VICTORIA

9 0 0
                                    


(School Province)

.

.

.

* KINABUKASAN

Pagdating ni Victoria sa school ay agad nyang hinanap ang classmate nyang binully nya kahapon.

At diretsyo-diretsyo sa kanilang classroom. Nang makita na nya ito ay agad nyang hinila ang braso nito at itinulak sa dingding na syang ikinagulat nito. Mabuti nalang wala pang teacher sa mga oras na iyon, ngunit may iilan silang classmates na nakakakita sa mga pangyayari.

"At talagang nagsumbong ka pa ha?!... Hindi ka pa ata' nadadala sa ginawa ko saiyo kahapon!...". Sigaw nito sabay duro sa noo ng kaharap.

"Vi- Victoria, Hindi ako nagsumbong.. Nakita lang nila yung mga pasa ko sa mukha kaya pinilit nila akong sabihin kung sino may kagagawan nito.. ". Utal-utal nitong sabi.

"Boba! Ganun narin iyon!...". Sigaw ulit nito.

"Sorry na! Please! ... Sorry na!...". Sabi nito habang nagbabadyang lumuha nanaman.

"Tsk! Sorry?!... Alam mo bang nang dahil saiyo kaya ako napagalitan ng daddy ko! Ha?!... Ito ang dapat saiyo!...". Galit na galit nitong sabi sabay hila ng blouse nito ng ubod na lakas sanhi ng pagkapunit nito at makita ang dibdib nito na nababalot ng natitirang tela.

"Tama na! Please! Tama na! ... Huhuhu...". Umiiyak nitong sabi habang nagmamakaawa.

Kaya naman nagulat ang mga nakasaksi nito. Ngunit gusto man nilang tulungan ang classmate nila ay hindi nila magawa, dahil ang isa sa mga nagdodonate ng panggastos ng kanilang school ay ang ama ni Victoria kaya naman pikit mata nalang ang ginagawa nila para makatapos ng pag-aaral.

.

.

.

.

.

Isang araw nabalitaan nalang ng kanilang school na ang isa sa mga studyante nila ay nagpakamatay. At kumalat ito sa kanilang lugar.

At ang studyanteng iyon ay ang babaing binully ni Victoria. Kaya naman ang magulang ng biktima ay lubos na naghihinagpis dahil sa nangyari. At ang tinutukoy ng dahilan ng pagkamatay nito ay si Victoria.

Kaya naman nung malaman iyon ni Victoria ay nagkukulong na ito sa kwarto at nagtatago sa ilalim ng blanket.

* ** FLASH BACK <=

"TALAGA BANG PURO KAHIHIYAN NALANG BA ANG IBIBIGAY MO SAAKIN HA?!...". Galit na galit nitong sigaw sa anak bago pa ito makaalis papuntang school.

"P-Po?...". Utal-utal namang sabi nito.

"ALAM MO BANG MAY NAGPAKAMATAY SA ISA SA MGA STUDYANTE SA SCHOOL NYO AT IKAW ANG ITINUTURONG DAHILAN KUNG BAKIT ITO NAGPAKAMATAY?!!...".

Nang dahil sa narinig agad syang nanginig at kinabahan.

"ANO BANG PINAGGAGAWA MO HA?!... BAKIT IKAW ANG ITINUTURO NILANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGPAKAMATAY ANG STUDYANTE NA IYON?!... TOTOO BA? HA?!... TOTOO BANG IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT SYA NAGPAKAMATAY?!...

"A-Ano po daw ang pangalan ng studyanteng iyon?...". Utal-utal at nanginginig nitong sabi.

"Si Joanna Almodovar!...".

.

.

At dahil doon ay napaluhod sya at lalo pang nanginig habang natulalang nakatingin sa sahig.

"Sabihin mo! Ikaw nga ba ang dahilan?!...". Sigaw nanamang sabi ng ama nito.

"S-Sorry po dad!... Hindi ko naman alam na magpapakamatay sya.. Tinakot ko lang sya... Oo inaamin ko sinaktan ko sya pero hindi ko alam na ganun ang gagawin nya..". Umiiyak na nitong sabi habang nanginginig parin.

"Dahil sa kagagahang ginawa mo kailangan kitang ilayo dito para maayos ko ang gulong ginawa mo!.. Doon ka muna sa rest house natin sa Maynila! Kasama si Manang Lita! Doon ka narin mag-aaral!... Tandaan mo! Sa oras na makarating na kayo sa Maynila, wala ka nang matatanggap na kahit singko saakin!... Magtatrabaho ka doon para may panustos ka sa lahat ng gastusin mo! Tuturuan ka ni Manang Lita kung paano magtrabaho doon!... Parusa ko narin ito saiyo!... Kaya sa oras na gumawa ka nanaman ng Kagagahan doon!... Ako na mismo ang magpapakulong saiyo!... NAIINTINDIHAN MO?!...". Madiing sabi nito.

.

.

Umiyak nalang si Victoria. Dahil alam nyang wala syang magagawa pa.

THE BITCH & The QUEEN of BITCHESWhere stories live. Discover now