Chapter 42:Jealous

113 6 0
                                    


Isabella's POV

Psh.Hindi padin ako makamove on sa nakita ko kanina sa cafeteria.May kasama si Hiro na kumakain doon.At yun yung bago naming kaklase na si Ysabelle. Nakita ko kung paano kausapin ni Ysabelle si Hiro na parang matagal na silang magkakilala.

Oo nga pala,magkaklase sila dati.

Bakit ganun,iba ang nararamdaman ko.Pakiramdam ko nasasaktan ako nung nakita ko sila magkausap.

"I still love you daw" sabay gaya sa mukha ni Ysabelle nung sinabi nya iyon,Habang naglalakad lakad sa campus. Kagagaling ko lang kasi sa cafeteria, bumali ako ng isang C2 Solo at Piattos na pagkain,tapos ayun.Nakita ko sila,And worst halos ilapit na ni Ysabelle yung mukha nya kay Hiro.

Tapos narinig ko pa na sabi nya

"I still love you" Arghhh!!nang gigigil ako ng di oras...Huhuhu

Bakit ba kasiii!Napadaan pa ako at nakita ko yun.

Habang naglalakad,tinatadyakan ko ang bawat bato na makikita ko.Nakakainiss!

Teka?Nagseselos ba ako??

Hindi ahh..Sus!bat ako magseselos

Napatawa ako ng di oras dahil sa sarili Kong iniisip..He he..Nagiilusyon ka lang Isabella!😀😂Huhuhu

Habang naglalakad,napatigil ako at napahawak sa dibdib ko.nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko,Maaaring yung sakit ko nanaman ata ito.Napabitaw ako sa hawak kong mga pagkain at napakapit ng mahigpit sa dibdib ko..Ang sakitt!bakit parang pinipiga ang puso ko sa sakit.Napansin kong namumutla ako.At halos habulin ko ang paghinga ko.Mas lalong napahigpit ang paghawak ko sa dibdib ko,dahil sa sobrang sakit ng nararamdam ko.Naglakad padin ako pero,napakabagal.Hindi ko din kayang tumakbo.

Hindi ko na kaya...Hindi ako makahinga.Sinubukan kong abutin anh C2Solo na inumin ko,para kahit papano baka maibsan ang sakit ng nararamdam ko.Kahit hindi na tubig basta kailangan lang uminom.Yung sakit ko umaatake nanaman...

Habang pilit na inaabot ito dahil nahulog ko sa sahig.Lalong nakakapusan ako ng hininga.Halos mapakapit na ako sa poste sa school dahil sa kirot..Naiiyak ako,Hindi ko na kaya ang sakit..Parang patagal ng patagal,mas nagiging malala ang nararamdaman kong pagkirot sa puso ko.

Hindi ako makahinga....Nang maramdaman kong nanghihina na ako.Bigla nalang akong bumulagta sa saghig dahil narin Sa sobrang sakit ng dibdib ko.

Napapikit ako dahil dun..At tuluyan ng akong nawalan ng Malay....

Hiroichi's POV

Habang palabas ng cafeteria dahil Sa badtrip na nararamdaman ko.

Napansin ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan,parang may pinagkakaguluhan ata.Dala ng kuryosidad ko,Awtomatikong gumalaw ang katawan ko at agad tumakbo papunta Sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Pilit akong nakisingit para makita kung sino ang.....

ISABELLA!!!

Agad akong pumunta banda sa kanya at agad syang binuhat papunta ng clinic..

Tulog na tulog sya at mabagal ang pagpintig ng pulso nya na mas ikinaba ko.Baka kung ano na nangyari sa kanya.Agad akong tumakbo sa abot ng aking makakaya habang bitbit sa bisig ko ang walang Malay na si Isabella.

Tch.Ano ba kasing nangyari sa kanyaaa??Bakit sya nagkakaganito.Nagaalala ako para sa kanya.Iba ang pakiramdam ko,parang may Mali eh..

Nang makarating sa clinic agad ko syang inihiga sa higaan ng clnic at tinawag ang school nurse na agad namang umaksyon para tignan ang kalagayan ni Isabella...

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now