Paano Nga Ba ?

124 8 3
                                    


PAANO NGA BA?

Isang araw may nakita akong babaeng umiiyak, Nag hihinagpis at nag durusa. Bigla akong napatanong sa aking sarili paano nga ba?

Paano nga ba magmahal ng tapat? Paano nga ba masasabi kung mahal mo o mahal ka talaga ng isang tao? Natuturuan nga ba ang pusong lumimot? Lumimot sa sakit at pait na dulot ng isang mapusok na pag-ibig. Tinatanong ko ang aking sarili paano nga ba??

Paano nga ba ako napasok sa isang madugong bakbakan na tanging virginity ko lang ang kaylangan para mataguriang kampyon sa isang labanan at ako, Ako lang naman yung babaeng uuwing luhaan na binansagang talunan ng bayan.

Ako lang naman yung babaeng uuwing talunan galing sa isang labanan na may bitbit ng bata sa tiyan dahil hindi pinanagutan ng lalaking takot sa pananagutan. At ako, Ako lang naman yung babaeng tatanga tanga jan na hahara-hara sa daan na nabighani mo sa matatamis mong salita. Kaya naman heto ako ngayon, Heto ako ngayon at nag papahinog sa katangahan kong paniniwala at sa kahayupan mong pagnanasa Na parehas nating ginawa sa silid mong punong-puno ng hiwaga.

Paano na nga ba ako babangon? Paano ako babangon sa masakit kong pagkakadapa kung lahat ng taong nasa paligid ko ay hindi nag-iisip ng tama?? Paano nga ba ako lalaban kung lahat ng taong nasa paligid ko ay hinusgahan na ko ng hindi tama? Paano nga ba ko lalaya? Paano nga ba ko lalaya sa isang mundong punong puno ng discrimination na pilit humihila sa akin pababa.

Ako lang naman yung babaeng tinitingnan nila sa nakakadiring paraan na patuloy nilang hinuhusgahan sa nakakasulasok na paraan. Hindi pa sila nakuntento, Hindi pa sila nakuntento at binigyan pa nila ako ng pangalang isang babaeng bayaran.

Bakit? Paano? 'Yan ang tanong ko sa aking sarili. Bakit nila ako binansagang babaeng bayaran gayong ang tanging batayan nila ay ang trabaho kong tagasilbi sa isang bahay-aliwan.

Ahh! Oo nga pala, nakalimutan kong nag trending pala sa aming bayan kung paano ako nahibang sa lalaking minsan kong minahal. ahh! Oo nga pala nakatatak sa utak ng bawat isa kung paano ako naging isang dalagang ina at ahhh! Oo nga pala para sa kanilang lahat kaakibat ng aking pangalan ang salitang disgrashada.

Minsan lang akong nag kamali pero bakit gano'n? Bakit parang buong buhay kong dadalhin ang kamalian ko. Kulang pa ba ang mga Taon, Buwan, Araw at Oras para pagbayaran ang kasalanang hindi ko man lang matawag na kasalan. Sadya bang ka'y lupit ng aking kapaligiraran para ipagkait sa akin ang salitang kapayapan.

Paano nga ba? Paano nga ba ko babangong muli kung sa bawat pag bangon ko ay umaatake sila para ilagay ako sa kadiliman, Kadilimang hindi ko maiwan. Kadilimang ipinadama sakin ng lahat! Paano nga ba ako lalaya sa mundong punong puno ng kadiliman na ni minsan ay hindi ko man lang nasilayang magliwanag.

Paano nga ba?? Paano ba ako lalaban kung buong pag katao ko nakagapos na sa nakaraan. Paano na ako? paano na ang kinabukasan ko at higit sa lahat paano na kami nang anak ko? Paano ako lalaban kung sa bawat pag abante ko ay nariyan sila para isadlak ako sa kahirapang hindi ko maiwan.

Paano nga ba? Paano nga ba mabuhay ng payapa? Paano nga ba ako lalaya sa nakaraang hindi ko matakas-takasan dahil sa mga taong nagsadlak sa akin sa putikan.

-J E I

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon