Fourth Chase

5.8K 127 25
                                    

"Pain will always be the second word next to love." -M.S.O

***

Napasimangot akong kinokolekta ang mga activity ng mga kaklase ko. Nagbuzzer na pero 'yung iba todo sagot pa.

"Konting bilis naman oh." At sa wakas tapos narin. Napangisi pa ang gago, siya kasi ang huling nagpasa. Tinignan ko ang papel niya. Akala ko ang haba-haba ng sagot niya sa tagal pero tig-iisang sentence lang naman. Inismiran ko lang siya. Agad na akong lumabas para ipasa sa office ni Ma'am Salazar.

Napangiti ako nang makita si Zen. Nasa labas ito ng room nila at nakasandal sa pader parang may hinihintay.

Ang hot ng honey ko.

"Akin na nga yan, tulungan na kita." Agad ng nag-init ang ulo ko nang nasa tabi ko naman itong pakialamerong lalaki. Nakuha na niya ang ilang papel na hawak ko.

Napameywang ko siyang binalingan.

"Pwede ba? Huwag ka ngang sunod nang sunod sakin. Shopee!"

"Ayaw, ikaw lang kaya kilala ko dito."

"Tssk." Sumuko nalang ako, maiistress lang ako kung papatulan ko pa ulit ang lalaking 'to.  Lumingon ako sa direksyon ni Zen kanina pero wala na siya doon. Nakasabay na siya sa mga babaeng kaklase niya.

Inis ko ulit siyang binalingan.

"Kasalanan mo 'to eh. Panira ng moment." Mabilis na akong naglakad baka maabutan ko pa Zen.

"Anong naging kasalanan ko?" Inismiran ko lang siya.

Tumakbo na ako para mabilis akong makarating sa office ni Ma'am Salazar. Kumatok ako, agad naman niya itong binuksan. Nakatutok ito sa computer, busy sa pagtitipa. Nakakunot-noong lumingon ito sakin.

"Yan na ba lahat activities ng classmate mo?" Masungit niyang tanong.

"Hindi po, nasa classmate ko po yung iba." Lumingon ako sa likod ko pero wala. Nasaan na ang mokong na yun?

"Oh, nasaan na?" Pilit akong ngumiti. Nasaan na ba siya?

Agad akong nakahinga nang sa wakas at natanaw siya. Tumatakbo ito.

"Ang tagal," hinablot ko ang mga papel sa kanya at nilagay na sa table ni Ma'am Salazar.

"Next time, Ms. Zamora you should take responsibility. Ikaw, ang sinabi ni Mr. Del Fierro na magkokolekta kaya dapat 'di mo na kailangan pa ng kasama."

"I understand Ma'am, sorry po."

Kasalanan na naman ng lalaking 'to!

"Aww!" Sigaw niya ng pingutin ko ang tenga niya.

"Alam mo bang napagalitan na naman ako dahil sayo? Huh?"

"Aish! Bitaw!" Namumula ang tenga niya ng binitawan ko.

"Pwede na kitang sampahan ng harassment sa mga ginagawa mo. And Physical injury." Nakabusangot niyang sabi sakin.

"Edi gawin mo." Nagroll eyes pa ako. Tatalikuran ko na sana siya nang makita ang postora niya para siyang batang aping-api. Kainis naman oh, nakokonsensya pa ako.

"Tara na nga."

"Saan?"

"Cafeteria." Nagliwanag ang mukha niya, mali yata ako ng first impression ko sa kanya. Hindi siya playboy, his just playful and childish.

"Yes!" Tuwang-tuwang sabi niya. Napailing nalang ako. Pagdating namin sa cafeteria. Sari-saring bulungan na naman ang narinig ko.

"Sino siya?"

"Ang gwapo!" Hindi na nakakapagtaka na mapansin ng mga babae ang katabi ko. Gwapo talaga siya, magkasing tangkad din sila ni Zen. Ang pinagkaiba ngalang soft ang features ng lalaking 'to, palangiti pa habang rough at walang kaemo-emosyon naman si Zen.

Teka lang! Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Basta, wala ng lalaking mas gwapo pa kay Zen sa paningin ko.

"Hindi ba ang crush ni Millicent si Tyler. Bakit iba kasama niya?" Swerte sila at gutom na talaga ako kaya hindi ko sila papatulan.

Dumiretso na kami sa counter at nakilinya. Napasimangot ako nang mahagip ang paningin ko kung saan nakaupo si Zen. Halatang nilalandi siya ng mga babae doon. Dumagdag pa sa inis ko nang makitang katabi na naman niya si Clarisse. Ilang araw narin kaming 'di nagsasabay kumain. 

"Anong order mo Millie?" Pilit akong napangiti nang makitang si Nana Lydia pala. Kavibes kong kantinera dito.

''Yung katulad nalang po ng dati." Sabi ko. Kilala naman niya ako. Kita niya siguro sa mukha kong gutom ako kaya large burger ang binigay niya saka coke.

Dumiretso ako sa dating pwesto ko. Nasanay narin siguro ang mga studyante na hindi umupo sa pwesto ko.

"Hay! At last I can eat this kind of foods again." Napatingin ako sa kanya. Tuwang-tuwa. Cheese Burger lang din naman ang order niya. 

Nang maramdaman niya sigurong pinapanood ko siya. Nag-angat siya ng tingin.

"Ang gwapo ko 'no Millie." Nanlaki naman ang mata ko sa itinawag niya sakin.

"Maka-Millie ka diyan. Close tayo? Close?" Pambabara ko.

"Basta Millie na tawag ko sayo. Tapos Athan naman ang itatawag mo sakin." Aba't inutusan pa ako.

"Okay," naiiling nasabi ko nalang. Gutom na talaga ako eh. Pagod narin sa mga pinagtatakbo ko kanina.

Kuryosong tinitigan ko siya parang wala kasing bukas sa dire-diretsong pagkain. 

"Hindi ka naman siguro bibitayin bukas no?" Napailing-iling kong sabi.

"I so much miss this kind of food kasi doon sa States, iba ang lasa." Parang batang eksplenasyon niya. Napatango-tango lang ako.

Uminom ako sa coke at muntik na akong mabilaukan nang makitang papunta si Zen sa table namin. Agad dumagondong ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Anong sasabihin niya?

Siguro, nagseselos siyang may kasama akong iba. Baka, baka.

All my thoughts got interrupted nang huminto nga siya sa harap ko.

Tama kaya ang hula ko? Nagseselos siya? Matutupad na ang mga pangarap ko.

"Your coach said that you need to attend the practice today or else they will find someone to replace you. Hindi ko maintindihan, kung bakit ako nalang palagi ang pinagsasabihan nila lahat ng issues tungkol sayo. Settle it immediately, I don't want to get involve again to all of these shits of yours. Be mature enough Claudette." Walang emosyong sabi niya at nakapamulsang naglakad na paalis.

Napakagat ako sa labi sa sinabi niya. Pakiramdam ko, sobrang pula na ng mukha ko hindi sa kilig kundi sa pagpigil ko sa palapit ng pagtulo ng luha ko. Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga studyante dito sa cafeteria. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao eh, sanay na ako sa mga panghuhusga nila pero ang manggaling sa kanya ang pang-iinsulto mismo. Ang sakit, parang punyal na tumatarak sa puso ko.

Sa ilang taon kong pagbuntot sa kanya. Ngayon, niya lang ako pinahiya ng ganito.

"Siya ba talaga ang lalaking gusto mo? Eh, gago pala 'yun eh." Kinuyom ko ang kamao ko para mapakalma ang sarili ko. Pilit akong ngumiti.

"Tara na," aya ko kita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero sumunod narin. Mabuti nalang din pala at kasama ko ang gagong 'to.

Paglabas namin sa cafeteria. Nilingon ko siya.

"Mauna ka na sa room. May pupuntahan pa ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na ako. Dumiretso ako sa rooftop.

Tuluyan na akong napaiyak pagtapak na pagtapak ko pa lang sa rooftop. Dito, walang makakarinig at makakakita sa kahinaan ko.

Para akong batang pinagdamutan. Iyak lang ako nang iyak. Napatawa ako nang muling maalala ang mga iniisip ko kaninang papalapit siya. Mukha na akong baliw.

Gaga ka talaga Claudette! Napakalaki mong assumera. Magseselos your ass! Ipapahiya ka lang pala!

***

VOTE, COMMENT, SHARE

Shels

Chasing the Cold Prince Where stories live. Discover now