2. MISEUTEO SEUMAIL

25 2 0
                                    

JUNE

Madami dami na din ang tao sa hotel na pagdadausan ng party ni Kim. At asusual nauna na naman ako sakanila. Agad akong dumirecho sa wine section at kumuha ng sparkling wine.

At dahil hindi naman ako fan ng pagsusuot ng gown, nagsuot lang ako ng simpleng black dress. Nagmamasid ako sa paligid, inaabangan ko yung mga bestfriends ko na busy na busy pa siguro mag ayos. Hinanap ko muna yung table namin at dahil special guest kami, nakahiwalay talaga kami at may name sa ibabaw ng table na yun ang upuan namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag games muna ako. Nakaka badtrip sila, sabi agahan ko daw, yun pala late din sila sa pinag usapan namin na oras.

Nawiwili na ko sa game ko nang mapansin ko ang isang kamay nang lalaki na nilagyan ako ng pika pika sa table namin. Awtomatiko akong napatingin sakanya. Bisita ba sya ni Kim? Bakit parang ang gwapo nya? Kung friend ni Kim to baka naging jowa na nya to. Kaso ngayon ko lang sya nakita.

"Excuse me?" tumingin sya sakin at marahang tumungo.

"Sorry po, ma'am. Pika pika po kase ang na assign sakin. Sa dami po ng tables vip daw po ang unahin ko." bigla akong napakamot sa ulo ko. Waiter pala sya. Walanjo walanja. Paano naging waiter ang ganito kagwapong lalaki?

"Ah. It's okay. No problem. S-salamat." sagot ko dito. Isang ngiti ang sinukli nya sakin. Ngiti na nagpatibok ng puso ko. Ngiti na nagpahulog sakin. Yumuko ulit sya at narinig ko ang pag excuse nya.

Sinusundan ko ang bawat galaw ng lalaki na yon. Di ko alam pero parang na magnet ako sakanya. Sa pag seserve ng pika pika sa bawat table at pati na rin ang pagbigay ng mga wine sa mga nanghihingi sakanya.

Bawat isa ay binibigyan nya ng ngiti. Bakit ganon? Halata naman na napapagod na sya pero ngiti pa din sya ng ngiti? At bakit ang gwapo nia.

Nagulat ako nang pag lingon ko para sundan sya ay nakaupo na sa tabi ko si Sai at tinititigan ako.

"What the?? Bakit ka ba nang gugulat Sai?" mataman pa din syang nakatitig sakin. Napahawak ako sa mukha ko. May dumi kaya ang mukha ko?

"Seriously Sai?" tapik ko dito. Napailing sya.

"Paano kita ginulat? Occupied lang ang isip mo kakahabol ng tingin sa lalaki. Kaya di mo napansin na kanina pa ako nandito at nakatitig sayo." natatawa nyang wika. Napahiya naman ako. First time ata nangyari to na mahuli ako na nag ddrool sa lalaki. Well not exactly drooling its just that gwapong gwapo lang talaga ako sakanya.

"Just shut it out Sai. Wag mo nang banggitin sakanila. Natutuwa lang ako sa tao ang kasi ang sipag nya." depensa ko dito.

"Excuses excuses. Edi sana lahat ng waiter sinusundan mo ng tingin." biro nya saakin. Napasapo ako sa noo ko.

"Whatever. Just dont bring it up pag dumating sila." ani ko dito at nagkalikot na ulit ako ng cellphone ko. Narinig ko naman ang mahinhin na pagtawa ni Sai. Nakakaasar tong babae na to gusto ko pa sana panuorin si Mr. Smiley kaso dyahe naman kung andito sa tabi ko si Sai at binabantayan ang gagawin ko.

Marahan akong tumingala at nilingon ko si Sai. Napatingin din sya sakin at marahamg ngumiti ng nakakaloko.

"Para kang sira." bulong ko dito. Tumawa ulit sya. Nagulat na lang ako sa ginawa nya.

"Waiter." kalabit nya kay Mr. Smiley nung eksaktong dumaan sya sa gilid ni Sai.

"Yes ma'am?" syempre nakangiti na naman sya. Jusko naman wag masyado nakakatunaw ka.

Friends for KeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon