DOMINO 4: Sa Unit

2 2 0
                                    

TRISHA'S POV

*yaaaaaawn*

1:21 am na #___#

Gusto kong magbanyo

*banyo*

Pagkatapos ko ay tiningnan ko sila kung tulog ba silang lahat

4 na room yung nagamit namin kasi nga bente kaming lahat at 5 tao bawat kwarto

Ang magkakasama sa room 308 ay ang magbestfriend na kulay na sina Rose at Pink haha at sina Patrick, Vincent at Charles

Tulog na sila ^.^ haha yung mga lalaki nasa couch lang haha good girls!

Sa room 307 naman ay sina Abby, Ally, Gerby, Von at Christian

And like kina Rose ay nasa couch din ang mga boys

Samantalang sa room 306 ay sina Paula, White, Trixie, Ariel at Joshua

At sa room 305 ay ako si Jess, si Kim, Jassifer at si V

Ganun din kina Paula at samin haha sa couch ang mga boys syempre hehe

T-teka??!

Bakit parang dalawa lang kami sa kama kanina??

Naaaaaay?!

"NASAAN SI V?!?!?"

Oh.em.! Nasaan na yung batang yun?!

"Si V?!" sigaw sabay bangon ni Jessy

"Oo si V nasaan?!"

Hala nasaan na naman ba yung batang yun?!

Inisa isa ko ulit bawat kwarto naming magkakaibigan

"V?!" Wala sya kina Paula!

"V??!!" Wala din sya kina Abby!!

"Viiiiiiiiii??!!?" Mas lalong wala sya kina Rose!!!

T^T nasaan na ba yung batang yun?!

"H-hoy Trisha, nasan ba si V?" Tanong ni White, yung pinsan nya

"Di ko nga alam diba?! Kaya nga hinahanap T^T"

"W-wag ka ng mag alala uuwi din yun" sabi ni Charles

"Buti sana kung umaga pa e madaling araw na oh?!" Sigaw ko

"Umaga na rin naman ah" pilosopong sabi ni Kim

d-.-b magkaiba yun ulul!

"Hanapin nyo na nga lang boys!" Sabi ko sa kanila

"H-hindi na, ako na maghahanap! Alam ko na kung nasaan sya" sabi ni Ally

"S-samahan na kita Ally" sabi ni Ariel

Ooooh? Fishyyyyyy ^x^

Oh well. >o<

"Sige na sige na pauwiin nyo na yun!" Taboy ko sa kanila

"Kasabay natin yun pagpasok kanina diba?" Tanong ni Gerby

"Pano mo naman nasabi? Lasing ka nga diba. Tss!" Sabi ko sa kanya

Lahat kami nalasing maliban kina Ally, Pink, Trixie, Jessy na slight lang at mas nalasing ako tsk!

Di ko tuloy nabantayan yun

"Tsaka isa pa, nakay White ka lang naman nakatingin kanina" dagdag ko

Tumahimik na sya nung tiningnan sya ni White

Ewan ko sa inyo >_>

Pumasok kaming lahat sa kwarto namin at doon hinintay si Valerie Vin Vidad

Ang batang babaeng gala -.- tsk.

Silang dalawa ni Ally ang pinakabunso 17 years old pero si V talaga yung pinakabata

Kasi May ang birthday ni Allison o Ally samantalang July naman si V

Isang taon lang naman gap ko sa kanya kasi August ako

Susko V! Makita ka sanang ligtas nila Ally

Di talaga maganda kapag walang matang nakamasid kay V

d-.-b

Para syang batang kailangan pa ng babysitter ( ,--)

Kung san san napapadpad tsk!

"Ally alam mo ba kung sumama ka sakin panigurado mas mag eenjoy ako" si V na 'to panigurado at talagang tuwang tuwa pa sya ha tsk.

Si Ariel yung nagbukas ng pinto

Kasunod nya si V at si Ally

(-__-)

"Oh? Gising pa kayo?!"

Aba at sya pa ang nagulat ha

"Oo gising pa kami. AT BA KIT NA SA LA BAS KA PA?!" sabi ko ng may diin talaga hmp

"E-eh k-ka-si Trisha naman!" Nagdadabog pa syang umupo sa tabi ko

"Wag mo kong pagalitan! Nagiging nanay ka na naman ihh!" Reklamo nya

Tsk! Di ka talaga nag iisip Valerie!

"Nag aalala kaming lahat dito at madaling araw na wala ka pala dito?!" Sabi ko

"E kasi naman, naglasing na kayo ng naglasing, naglakad lakad lang naman ako sa tabi ng daga-"

"San nyo sya nahanap Ally?" Tanong ko kina Ally

"Dun sa mga may nagkakatuwaang mga tao" sabi ni Ally

"Sa Fingerheart Chain yun ^____^"

Natuwa pa sya kaya ayun

Napagsabihan namin ng napagsabihan tss.

"Hindi ka na baby para bantayan pa Vin tsak-"

"Wala naman akong sinasabing baby pa ako ih" pamumutol ni V kay White

Ewan ko ba sa dalawang magpinsan na to at mula ng lumipat sila White sa Villafranco Village at naging magkapitbahay sina V, madalas na silang magsagutan

Samantalang noon kulang nalang palitan nila diaper ng bawat isa haha

Tsaka hindi nya naman ginaganyan si Mitch na pinsan nya rin naman sa father side

Si White kasi pinsan nya sa mother side

"Sinasabihan lang naman kita at baka samin pa magalit sina tita Verone at tito Vince" sabi pa ni White

"Bakit naman sila magagalit sainyo kung kasalanan ko naman noh?" Sarkastikong sabi naman ni V

"V naman" sambat ni Mitch

Nagkasagutan pa sila kaya naman hininto na ni Jessy ito at buti nalang nakinig rin sila

"Sya matulog na tayo alas-dos na"

Sabi ko at pumunta na sila sa kwarto nila at kami naman ay natulog na pero pinagsasabihan pa rin namin si V

"Sa susunod magsama ka ng kahit isa man lang para di kami masyadong mag alala kung napano ka na" sabi ko

"K" maikling sabi nya at dumapa na para matulog

Ganyan yan para makatulog dumadapa talaga sya

♡ - Domino Love Cycle -&gt;Where stories live. Discover now