16

3.5K 80 5
                                    

MARIA's POV

"Bakit ito lang ang sweldo ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya ng magwithdraw siya sa ATM na ibinigay ng university.

Excited pa naman siya dahil plano niyang umuwi sa Bicol, ito lang ang makikita niya.

Matagal niyang tinitigan ang resibo.

"One thousand one hundred lang, anyare?"

Nagmamadali siyang umuwi at umaasang naroon ang kumag niyang asawa.

"Nakuuu.... Alam ko siya ang may kagagawan nito!" Nagngingitngit sa galit na sabi niya.

Malalaki ang hakbang na naglakad siya pauwi sa condo ni Zyder, lalo siyang naggigil sa galit ng matagpuang wala ang lalaki.

Humahangos siyang naupo sa couch at iniisip kung saan posibleng pumunta ang lalaki.

Wala siyang alam kung saan pumupunta ito maliban sa university, pero nakakasigurong wala ito doon.

Nagtungo siya sa kwarto nitong maswerteng naiwanang hindi nakalock at naghalughog kung may makukuhang clue.

Nanghihina siyang naupo sa sahig at naiiyak sa sobrang galit kay Zynder.

Naalala niyang linggo pala ngayon at ang alam niya ay umaalis itong nakasuot ng pangrace car outfit.

Mabilis siyang tumayo at muling naghanap ng panibagong clue.

Nakangiti siyang lumabas ng kwarto at sumakay sa taxing dumaan sa labas ng building.

Wala akong pakialam kung maubos ko sa pamasahe ang natitira kong pera.

Tandayagan talaga! Aba'y hayup! Makikita niya kung paano magalit ang mga uragon!

Hindi mabawasan ang pagngingitngit niya habang nasa biyahe at kapag naaalala ang monitor ng ATM machine kanina na one thousand one hundred lang ang balance niya.

Pagdating sa lugar ay agad niyang hinanap ang lalaki, hindi niya agad ito nakita dahil sa makapal na dami ng manonood. Kinailangan pa niyang magbayad ng entrance fee sa gate, lalo ng walang natira sa pera niya, maging ang natira niyang pera noong nakaraang buwan ay naipandagdag pambili ng ticket. Tsk

Nagsisigawan ang mga tao habang nanonoood ng nagkakarerang kotse.

Naglakad siya patungo sa unahan, pero hindi pa rin matagpuan ang pesteng asawa!

Makalipas ang ilang minuto ay lalo ng nagsigawan ang mga tao ng inaanunsyo ang nanalo sa karera. Hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi ng announcer, wala siyang pakialam kung anuman iyon.

Makita lang kitang lalaki ka!

"Ayun!" Bulalas niya ng makilala si Zynder.

Malayo man ito ay kilala niya ang pangangatawan ng asawa at maging ang paraan ng pagkilos nito.

Halos itulak niya ang mga nadadaanang mga tao sa pagmamadaling makalapit sa asawa.

"Hoy! Bakit ito lang ang sweldo ko?!" Itinaas agad niya ang resibo malapit sa mukha ng asawa.

Bakas sa mga mata nito pagkagulat sa biglaang pagsulpot niya, subalit sandali lang iyon.

"Iyan lang ba ang ipinunta mo dito? Hindi mo ako hinintay na makauwi, how pathetic." Kalmado itong nagsalita, pero alam niyang nagpipigil lamang ito dahil maraming tao.

"Lang? Pathetic? Ganun? Eh sweldo ko ang issue dito! Sweldo ko!" Malakas na sabi niya at halos maglabasan na ang mga litid sa leeg.

Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao.

My AMO and AKO series#2 #watty2018Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin