Prologue

7 0 0
                                    

Do you remember when we're still together? When everything is so perfect? When everything is in favor of us? Do you remember when you courted me in front of my parents?

Yoon yung pinaka masayang araw ng buhay ko.

Pero ano nga bang nangyari satin?

Di mo na rin siguro naaalala pero ako malinaw pa sa isipan ko.

3rd year high school ako non at 4th year high school ka. Crush na crush kita non eh. Yung tipong pag nakita kita kinikilig ako, pag naririnig ko yung pangalan mo sa paging system proud na proud ako sayo. O kaya minsan nga mag tweet ka lang sa twitter mong minsan sa minsan mong ginagamit, kilig na kilig na ako.

Kaya hindi talaga ako makapaniwala noong araw ng JS prom natin at sinayaw mo ako.

Alam mo pa nga yong pangalan ko non eh!

At doon na nagsimula ang Love story natin...

Pagtapos na pagtapos ng Prom, kinabukasan, nakita kita sa labas ng bahay namin. Pinunas punas ko pa nga yong mata ko non, kasi ano ba! Ikaw yan oh! Nasa haarap ng bahay ko, Poging pogi sa suot mong polo.

Pero mas nakakagulat pa ay yung pagpasok mo ng bahay, kinausap mo daddy ko at pinagpaalam mo kung pwede mo ba akong ligawan. Na bitawan ko pa nga yong dala kong juice sa sobrang gulat. Hinihintay kong sabihin mo na nagbibiro ka lang. Pero seryoso ka pala talaga.

Pinahirapan ka ni daddy non pero di ka sumuko. Hanggang sa sinagot kita. Ang daming nangyari sakin nang sinagot kita. Ang daming nagalit sakin kasi syempre sino ba naman ako? Ikaw yan eh! Sikat ka! Pero kinayanan natin yon. Minahal mo ako sa paraan na alam mo kung paano. Ginawa mo akong prinsesa mo. Tumagal tayo ng isang taon.

Hanggang sa, para tayong bangkang unti-unting lumulubog..

Buti pa si Jack at Rose nagmahalan kahit na saglit na panahon, na kahit alam nilang lulubog ang titanic, tinuloy parin nila yong pagmamahalan nila 

pero tayo, lumubog na nga...

bumitaw ka pa..

Ganun siguro talaga pag naging college na. Nag-iiba na ang personality, naiiba na ang priority.

Ang pinaka masaklap pa non.

Pinagpalit mo ako sa best friend ko. Tumagal kayo, it's been 3 years now at kayo parin. Sana ok ka na. Sana masaya ka.

Pag nabasa mo to, alam kong wala na ako. Wag mong sisihin yang sarili mo desisyon ko to. Maging masaya ka ha?

P.S: Always remember that what we had is best!

Raven

8 years na bago to nakarating sakin. Tinago sakin to ng daddy niya. Kahit naman anong sabihin niya, alam kong ginawa niya to dahil sakin.

Pero ang di niya alam. Lahat ng ginawa ko para sakaniya.

Pero dahil alam kong ok na siya ngayon, sisiguraduhin kong babalik siya sakin.

10 ways to bring her back:

1. Ask for forgiveness

2. Befriend her

3. Tell her you love her

4. Court her again

5. Prove her your worth

6. Surprise her on any occasions

7. Do things impossible

8. Make her feel special

9. Ask her for a date

10. Ask her to be your girlfriend.

Option: If operation failed.

Let her do it her way

Created by: Zach Sy

Be Mine, Again?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα