Halaga

24 2 0
                                    

Hello Jen Ivory C. Dimagiba,

It's good to know that you're now okay. Kasi sa pagkakaalala ko umiiyak ka pa noon dahil sa boyfriend mong tanga na laging nambababae. Boyfriend mong hindi na nakuntento sayo.

I actually punched him noong mga panahong pinagmumukha ka niyang tanga. Iyun ang natatandaan kong ginawa ko kasi galit na galit ako noon dahil yung babaeng pangarap ko eh ibinabasura lang niya.

Do you still remember noong mga panahon na yun sa akin ka pa nagalit? Kasi sabi mo wala akong karapatan na ganunin siya. Sa loob-loob ko noong mga panahon na yun, 'bakit? Wala rin naman siyang karapatan na pagmukhain kang tanga ah? ' ang hirap gibain ng desisyon mo. Parang yung apelyido mo lang. 'Dimagiba'

Ilang beses ko bang sinabi na bilang best friend mo, pinapayuhan kitang ihinto mo na yang katangahan mo kasi unti-unti, nawawala na yung pagpapahalaga mo sa sarili mo. Habol ka ng habol sa kanya kasi mahal mo.

Masyado mo siyang pinahalagahan na dumating na sa puntong kaming nagmamahal sayo nawalan na ng halaga sayo. Kasi ang nasa kukote mo mas mahalaga siya.

Nakakatawa kasi totoo pala ang kasabihang ' Everything happens for a reason ' . Our situation back then will be my proof. Kasi kaya ka pala niya pinag-mukhang tanga kasi takot siyang hindi ka bumitiw sa kanya. Gusto niya, bumitiw ka na. Kasi may sakit pala siya. At gusto niyang maka move on ka ng mabilis at para sumaya ka ng mabilis kapag nawala na siya sa mundong ito. Takot siya na panghawakan mo nang matagal ang past kapag nawala na siya.

Nagpaopera siya at ikaw ang naging inspirasyon niya na makaka-recover din siya at ikaw rin ang naging inspirasyon niyang mabuhay.

Masama bang gustuhin kong ako ang maging inspirasyon mo? Oo na. Alam kong friend zone lang ako sayo. Pero nangarap pa rin ako. Pinanghawakan ko lahat ng nasa kukote ko at pinahalagahan ang mga pangarap ko. Pangarap ko kasi na akong ang maging end game mo at tayo pa rin sa huli.

Hanggang ngayon, ewan ko pero malinaw pa rin sa kukote ko yung reaksyon mo pagkatapos ng operasyon niya kasi nalagpasan niya.

Masaya ka at may happy ending na kayo. Kaso nang mga panahon na yun akala ko ako ang end game mo at ako ang happy ending mo. Pero hindi pala.

Masyado kitang pinahalagahan ng sobra nung mga panahong siya ang pinahahalagahan mo kaya ako nasasaktan ng todo.

Nasasaktan ako ng todo kasi minahal kita ng lubos at pinahalagahan. Ang masaklap, nangyari sa kin ang nangyari sayo. Pinahalagahan ko ang isang tao na alam kong hindi ako pahahalagahan. At ang mas masaklap na parte, Revised yung akin kasi sayo , nung mga panahong wala ng halaga sayo ang sarili mo at binigay mo sa kanya lahat ,ako ang nagpahalaga sayo. Pero ang sakin, ibinuhos ko lahat ng halaga na meron sakin para sayo pero walang nag pahalaga sakin. At ang sakit nun.

Kaya nawasak ako. Yung sakit, nanuot lahat sa kalamnan at kaibuturan ko. Masyado yata talaga kitang pinahalagahan at ginaya ko ang ginagawa mo at iyon ang pagkakamali ko kasi ngayong natauhan na ko, naalala ko na may ibang paraan nga pala ang buhay para sorpresahin tayo. Ni revised kasi ni life yung kwento ko.

Kaya sa susunod, alam ko na ang gagawin ko. Bibigyan ko muna ang sarili ko ng halaga bago ang ibang tao. Kasi bago maibigay sa isang tao ang isang bagay kailangan na meron muna ako nito at sa parte na ito ng buhay ko, nagkulang ako ng halaga sa sarili ko kaya ako nasaktan ng todo...

Dahil sayo, I've learned my lesson. Nagpapasalamat ako sayo. You became a huge part of my life. At alam ko na kung gaano kahalaga ang halaga. Sobrang halaga.

Ang iyong kaibigan,

Eyron San Antonio :)

HalagaWhere stories live. Discover now