🍐 BC#3🍐

86 3 0
                                    

INLOVE WITH HIM
twice_queen95

📎COVER
Ayos lang yung cover mo, walang problema duon.

📎TITLE
Ayos lang din naman yung title. But kung gagawa ka ulit ng new story, dapat mas maging creative ka. Yung tipong walang gaanong kaparehas. Bizarre dapat yung mga titles.

Why? Kasi kung super common nung title, mag mumukhang common na rin yung story mo sa reading at isa pa, kapag maraming title, maraming choices, pag ganon marami kang kaagaw sa readers.

📎DESCRIPTION
Sa blurp mo naman, to be honest, ang plain niya. Yuon kasi ang isa sa pinakaunang tinitignan ng reader kaya dapat punong puno ng excitement yun. Dapat ipupush mo yung reader na basahin yung story mo. Dapat maging curious sila.

Sinabi lang sa blurp mo, na makulit si boy at nainlove si girl kay boy. So asan ang thrill duon? Paano maeexcite ang readers? Paano sila macucurious?

Dapat bigyan mo sila ng clue sa mangyayari pero not totally. Hindi naman kailanga ng mahabang blurp eh, kung mapapansin mo yung sikat na writers kahi isang sentence lang or question nagiging interesting na yung story. Why? Kasi anduon yung main thought. Kasi nanduon yung thrill.

Example:

"How can he Love me if he is busy loving my sister?"

Kahit ganyan lang ang blurp mo, sobrang interesting na kasi andiyan yunh thought nung story. Makikita nila yung flow sa pag basa lang ng isang question.

📎PROLOGUE
Maganda yung inilagay mo na masisira sila dahil sa isang girl dahil mas macucurious ang readers duon. Pero parang kulang pa rin sa thrill eh.

Ano ba yung problema? Yuon lang ba ang problema? Dapat lagyan mo pa rin ng problem sa prologue para mas lalong ma excite ang readers.

📎CHAPTER
Sa first part ng chapter mo ay sinimulan mo sa expostion which is very good kaya okay lang yung sa chapters mo.

📎CHARACTERIZATION
Dito tayo medyo mag kakatalo. Kailangan mo pang lagyan ng buhay yung characters mo. Hindi lang yung basta nag uusap sila. Dapat kung nag eenjoy sila, mag enjoy rin yung reader. I highly suggest na mas bigyang buhay mo yung characters.

📎GRAMMAR
napansin ko lang ay yung puctuations, dapat lagyan mo ng punctuation yung mga dialogue.

Yung mga ibang words din dapat ay buoin mo kasi wala tayo sa mga text so dapat hindi shortcut

-bat =bakit
-di = hindi
-kana = ka na
-okey = okay
-sya = siya
-nya = niya
"Sakanya = sa kaniya

And then itry mo yung ontian yung mga paragraph kasi kapag sobrang haba, maboboring yung readers mo.

Ganito kasi yung sayo,

""Ako na naman bat di nalang si Charles hyung" Pagmamaktol nito. "Isa....... Dalawa......" Pagbibilang ni oppa "oo na ako" Sabi ni renz takot naman pala ang tagal pa tumawag pumunta na nga kami sa private room nila mayaman oo nga pala kaibigan nila yung may ari ng school kaya may private room sila pagkarating namin ahhhh ang baho ng  amoy  alak at sigarilyo talaga na upo na ako sa couch nila hay binukasan yung tv na nood ng basketball tiningnan ko naman ang oras hala late na ako 1:20 na patay "oppa late na ako" Sabi ko "ahhhhg ezekiel tawagan mo nga yung prof nya hindi siya makakapasok gusto kung makabanding ang kapatid "okey hyung" Sabi niya "pero oppa" Sabi ko "aki minsan lang tayo nag bonding pumayag ka na please" Sabi ni oppa "okey" Sabi ko"

Ang haba diba? Itry mo yung ganito,

"Ako na naman? Bakit hindi nalang si Charles Hyung?" Pagmamaktol niya tapos ay nag dadabog pa kaya natawa ako dahil para siyang bata.

"Isa... Dalawa..." Pag wawarning ni Oppa dahil mukhang naiinis na rin siya kaya mas natawa ako.

"Oo na ako." Tumingin kaming lahat kay Renz ng mag salita siya. Kita mo tong isang to, papayag rin pala.

Ang tagal pa niyang tumawag kaya pumunta nalang kami sa private room nila. Mayaman kasi eh. At by the way, kaibigan rin pala nila ang may ari ng school kaya may access sila sa private rooms.

After nun, nakarating na kami and then pumasok na sa loob. Damn! Bakit naman ganito ang amoy? Amoy alak at sigarilyo. Sayang kasi maganda pa naman ang ambiance dito.

Umupo na muna ako sa isang one-sitter na sofa. And then kinuha ko yung remote at inopen yung tv. Maraming channels kaso hindi ko trip so ang ending? Nanood nalang muna ako ng basketball.

After like an hour of watching, tumingin na ako sa clock and then shoot! 1:20 na! I hurriedly grabbed my stuffs and then tumayo na.

Napa sarap ata ang panood ko.

"Oppa, Late na ako!" I shouted kasi medyo malayo siya.

"Uhm, Ezekiel?" Tumingin naman siya sa akin and then ngumiti. Damn! Heart wag masyadong mabilis ang pag tibok huh?

"Paki tawagan naman yung prof niya and then paki sabi na hindi siya makakapasok gusto ko kasi silang maka bonding." Pakiusap ko. Nag kibit balikat naman siya and then tumango.

"Okay."

As you can see, mag lagay ka rin ng extra actions hindi yung panay conversation. And yung spacing din and more emotion.

📎FINAL THOUGHT
-Good

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 26, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

RAINBOW BOOK CRITIQUE (OPEN🔓)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora