Chapter 29 : Gift

1.2K 17 0
                                    

Maaga kong magising dahil uuwi nayon sila Mommy at Daddy. I really miss them ilang linggo ko na din silang hindi nakita.

"Yani, my princess I miss you." Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang nanunuod ako ng TV sa sala.

"Lolo!" Si lolo pala. Kasama sila mommy and daddy. Lumapit sila at tumabi sa kinauupuan ko at niyakap si lolo. Nasurprise talaga ko, kala ko next month pa sya dadalaw samin.

"Where's Mark?" Tanong ni daddy.

"Tulog pa dad."

"Nabalitaan ko nag kasakit ka daw." Nag aalalang sabi ni mommy.

"Yes po pero magaling na po ako."

"Yani, Gisingin mo na kuya mo. May importante kong sasabihin." Seryosong sabi ni Lolo. Ano kayang sasabihin nya. Mukang importante talaga dahil kailangan pa nyang pumunta ng personal para sabihin lang yun.

Pumunta ko sa kwarto ni kuya mabuti na lang at gising na din sya kya bumalik na ako sa sala kasama si kuya.

"Lo, kumusta?" Nakangiting sabi ni kuya habang papalapit kay lolo.

"I'm fine apo. Umupo muna kayo. May importante kong sasabihin sa inyo."

Umupo kami. Kinakabahan ako,mukang seryoso sila.

"Pumunta ko dito kasi gusto kong personal naibigay sa inyo to." Sabi ni lolo sabay labas ng Tatlong susi.

"This one is for Mark, Susi ng Condo mo. Malapit lang yan sa company natin dahil doon ka din naman mag tatrabaho pag graduate mo" Sabay abot kay kuya ng isang susi.

"This is for Yani, my princess. Susi ng bagong kotse mo at Condo malapit sa school mo." niyakap ko si lolo at pagkatapos ay inabot sakin ng dalawang susi.

"Lolo thank you po pero di nyo naman po kailangan bigyan kami nito. Ako, ok n po ako sa kotse ko saka yung condo. Sobra na po yun, okay na po ako dito sa bahay." Paliwanag ko. Parang sobra na kasi kung tutuusin ampon lang naman ako.

"Opo lo, pero di ko tatangihan to. Thank you lo your the best" Sabi ni kuya.

"I know what your thinking Yani! Apo kita! And you deserve all of this. Kulang pa to sa lahat ng nagawa ko sayo." Sabi ni lolo habang nakatingin sa mga mata ko. Bakit ganun parang may nakikita kong lungkot sa mga mata nya saka kulang pa sa mga nagawa nya sakin anu ba yun? Lahat binigay na sakin ng pamilyang to, tinuring nila kong tunay na pamilya, binigay nila lahat ng pangangailangan ko, pinag aral ako sa magandang paaralan wala na kong mahihiling pa.

"Lolo thank you and I love you."

"Binigay ko yan sa inyo para maging responsable kayo hindi para gamitin sa kalokohan. Mark pwede mo ng gamitin yung Condo dahil nag OJT ka na din naman. Yani, ikaw din magagamit mo na yan para di ka mahirapan sa pag byahe mo at para makapag concentrate ka sa pag aaral mo." Paliwanag ni Lolo.

"Opo." Sagot namin ni kuya

Mag hapon kaming nag kwentuhan si Lolo, ako at si kuya. About sa school, politics, books na nabasa ko, about kay Ate Ara at nabangit ko din si Enzo. Pinatikim ko din kay lolo yung mga cake ad cupcakes na nagawa ko.

UNEXPECTEDLYWhere stories live. Discover now