Alam mo naman na mahalaga satin iyong mga gamit na iyon Blaze...kahit sana itinago mo nalang hindi iyon sinira mo nalang basta. Kainis ka kung talagang namatay pala ako kakalimutan mo na ako dahil wala ng magpapaalala sayo na minsan may Xylona sa buhay mo"sermon nito sa kanya.

Napakamot nalang siya sa ulo niya habang nakikinig sa sermon nito sa kanya.

"Itong mga gamit na ito kapag nawala ako sisirain mo lang din naman pala bakit ko pa inaayos"sintir na naman nito.

Nagpantig naman ang tenga niya sa huling sinabi nito sa kanya. agad niyang nilapitan ito at mahigpit na niyakap.

"Hindi mo na ako iiwanan kahit kailan Xy. Mamamatay ako"bulong niya dito.

Naramdaman niya ang malalim na pagbuntong hininga nito.

"Oo naman hindi na kita iiwanan, remember magsisimula na tayo ulit"sagot nito at ginantihan siya ng yakap nito.

"Mahal na mahal kita Xylona"

"Mas mahal po kita, kasi mahal mo ako"natatawa nitong sagot sa kanya.

Sa tuwa niya hinalikan niya ito ng sobrang intense, pinaramdam niya dito kung gaano siya kasabik dito ngayon.

"Irog ko, pwede ba nating iadvance ang honeymoon"bulong niya dito ng matapos ang mainit nilang halikan.

Kinurot naman siya nito sa tagiliran niya pero hindi naman masakit.

"Sige gusto ko iyan"nakabungisngis ding sagot nito.

And that night they made love, paulit ulit niyang inangkin ang asawa niya hanggang sa sumuko na silang dalawa sa sobrang pagod.

Kinaumagahan maaga siyang gumising dahil maaga siyang pupunta sa opisina niya ngayon. Madami siyang naiwanan na trabaho doon dahil na din naging busy siya sa asawa niya.

"Maaga ka bang uuwi?"tanong sa kanya ni Xylona.

Inaayos nito ngayon ang necktie niya.

"Hindi pa ako nakakaalis miss mo na ako agad Irog ko"nakangising sagot naman niya.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon