PROLUGOUE

3.3K 73 0
                                    

Eyan povs

Nakahiga ako ngayon sa kama ko... At nanginginig sa sobrang taas ng lagnat ko..
Nakabalot ng kumot ang buo kong katawan...

Ako si Eyan Morquis.. 16 taong gulang.... Nakatira ako sa syudad ng Monteverde.. Sa syudad na puno ng kasamaan... Lahat ng taong nakatira dito halos lahat mayayaman... Kunti lang ang makikita mo ditong mahirap pa sa daga na tulad ko... Dito nagsikalat ang mga magnanakaw at mandurugas... Araw, gabi may mga naghihiyawan....

Ulila nako.. Tanging ako nalang ang bumubuhay sa sarili ko.... Isa akong working student .. Trabaho sa gabi.. Aral sa umaga....

Kahit na para nakong nakukuryente sa lagnat eh kailangan ko pareng pumasok sa trabaho ko.... Dahil kundi mamatay ako sa gutom..

Isa akong waiter sa isng bar.... Mamaya pang 8:30 ang trabaho ko 6:30 palang ngayon...

Snow ang season ngayon dito....

Kaya naman.. Ganon nalang kalala ang lagnat ko....

Bumangon ako at naginit ng tubig.... Para uminom ng kape... Saktong pagkahiga ko ulit ay biglang umulan ng napakalakas....

Nakapagtataka... Snow ngayon....
Tapos... Tuloy tuloy pa ang pagsiklab ng napakalakas na kulog at kidkat......

Nagtagalan yon ng mga 2 kalahating oras...
Pagtingin ko sa relo ko...

Patay 8:30 na late nako...
Kinuha ko ang napakakapal kong jacket at nagsuot ng scarf at isang snow cap... Nagsuot din ako ng boots ko...

Paglabas ko ng pinto...

"Nakapagtataka... Ang kapal kapal parin ang mga yelo... Sa tingin ko mas kumapal pa nga... "

Naglakad ako sa dilim... Sobrang dilim nga eh......
Wala akong dalang flash light......

Bakit ang tahimik yata ngayon ng paligid...

30 DAYS OF NightWhere stories live. Discover now