CHAPTER 8

21 2 0
                                    

Lexhie's Point of View
"Lexhie? Bakit nagawa mo sakin to?" Sabi ni jungkook nang hindi nakatingin sakin

Huh? Ang labo naman? Ano bang nagawa ko? Yung sa girlfriend ba nya? Bakit? Masama ba yung sinabi kong ingatan sya?

"Baket? Baket nagawa mo saken to?!" Sabi nya at tumayo

Nakatingin sya sakin na parang papatayin ako.

"A-ano b-bang nagawa k-ko?" Sabi ko na parang natatakot

"Lexhie naman! Wag kang mag maang maangan jan!" Sigaw nya sakin

Lahat ng kaklase namin nakatingin na saming dalawa. Tiningnan ko ang upuan ni Violet pero wala pa sya. Ano bang nagawa ko?

"A-ano bang nagawa ko?" Tanong ko ulet

"Okay! Sige! Dahil nag mamaang maangan ka jan! Sasabihin ko sayo! Nakipag break lang naman sya sakin! Siguro dahil yun sa pinag usapan nyo kahapon! Siguro siniraan mo ko sakanya porket mag galit ka saken! Tama ako diba?!" Sigaw nya ulet

"H-huh?" Naguguluhang tanong ko

"Akala mo ba wala ako nung nag usap kayo sa park? Nandon ako! Hindi ko man narinig ang Mya pinag usapan nyo! Alam kong dahil don kaya nakipagbreak sakin si Violet!" Sigaw nya ulet

Hindi ko na kilala tong jungkook na kaharap ko. Parang nasaniban sya. Ganun nya ba talaga kamahal si Violet? Ano bang ginawa kong masama? Pinabayaan ko na sila diba? Mali parin ba? Hindi ko na napigilan ang luha ko. Gusto kong ipaliwanag sakanya yung totoong sinabi ko kay Violet pero di naman sya maniniwala at sigurado ko don. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nag pasundo ako kay kuya. Maya maya dumating na sya kaya sumakay na ko. Mag katabi kami ngayon.

"Bakit? Anong nangyare? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni kuya

"Kuya...sinabi ko lang naman sa girlfriend ni jungkook na mahalin at alagaan sya ng higit sa kaya kong ibigay...pero iba yung alam ni jungkook...akala nya kinausap ko yung girlfriend nya para siraan sya...pero hindi ko yon ginawa dahil mahal ko sya...pinabayaan ko na nga lang sila eh...pero nakipag break sakanya si Violet...di ko alam kung bakit" paliwanag ko habang umiiyak

[A/N: guys hindi ko na nilagyan ng mga *sniff* na ganun kasi magugulo yung sentence]

"Hayaan mo kakausapin ko sya" Sabi ni kuya

Nang makarating kami sa bahay dumretso ko sa kwarto at nag palit ng pang bahay na damit chaka umiyak ng umiyak sa kama ko. Hindi tuloy ako nakapasok ngayon. Nakakainis ka Jeon Jungkook!

"Ginawa ko naman lahat ah! Pinaubaya na nga kita sakanya eh! Tapos ngayon ako pang mali?! Gagu ka ba jungkook! Ako na nga tong nasasaktan sa sitwasyon na to eh! Tapos ikaw pa may ganang magalit? JINJA?!" Sigaw ko habang nakadukdok sa unan

Maya maya may kumatok kaya nag punas ako ng mga luha ko. Naupo ako. Si kuya yung pumasok. Naupo sya sa tabi ko.

"Princess isasama na kita sa US" Sabi nya

Sasama nya na ko?! Talaga!? Yieeee!

"Sige po kuya! Kelan po tayo aalis?" Tanong ko na excited na excited pa

"Sa isang araw princess"

"Sige po kuya,aayusin ko na po ang mga gamit ko" Sabi ko

Umalis na din si kuya. Ako naman nanonood lang ng tv.

Jungkook's Point of View
Nung umalis si Lexhie biglang dumating si Violet. Hindi ko alam kung bakit parang galit sya sakin. Nag tungo sya sa harap ko.

"Ano bang ginawa sayo ni Lexhie ha! Ginawa naman nya lahat! Alam mo bang sa sitwasyong to sya yung pinaka nahihirapan!? Hindi nya sinabing makipag break ako sayo! Ang sinabi nya sakin kahapon. Ingatan at mahalin daw kita ng higit sa naibigay nya sayo! Sana nga daw maging masaya tayo sa isa't isa eh! Ipina ubaya ka nya sakin kahit matagal ka na nyang mahal! Oo tama! Matagal ka nang mahal ni Lexhie pero ano? Hindi mo makita? Hindi nya sinabi sayo dahil baka masira ang friendship nyo! Tapos ngayon sisigawan mo lang sya?! Gagu ka pala eh!" Sabi nya sakin sabay sampal sa muka ko
Totoo ba lahat nang to? Deserve ko tong sampal na to. Kulang pa nga to kung tutuusin eh.

[A/N: Jusko! Kawawa naman yung kookie ko! Pag nag kita tayo Violet Ann Lopez mayayari ka sakin! Pag babayaran mo to!]
Matapos non lumabas na sya ng room. Tinatawag ko si Lexhie. Sinagot naman nya ito.
Call...
[Ano? Kung ano ano nanamang sasabihin mo saken? Bakit pa ba kasi ko nangialam sainyo? Ah Alam ko na! Mahal lang naman kasi kita! Lahat nang mga sakit na iniinda ko hindi mo nakikita! Yung pag mamahal ko sayo! Sabagay kaibigan mo lang naman ako! Diba? Sino ba naman ako para mahalin mo? Wag kang mag alala jungkook. Simula ngayon. Ngayong araw na to. Hinding hindi na kita papakialaman sa buhay mo. Hindi na kita kukulitin. At simula ngayong araw na to! Lalayuan na kita! Pero malaking pasasalamat ko sayo kasi naging inspirasyon kita! Salamat ah! Kahit masakit!]
*Toot Toot Toot*
Pinatay nya na yung phone. Di ko na napigilang maluha sa mga salitang binitiwan nya. NAPAKA LAKI KONG TANGA! HINDI KO NAKITA LAHAT NG GINAWA NYA PARA SAKEN! APAKA MANHID KO! APAKA TANGA MO JEON JUNGKOOK!
------------------
8th Update!!!
I hope you cry in this chapter! Hahaha
Nga pala sa sumampal sa bias kong si jungkook malilintikan ka saken! Hahaha deeee!
Pano na yan? Ngayong alam na ni Jungkook ang lahat. Pero ngayon nya pa nalaman kung kelan aalis na si Princess este! Lexhie at pupunta sa US? Pano na si Jungkook?
[A/N: ako na lang kookie!]
Hahaha sheret!
Wait for the next update!!!
Please Read and Press the "Vote Button"!!!
Kamsahamnida!!!
Saranghae!!!

Best Friend Lang Naman Ako Where stories live. Discover now