CHAPTER 1: Bagong Bahay

21 0 0
                                    

Pinagmasdan kong mabuti ang aming bahay, na kahit sana sa papano ay manamnam ko ang huling sandali namin dito.

Sa ilang taon naming palipat lipat ng bahay, diko na halos alam kung saan ang tunay naming address, NPA ika nga kung kami ay tawagin.

Di naman kami gaanong naghihikahos, nasa katamtaman lamang ang aming pamunuhay, ngunit wala kaming sariling tahanan dahilan upang kami ay mangupahan. Diko na mawari kung pangilan na ito sa tahanan na aming lilisanin.

Noon kami ay sampu sa bilang ng pamilya ngunit sa tagal ng panahon ay unti unting umaalis ang bawat isa, may nag aasawa at naghahanap buhay sa malayo at nakakahanap ng sariling pamilya, sa ngayon pito na lamang kaming myembro, apat mula sa pitong magkakapatid, isang pamangkin, sina mama at papa.

Apat na taon din kami dito.

Naaalala ko pa, nasa malayong lugar ako noong lumipat sila dito, napaunlad ni mama ang tahanang 'to at nagmukhang tunay na tahanan mula sa mukhang bodega na hitsura nito noon.

Dito rin nagsimula ang lahat, karagdagang pundar sa mga kagamitan namin, nakapag abroad ang dalawa kong nakatatandang kapatid. Kung baga umasenso, kahit konti.

At ngayon, iiwan na namin ang aming tahanan.

"Bhe, tara! Samahan mo ako sa lilipatan nating bahay? Ipapakita natin sa ate mo at titingnan narin natin kung ilang kwarto ang pwede roon."

tawag sa akin ni mama.

Sa tinagal tagal ng panahon na aming paghahanap sa bagong malilipatang bahay, inalok ng kumpare nila mama na si Mang Rene ang tindahan na noon ay pinapatakbo ng kanyang anak.

Pauupahan na raw ito.
Bilang tirahan, na maaari ring gawing tindahan ulit.

Nakita ko na yun noon! Noong tindahan pa, pero sa harap lamang at dipa napapasok ang kalooban.

Sumama ako kay mama.

Paglabas namin sa bahay, mula sa mainit na panahon ay nagbadya na ang pagkulimlim ng langit na tila uulan.

Nilandas namin ni mama ang bahay ng anak ni Mang Rene na di kalayuan sa aming tirahan, naroon ang susi ng aming lilipatang tahanan upang hiramin.

"Sasamahan po kayo ng asawa ko Tita. Ano po bang gagawin niyo? Residential o magtitinda rin ho kayo?"
Tanong ni Kuya Reynald, anak ni Mang Rene.

Marangya ang buhay ng pamilyang ito sa aming baranggay.

"Residential lang. Pero plano rin naman ng anak kong nasa Qatar na magtinda raw kami. Pero sa ngayon, di muna.Bahay lang."
Sagot ni mama.

"Ah sige po. Tatlong libo po ang paupa ko roon. Nasabi na ho ba sa inyo ni papa na ako ang magpapaupa roon?"

"Ay oo nga,nasabi nga ni Pareng Rene."

"Sige po." Ngumiti si Kuya Reynald

"Mhie! Mhie! Halika na muna at samahan mo sina ate na makita yung bahay." Tawag niya sa kanyang asawa na nasa kusina.

"Magsisimba pa tayo! Baka mahuli tayo."

May kasungitan ang asawa ni Kuya Reynald.

"Sandali lang naman para makita nong anak niya na nasa Japan."

"Osige."

Umalis agad kami sa bahay nila at tumungo na sa lilipatan naming bahay.

Bumungad samin ang malaking gate na kulay berde at pula, tabing kalsada ang bahay maraming mga kapitbahay.

Binuksan ni Ate Ruth ang gate na may malaking kandado, bumagsak na ang malakas na ulan kasabay ng katamtamang init ng araw.

Tumambad samin ang loob ng bahay, ang malaking gate ang nagsisilbing pintuan nito. Pagpasok ng gate naroon na ang loob ng bahay. Malaki. Walang dibisyon.

Mahahalata na noo'y isa itong tindahan sapagkat naroon pa sa loob ang ibang mga istante at mga natirang paninda.

Sa dulo ay isang palikuran, malaking palikuran. Sapat ang bahay para sa malaking bilang ng aming pamilya.

Maganda ang sahig nito, gawa sa makikinis na tiles, hanggang CR. May kulay ang mga dingding at may kisame kumpara sa aalisan naming bahay. Tunay na maganda ito.

Tinawagan ko mula sa Japan ang aking kapatid para ipakita sa kanya ang lilipatan naming bahay. At nagustuhan niya rin ito agad.

Nagkasundo sina Mama at Ate Ruth.

HOMEWhere stories live. Discover now