Chapter 4: Second Base

986 21 2
                                    

"Okay lang po kayo Maam?" Tanong ng assistant niya.

"Yes I'm okay. Why?" Tanong niya dito.

"Pasensiya na po Maam pero kanina pa kasi ako nagsasalita parang di niyo ako naririnig." Sagot nito.

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito.

"Maam sorry po if it sounds offending." Nahihintakutan na saad nito.

"No it's okay. What is it again?" Tanong niya.

Mukhang mas nagulat pa ito sa reaksiyon niyang kalmado kesa sa pagtaas ng kilay niya kanina.

Simula pa kasi nang pumasok siya kaninang umaga lumilipad na ang diwa niya sa nangyari kagabi.

"Maam, yung mga bidding po regarding sa design ng bagong branches if may final input pa po daw kayo sabi ng PM." Tanong nito.

Para naman siyang nahimasmasan.

"Sige, let me check." Sagot na lang niya.

"You may now leave."

She felt the itched to look at the app and check if may message ba si Archy.

She may have lost her manners when she left abruptly left last night but he lost his manners too!

Masyado itong naging cozy at nangyari na agad ang bagay na yun.

She enjoyed it yes pero nagtatalo ang isip niya kung bakit agad agad pumayag siya sa nangyari.

She has always been cold and distant towards men. Walang siyang pinapasok kahit isa sa mga ito. And she thought she has already mastered the art of blocking them but what happened last night proved her wrong. Hindi pa rin pala siya immune dito.

She just found herself opening the app again.

Kagabi pa niya gustong tingnan kung nagmessage ba sa kanya si Archy.

Pero wala siyang nakitang mensahe mula dito.

Bahagya pa siyang nainis bakit balewala lang dito ang nangyari kagabi.

After office hours nagbook siya ng sasakyan papunta sa bar na pinuntahan niya kagabi.

She was hoping she would see him again.

Pagdating sa bar umupo muna siya sa bar counter at nagmasid sa paligid.

She saw a lot of couples getting intimate around the place. Napangiwi siya. Still not comfortable with that sight.

"Drinks Maam?" Tanong ng bartender.

"Ahmm. What do you suggests for a non-drinker like me?" Balik tanong niya dito.

"Uno Momento Senorita." Saad nito.

Pinanood niya ito habang naghahalo ng mga ingredients sa inumin. Pagkaraan ng ilang sandali inabot nito sa kanya ang inumin.

"A Virgin White Lady." Saad nito habang inaabot sa kanya ang inumin.

Pinamulahan siya ng mukha nung binanggit ang salitang Virgin. Technically she is a virgin but not that much. Actually di niya alam kung virgin pa nga ba siya dahil sa nangyari kagabi.

"What is this made of?" Tanong niya matapos sumimsim ng konti.

"A mixture of Lemon, egg white, a little gin pero konti lang di ka pa malalasing and other secret but safe ingredients." Wika nito.

"Masarap." Wika niya habang patango-tango.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-eenjoy ng inumin nang may tumabi sa kanyang isang lalake. Ngumiti ito sa kanya kaya gumanti din siya nang ngiti.

Thawing The Ice MaidenWhere stories live. Discover now