Prologue

6 1 1
                                    

"WOOHOOOOOOOOO" sabay sabay na sigaw ng madla. Nandito ako ngayon sa concert ng isa sa pinakapaborito kong banda, ang Mayday Parade. Grabe ramdam na ramdam ko na na tumatagaktak ang pawis ko at nawawalan na rin ako ng boses kasisigaw at kasasabay sa pagkanta nila. Hindi ko na rin alam  kung gaano kadaming luha na rin ang naibuhos ko ngayong gabi. Sobra naman kase talaga sa patama ang kanta netong banda na to. Tagos sa heart mga pips. Kumbaga, parang isang tragic na kwento sa wattpad na pinaikli lamang at nilagyan ng tono. Basta masaket yun na yon!

At ito na nga, magsisimula na silang kantahin ang huli nilang kanta para sa concert na ito. "So, this is our last song." sabi ng bokalista ng banda at nagsimula na silang tumugtog.

"AaaAAaaAaaahhhHhhh" sabay sabay na daing ng mga nanonood. Paano ba naman kase, yung kanta nila huhuhuhu, isa yung kanta na 'to sa pinakamasakit na pangyayari kung mangyayari man, ansaket sa puso pips!

(Please pakibasa nung lyrics hehehe pramez angganda ng message. Or kung gusto niyo, pakinggan niyo nalang din, di kayo magsisisi.)

"By the time I was your age, I'd give anything
To fall in love truly, was all I could think
That's when I met your mother, the girl of my dreams
The most beautiful woman, that I'd ever seen" pagsisimula ng bokalista. Hindi ko napigilan ang sarili ko at pumikit at nakikanta narin ako. Itinaas ko rin ang kanang kamay ko at isinabay sa pagwagayway ng mga tao.

"She said "boy I can tell you a wonderful thing?"
I can't help but notice, you're staring at me
I know I shouldn't say this, but I really believe
I can tell by your eyes that you're in love with me"

Nagsisimula ng bumigat ang atmosphere ng mga manonood. Nanatili akong nakapikit at dinadama ang kanta. May naririnig na rin akong sumisinghot sa malapit. Malamang sa malamang, the feels niya talaga yung kanta.

"Now son, I'm only telling you this
Because life can do terrible things"

Oo nga naman kase. "Life can do terrible things". Ang unpredictable nga naman kase ni layf 'no?

"I said, "Girl, can I tell you a wonderful thing?"
I made you a present with paper and strings
Open with care now, I'm asking you, please
You know that I love you, will you mary me? "

Pakshet na malupet, pwedeng pabulong.. Charaught lang syempre HAHAHAH answerte naman ni ate gurl na pinapatungkulan ng kanta na 'to. Ramdam na ramdam talaga na mahal na mahal siya. Pero walang perpekto na relasyon, minsan talaga panadya si tadhana.

"She said, "Boy, can I tell you a terrible thing?"
It's seems that I'm sick and only hot weeks
Please don't be sad now, I really believe"

Mahal niyo yung isa't-isa pero may hadlang. Ansaklap ng lab istori ng dalawang ito. At dahil sa sobrang saklap, hindi ko narin napigilan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"You were the greatest thing that ever happened to me" pagsabay ko sa kanta. Paborito ko 'tong linya na ito e. Ansarap pakinggan. Ansarap pakinggan pero ayaw huminto sa pag-agos ng luha ko, hindi ko alam, basta ramdam na ramdam ko lang talaga 'tong kantang 'to.

"So don't fall in love, there's too much to lose" ika nga sa kanta. Oo nga naman, nakakatakot magmahal ng sobra kasi kapag nasaktan ka, ansaket talaga ng bongga.

"Now son I'm only telling you this
Because life can do terrible things"
Sabi sa pagtatapos ng kanta. Tapos na yung kanta pero patuloy pa rin sa pag-iyak ang karamihan sa mga tao dito sa concert at kasama na ako don. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa pagmumukha ko ang isang panyo, agad ko itong kinuha dahil ramdam ko na rin ang mga uhog kong nagkukumawala na. Haharapin ko na sana ang nagbigay sakin ng panyo ngunit paglingon ko wala na siya, puro mga taong naglalakad na palabas ang mga nakikita ko. Tinanaw ko pa siya ng bahagya kaso hindi ko na siya nakita. Napatingin ako sa panyo at may nakita ako.

"Owa" bulalas ko sa nakaburdang mga letra sa panyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HeartbeatWhere stories live. Discover now