1 | Simula

18 0 0
                                    

January 12, 2018

5:45 pm

Section 10-III

Kasalukuyang nasa klase nilang Biology si Park Jimin nang siya'y humikab dahil sa labis na pagka-antok. Last subject na nila ito at gustong gusto na niya umuwi dahil mayroong foodtrip silang pinag-usapan ng kanyang mga barkada. Sinulyapan niya saglit ang wall clock ng kanilang classroom at kinse minutos nalang ang natitira bago mag-uwian.

Si Jimin ay nasa edad na 15 anyos. 13 years old pa lamang siya nang makilala niya ang mga barkada niya kaya naman itinuring na niya ito bilang kapatid at dahil rin sa kadahilanang nag-iisa siyang anak at nawalan na ng ama sa murang edad. Mababait naman ang kanyang mga kaibigan, ngunit mayroon ding pagka-makulit ang mga ito. Ayun nga lang, nang tumuntong na sila bilang mga Grade 10 ay nagkawatak-watak sila dahil hindi na sila magkakatulad ng section at nahiwalay na. Ngunit sa kabila ng kanilang pagkawalay sa isa't-isa ay may mga pagkakataong nagkakasama parin sila tuwing free time.


Sa sobrang pagka-bored niya ay nag-drawing nalang siya sa likod ng kanyang notebook. Mabuti na lamang at sa bandang likuran siya naka-upo at hindi siya mahahalata ng kanilang teacher. Mahilig si Jimin sa pagguhit ng kung ano-anong chracters na nakikita niya sa mga video games, o di kaya sa mga pelikula. Magaling siyang gumuhit, ngunit ayaw niyang ipakita ito sa iba dahil binibigyan siya ng papuri. Ayaw niya iyon dahil nahihiya siya kapag pinupuna ng iba ang husay niya sa ibang bagay.

Nag-guguhit na siya nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Napalingon siya sa paligid at nakitang natutulog na rin ang ibang estudyante sa likuran habang ang teacher nila ay kasalukuyang may isinusulat na lecture sa pisara. Kinuha na niya ang kanyang cellphone sa bulsa at mayroong nag-message sa group chat nilang magbabarkada.


Si Yoongi.


🔥👉💜MGA POGI💜👈🔥
6 out of 7 members are active now

5:53pm

GENIUS👊
Hoy kila Jin yung foodtrip!
Kaka-text lang niya sakin

Jiminiepabo
Geh👍👌

Namjoon is so pURe✔💯
Guys!!!!
Naki-online lang ako
Nabasag ko nanaman cp ko😠
Tsk pang-ilan na to ah!

5:54pm

GENIUS👊
Lagi naman eh
May bago pa ba?
Ah.
Bakit nga pala um-absent yun si Jin?

Namjoon is so pURe✔💯
Masakit daw ulo niya
Pero gusto niya parin ituloy yung foodtrip😂
Mukhang pagkain ang isang yun

Jiminiepabo
😂😂😂😂

Jhope's Daydream🌄💭
YOOOOOOOWWW
Seener tong dalawa
@TATA💜💛
@jungkookiesforsale🍪

5:57pm

TATA💜💛
👋
TATA💜💛 waved to the group. Wave back!

jungkookiesforsale🍪
👋
jungkookiesforsale🍪 waved back!

GENIUS👊
🌊🌊🌊🌊🌊

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jun 11, 2018 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

THE OTHER ME | PARK JIMINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz