31

129 15 3
                                    

KIM SEOKJIN



"Bilisan nyo! Tangina. Parang bakla kung tumakbo ang bagal! Arte arte pa!" Sigaw ko sa Bangtan. Five minutes na kaming tumatakbo pero hindi pa kami nangangalahati papunta sa likod ng school.


"Hoy! Makapagsalita kang bakla samin, akala mo ikaw hinde! Hampas ko sayo baba ko eh!" Ganti naman ni Jhope kaya tinapid ko sya. Ayon, una baba sa lupa.


Ilang metro nalang, mararating na namin yung dulo ng school. Nagpahinga kami saglit. Tapos bigla bigla nakita nalang namin si Dahyun na sumulpot. Tangina akala ko white lady.


"Hoy! Gago ka! Asan si Sinb!" Kaagad na bungad ni Jhope kay Dahyun at sinakal nya. Hinila ko siya agad palayo kay Dahyun. Oo alam ko na gusto na namin patayin ang babaeng yon, pero pag namatay yon, saan namin hahanapin si Sinb?


"Oh? Bakit nandito kayo?" Natatawang tanong ni Dahyun. "Hinahanap nyo si Sinb?"


"Ay? Kakasabi lang namin diba? Unli ka?" Pabarang tanong ni Suga.


"Sige lang. Lubus lubusin nyo yan. Dadating ang oras na kayo mismo ang luluhod sa paa ko. Dadating ang oras na magpapasalamat kayo sakin."


Bigla akong naweirduhan sa sinabi nya. Ano daw? Magpapasalamat kami sakanya? Para saan? Sa balak nyang gawin kay Sinb?


"Ipakita mo na si Sinb." Sabi ni RM. Yah! Go baby. Pagchicheer nalang kita mamaya. Jok.


"Agad? Wala pa nga ako sa kalahati ng plano, kinukuha nyo na siya sakin. Just wait. Ibabalik ko siya sainyo." Sabi nya.


"Pagkakatiwalaan ka ba namin?! Sa tingin mo ha? Putangina, ibalik mo na siya!" Sigaw ni Jhope.


"Ano bang kailangan mo kay Sinb ha?" Tanong naman ni Jungkook. Pwe. Lab trayanggel.


"Basta."


Wala kaming magagawa dahil kapag sinabi nyang hindi, hindi talaga nya gagawin. Kaibigan namin ang grupo nya dati, ang Twice. Squad kami ng Twice at Bangtan. Pero dahil sa mga taong nakapalibot samin, gumawa sila ng ships out of Bangtan and Twice. Yung iba, medyo malaswa na. Tapos yung iba naman, gusto nila makatuluyan namin yung shiniship nila samin.


Ang ending? Dahil sa hindi namin kinayanan ang issues at nasisira ang image ng parehong group, pumunta ng Korea ang ibang nasa Twice, habang yung iba, lumipat ng school. At dahil wala ng Twice dito, napalitan ng GFriend.


Ewan ko kung anong nangyari, pero nagkatuluyan na talaga ang rapper namin at maknae nila. Hays. At feeling ko, magkakatuluyan pa yung dalawa. Kingina.


"Anong gagawin natin?" Tanong ni V habang nasa van kami, pauwi na. Wala kaming nagawa. Hindi nagpatinag si Dahyun kanina sa kinatatayuan nya dahil hanggang hindi kami umalis ng school, hindi sya umalis doon.


"Hindi ba baliw yon?" Tanong ni Jimin.


"Base sa kilos nya, hindi naman talaga siya baliw, inaasar lang siyang baliw." Sagot naman ni RM.


"Twice siya. So siguro, pwedeng pagkatiwalaan naman natin si—" agad na naputol ang sinasabi ni Suga dahil sa sigaw ni Jhope.

"HINDE! PUTANGINA SUGA. PAGKAKATIWALAAN MO PA ANG TAONG TINAGO SAKIN SI SINB?! SIGE IKAW GAGO, PAGKATIWALAAN MO SIYA."

Taena. Kailangan ng malaman ng GFriend to.

❛ kabayo ↯ sinhope.  Where stories live. Discover now