Chapter 58: Inis

718 45 4
                                    

Ash POV

Hindi ako naka tulog ng maayos kagabi kaya naman ay para akong panda sa LAKI ng eyebags ko! Inis na yan! Bat ko pa kasi kiniss si Jack eh! Errr! Nakakainis na masherep hehehehe!

"Oh? Anyare sayo? Napuyat sa kilig?" Natatawang sabi saakin ni Agatha habang nag lalapag siya ng plato sa mesa.

"Tse! Antok pa ako kaya wag ka maingay!" Sabi ko sakanya at nag hikab.

Pag tapos nun ay pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig na malamig para magising ang diwa ko. Antok na antok pa talaga ako huhuhuhu!

"Sino kinikilig?" Tanong ng isang lalake sa pinto.

Kaya naman na buga ko ang iniinom ko na tubig sa harap ng ref. T-teka? Si Lez ba yun?

"Ang baboy ni Ash, Jack oh! Eww!" Sigaw ni Lez.

Hutang inarn! Si Lez nga! Inis na panget na yan!

"Tsk! Manahimik ka sasampalin kita inaantok pa ako!" Sigaw ko sakanya at umupo sa lamaesa.

Busy naman si Alex sa niluluto niya at siya naman ang nilapitan ni Lez para kulitin. Si Max naman ayun tinutulungan si Agatha sa mga plato. Si Drake naman gumagawa ng juice kasama si Twinnie. Si Jack? Asan? Nilinga linga ko ang ulo ko pero di ko siya makita.

"Looking for me? Miss me huh?" Sabi niya then kiniss ako sa cheeks.

HUTA NAMAN! NAGISING AKO DUN AH! NANAMAN KISS?! DI NAG SAWA SA KAGABI?! PERO AISH! ANG LAMBOT NG LIPS NIYA SA PISNGE KO!

"Ayieee! Jusko! Ninang ako ng baby ah? HAHAHA!" Tawa ni Agatha.

"Asus! Naman babae! Nako namumula siya! Ayieee!" Panunukso naman ni Alex.

Namumula pa ako?! Hindi naman ah?! Kaya naman hindi ko sila pinansin at kinain ang pag kain na nasa harap ko.

"Alam niyo ang ingay niyo bababa palang ako saka ano yang ninang ninang na yan ha?! Bakit sino buntis?!" Sigaw ni Julius nung makababa siya.

*Nabulunan*

"UY TUBIG!" Sigaw ni Twinnie sakanila kaya nag madali si Drake kumuha.

"Ito tubig! Tsk! Ayan! Kasi lamon ng lamon di nag aantay!" Sigaw saakin ni Lez.

"WAG MO KO SIGAWAN!" Sigaw ko sakanya at umalis sa dinning.

Bwisit! Tsk! Nakakasira naman ng umaga oh!

Alex POV

Teka? Anong nangyare? Bat siya nag walk out? Ito kasing gagong Lez na to eh! 

"Ikaw kasi! Bat kailangan mo pa ba sabihan nun? Kita mo naman na badtrip eh!" Inis na sabi ko sakanya.

Tsk! Ano kayang problema nun?

"S-sorry di ko naman alam ganun magiging reaksyon niya." Naka yukong sabi ni Lez saakin.

Tsk! Iniwan ko sila dun at pinuntahan si Ash sa sala. Bakit ganon ang naging reaksyon nun? Di naman siya ganun ah?

"Ash. You Okay?" Tanong ko sakanya.

"H-hmm? Yup! Tara na-- ahh!" Sigaw niya ng makaramdam ng sakit sa puson niya.

"H-hey! Whats wrong here?!" Sabi ni Jack ng makarating sila dito sa sala.

"Patingin ng skirt niya!" Sabi ni Twinnie.

Tumingin kami sa skirt niya. Ohh. Kaya pala. Meron siya. Kaya pala ganun siya magalit kanina sama mo pa na puyat ang gaga! Tsk! Jusko! Akala ko kung ano meron sakanya.

"Wag ka muna pumasok kami nang bahala sa prof. natin, Mag pahinga ka na muna." Sabi sakanya ni Twinnie.

"Oo nga puyat ka then meron ka sasakit yan. Wag ka mag mamalamig. Lalo na ngayon puyat ka." Sabi rin sakanya ni Agatha.

"Sige na aalis na kami kaya mo ba mag isa? O papaiwan ako?" Tanong ko sakanya.

Hayyy. Bat ngayon pa siya nag karon? Naloloka naman ako eh!

"Kaya ko na mag isa--" Pinutol ni Jack ang sasabihin ni Ash.

"Ako na ang aabsent sabihin niyo na lang sa prof. natin na may lagnat si Ash at inalagaan ko." Sabi niya at hinawakan ang kamay ni Ash.

"Sige sige, Pahinga ka na YAM ah? Wag mag papagod." Sabi din ni Julius kay Ash.

Yan nananananaman siya sa Yam yam yam na yan eh! Burger ba si Ash?!

"Opo! Sige na papanik na ako sa taas." Sabi ni Ash ng nakaalalay si Jack sakanya.

Pero bago sila umalis kinuha ni Jack yung jacket niya at tinakpan ang skirt ni Ash. Shet! Ang sweet lang nila! Sobra!

"Gusto mo wag na rin tayo pumasok nget?" Tanong saakin ni Lez.

ULUL NA LALAKI TO AH!

"ULUL! Tigilan mo ako! Tara na nga! Julius, Ikaw driver!" Sabi ko sakanya at hinagis ang mga susi sakanya.

Nang maka pasok kami sa van ay tabi tabi kami nila Agatha then Likod ang boys. Ewan ko ba. Basta ayoko muna makatabi si Lez dahil sa sinabi niya kay Ash. Maliit man ang issue ayoko pa rin! Toyo ako eh!

Instragram: @_chellederella

Twitter: @_chellederella

Fb Page: @chellederella / Chellederella stories

High School Warfare ✔ (#thewattys2020)Where stories live. Discover now