XXIII

5.1K 104 1
                                    


SUNOD-SUNOD ang patak ng mga luha niya. At kahit anong pigil ang gawin niya ay hindi iyon mapigil sa pagtulo. Nanginginig din ang mga kamay niya habang lumalakad. Halos kaladkarin na niya ang mga paa sa paglakad. Kung hindi siya hawak ng tatay niya ay malamang na kanina pa siya natumba.

Kagaya ng suot niya ay puting puti rin ang paligid. Nagtama ang paningin nila ng mama ni Casey. Ito man ay umiiyak din. Si Lica naman na katabi nito ay maluha-luha na rin. Kahit ang mama niya ay ganoon din. Halos lahat ay iisa ang reaksiyon.

Lumipat ang mga mata niya sa pinakaunahan. Nagtama ang paningin nila ng taong nakatayo roon. Unti-unting nakalma ang tibok ng nagwawalang puso niya. Ilang saglit pa ay nasa harap na siya nito.

"Tama na ang pag-iyak anak at pumapangit ka na," bulong sa kanya ng tatay niya.

Natawa naman siya ng bahagya. Nginitian siya nito bago nito iniabot ang kamay niya sa naghihintay na si Casey.

Kabaliktaran ng ekpresyon niya ang nasa mukha nito. Kung maari lamang na mapunit ang pisngi nito sa pagngiti ay nangyari asana. Kahit papaano ay nahawa na rin siya sa kasiyahan nito.

"You're the most beautiful bride ever despite the ruined make up," he said happily and sincerely.

Mas lalo siyang napangiti. "Alam ko," sagot niya.

Pinahid naman nito ng likod ng palad ang pisngi niyang may bakas ng luha. Masayang masaya siya sa mga sandaling ito. Wala na sigurong sasaya pa sa kanya sa mga oras na.

Her tears were a sign of relief. They heve gone through tough times for the passed year. Yes, it's a year of battle. And she's glad they've won.

Hindi naging madali ang paggaling para dito ngunit sa huli ay nagtagumpay pa rin sila. Magkasama nilang hinarap ang sakit nito. May sariling buhay ang mga luha niya. Matapos ang lahat ng piangdaanan nila ay heto na silang dalawa ngayon. Magtatapos ang laban nila sa pag-iisang dibdib.

"Ito asana ang huling beses na makita kitang umiiyak," he said softly.

"Silly, luha ito ng kaligayahan," protesta niya rito bagaman naampat na sa wakas ang mga luha niya.

Nagsimula na ang seremonya ng pagkakasal sa kanila. Hindi nila magawang paghiwalayin ang tingin nila sa isa't isa. Natupad na rin sa wakas ang pangarap niyang garden wedding. At hindi lang iyon. Kagaya ng sa tuwina ay hinihiling niya ay ito ang groom niya.

Nakasuot ito ng I tuxedo na mas lalo pang nagpatingkad sa kaguwapuhan nito. Ito pa rin ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. At tiyak na panghabang-buhay na iyon.

"You are my weakness and strength. You are the reason that I live, I breath, I cry and I smile. You are God's greatest gift to me. I love you and will always will," he declared after his vow as he wear the ring on her finger.

"You taught me how to fear, but you're also the one who taught me how to be brave. You're my first, last and one and only true love. You're the God's answer to my prayes. And I promise to love you until you get tired of me- or even then I will still," she exclaimed as she wear the ring on his finger.

Nang sabihin ng nagkasal sa kanila na maari na siya nitong halikan ay agad nitong inangat ang belo niya.

"I will never get tired of your love," he said seriously. "Keep that in mind."

Sa sintido muna niya lumapat ang labi nito.

"Noted," nakangiting sagot niya.

Ipinikit niya ang mga mata ng lumapat ang labi nito sa labi niya. Naramdaman na lamang niya ang pag-angat ng mga paa niya sa mula sa lupa. Kasunod niyon ay narinig niya ang palakpak ng mga tao. Gayumpaman ay hindi pa rin sila natinag. Mamaya na lang nila iintindihin ang mga pumapalakpak na iyon. Ang mahalaga ay ito at siya. Simula sa araw na ito ay tiyak na magsasama habang buhay.

You And IWhere stories live. Discover now