Part 18

2.4K 62 6
                                    

Amanda's P.O.V.

Matagal akung nanatili at nakaupo sa puntod nila Mama at Papa.

Tatayo na sana ako para bumalik sa hospital ng makita ko si krisella na patakbo papunta sa akin.

''Krisella.'' Tawag ko sakanya bago nya ako tuluyang nayakap.

Humahagulgol syang nakayakap sa akin.

''Ate!!.'' Tawag saakin ni krisella.

''Na panu ka Krisella?!'' Tanong ko sa kanya.

Humiling lang sya at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin. Wala na akung ibang gnawa kung hnd ang yakapin nalang pabalik ang kapatid ko.

Sinapo ko ang buhok nya at pinatahan na sya. Saksi si Krisella sa lahat ng paghihirap ko lalong lalo na sa piling ni Isaac kaya alam kung nasasaktan din sya para sa akin.

Nang mahimasmasan ay humiwalay na din sya sa pagkakayakap sakin.

''Ate okay ka lang po ba?'' Agad na tanong ni krisella sa akin.

Nginitian ko lang sya bago kinulong sa mga palad ko ang mukha nya.

''Diba sabi ko sayo 'wag mo nang alalahanin si ate? Okay lang ako, Lalo na't ngayon na nailabas ko na kela mama at papa lahat ng nararamdaman ko.'' Sagot ko sa tanong nya.

''Ate! Kailangan po kayo ni Angela.'' Saad ni Krisella.

''Papaalis na nga ako, kaso dumating ka eh! Hayaan mo, magpapaalam na muna ulit ako kela mama at papa.'' Sabi ko sa kanya bago sya inalalayang umupo sa pagitan ng puntod ng mga magulang ko.

''Ma! Pa! Kita nyo si krisella oh! Dalaga na po.'' Masayang pagkausap ko sa dalawang puntod sa pagitan namin ni krisella.

''Ma! Pa! Nag-aaral po ito ng mabuti. Dadating po ang araw na magiging proud tayong lahat sa kanya, Malapit na po ang araw na yun!.'' Pagbibida ko sakanila.

Nanatili pa kame ng sandali ni krisella bago tuluyang bumalik ng hospital.
---------------

Pagkababa namin ng taxi ay agad naming tinungo ang E.R malayo palang ay nakita ko na si Isaac James kasama ang pamilya niya na nakaupo. Di nila kami napansin kaya nagpatuloy lang kame sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tabi nilang lahat.

Nang mapansin nila kame ay agad silang tumayo lahat para salubungin kame ni krisella.

Niyakap ko sila mama at jayme ganun din si Tito joacquin. Mangiyak ngiyak akung niyakap pabalik ni Tita stella ganun din si jayme.

Nang makita ko si Benjamin ay tinanguan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Window glass ng E.R. Nang magtugma ang tingin namin ni Isaac ay tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

Kita ko mula sa window glass ang anak ko na nakaratay sa hospital bed habang madami ang nakasabit sa kanya ng ano-ano pa man kabilang na ang oxygen ni Angela.

Gustong manlumo nang boung katawan ko sa nakita kung kalagayan ng anak ko pero pinili ko pa ding maging matatag.

Nakatayo lang ako dun nang dumating ang mga nurses at sinabihan kameng ililipat na nila si Angela sa kanyang private room.

Inalalayan ng mga nurses si Angela habang kameng lahat ay nakasabay lang sa likod nila.

Nang makarating kame sa private room ay inayos at sinet'up na ng mga nurses ang mga machine na nakalagay malapit sa bed ng anak ko. Nang matapos sila ay agad din silang umalis.

Presidential suites ang pinili ni Isaac James para sa anak ko kaya malaki ang kwarto... sa loob ng private room na ito ay may maliit din na room at Exclusive for patient only and chosen watcher dahil madaming mga makina na nakalagay doun sa loob ng maliit na kwarto na kinalalagyan ng anak ko.

Ako ang nagprisinta na magbantay kay angela sa loob kaya bago ako pumasok ay nagsout muna ako ng mga damit na dapat gamitin. Una kung sinout ang hospital gloves sumunod na ang parang hair net (Di ko alam kung ano yung tawag ✌) tsaka ko sinout ang mask at sa huli ay ang hospital gown (Yung green).

Nang makapasok ako sa loob ay umupo ako sa tabi ng bed ni Angela at hinawakan ang kamay niya.

''Anak! Pagaling ka ha? Andito lang si Mama! Dali na magpagaling kasi pupunta pa tayo sa Family Day nyo sa school diba?'' Napaiyak nalang ako nang maalala kung gaano kasaya ang anak ko nang ibalita samin ang tungkol sa family Day na gaganapin sa kanilang school.

Hindi ako umalis sa tabi nang anak ko, hanggang sa may mapansin akung pumasok sa loob kaya nang tingnan ko kung sino ay napagsisihan ko ang ginawa ko dahil si Isaac James pala ang pumasok.

''The date of her operation is already set tomorrow morning, The doctor came to give us the waver, it stated her that it is our will to let them operate our child. They need our signature below the waiver.''

Straight forward na sabi ni Isaac bago naglakad papunta sa harapan ko at iabot ang papel na tinutukoy nyang waiver.

Dali-dali ko itong kinuha at pinirmahan hindi na ako nag atubili pang basahin pa dahil alam kung ikakabuti din ito sa anak ko ayoko ding magtagal si Isaac dahil ayokong maramdaman ang presensya nya.

Pero bago ko iabot pabalik sa kanya ang papel na pinirmahan ko ay may sinabi muna ako.

''Hayaan mo, Pagkalabas ni Angela dito sa hospital ay magsisipag akung magtrabaho para kahit hati ng magagastos mo ay mabayaran ko.'' Saad ko bago tuluyang binigay ang waiver.

Napansin kung kinuyom nya ang kanang kamay niya, Napabuntong hininga muna sya bago tuluyang umalis.

Nang makaalis si Isaac ay napahiga ang ulo ko sa tabi ng higaan ni Angela habang hinawakan pa din ang mga kamay niya.  Hanggang sa nawala na aku sa malay..
---------------
Napagod ang mga inosente kung daliri sa pag ta'type xD!

Thankyou po at umabot kayo hanggang sa part na ito. Sana po hanggang sa huli ay suportahan niyo po ang 'HHC' ☺😉

Salamat ng marami.

His Hidden Child COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon