Chapter 3

3.4K 109 5
                                    

Three months ago

"Where were you last night?" tanong ni Emyrine habang parehas silang nagbibihis.

Pagkatapos ng tagpo sa banyo, naghanda na sila pagbalik sa trabaho.

"Sa Regal Brews lang. Nag-chill."

There was not much preparation to be done.

Kahit hindi niya birthday, Wila is pampered by her girlfriend in more ways than one. Ito madalas ang nagluluto sa bahay. Ito ang namimili at naghahanda ng isusuot niyang damit. Emyrine is also the face of their business.

"Kailangan talaga doon? Umay ka na ba sa beauty ko?" pabiro nitong sabi.

Wila hugged her from behind. "Of course not." Hinalikan niya ang balikat ng nobya. "I just needed a change of atmosphere." Umalis siya't binuksan ang pinto.

Humabol ang boses ni Emyrine na nagpahinto sa kaniya. "Anim na beses."

"Ha?"

"Anim na beses ka nang naroon sa loob ng dalawang lingo."

Nagma-may ari sila ng isang maliit na restawrant ilang kalye lang ang layo sa nirerentahan nilang bahay. Ganito ang kanilang rutina sa araw-araw.

Pagdating doon, kaagad naging abala si Emyrine sa kusina. Kung tutuusin ay mayroon naman silang mga tauhan ngunit mas nais nitong personal na nag-aasikaso ng kanilang negosyo. Si Emyrine iyong tipong palaging gustong may ginagawa.

Nasa sulok naman sina Wila at Callie. Tapos na silang mag-almusal ngunit um-order pa rin ng Fettucini Alfredo ang huli.

Cozy ang ambiance ng Il Trio Pizzeria. Ito rin naman ang ninanais nila sapagkat hindi lang basta kainan ang lugar na ito para sa kanila. Ito na rin ang nagsisilbing pangalawang tahanan nila.

Despite the food they serve, the venue isn't over-the-top fancy and Italian. The building itself has timber framework and effects. Sa ganitong paraan ay presko na, hindi pa nila kailangang mag-isip ng gagastusin para sa air conditioning system.

Binuo nila ito nang maka-graduate sila ng kolehiyo. Kay Callie nagmula ang puhunang kinailangan nila sa pagtayo ng negosyo. Simula noon ay tuluy-tuloy na ang paglago nito, they also managed to return their friend's investment. Now, the ownership of Il Trio belongs to the both of them, like their very own love child. Iyon, mas matatanggap pa ni Wila.

Habang kumakain si Callie, abala si Wila sa tapat ng kaniyang laptop at pag-ubos ng baon niyang alak na nakapaloob sa isang flask. Dito niya madalas tingnan ang lagay pinansyal ng Il Trio. If Emyrine is the face and general manager, Wila secures that everything runs smoothly behind the scenes. She is good with computers, thus, she is good at crunching numbers.

Higit sa lahat, doon din siya nakikibalita kay Divina Ferrer, isang prominenteng abogado... ang kaniyang ina.

Naramdaman niya ang pagpatong ng baba ni Callie sa balikat niya. Ngumunguya pa ito, dahilan para mairita siya. "What the hell?" aniya kahit pa hinayaan na lang niya ito.

"Bakit kasi hindi mo pa kausapin?" komento ni Callie.

"Wala namang pag-uusapan," mabilis niyang tugon.

"E anong inii-stalk mo dyan?"

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "E sa gusto kong mang-judge, ba't ba?" Inusog niya ang laptop para mas makita ni Callie. "Tingnan mo, nakakuha ng humanitarian award. 'Di nila alam iniwan niya kami ni Papa."

Pabirong tinapik ng maliit na babae ang likod niya. "O kalma. Atakihin ka sa puso n'yan e," biro nito. "Nagme-menopause ka na ba? My god!"

"Bakit ba Callie pinangalan ni Tita sa 'yo e hindi ka naman cuddly? Sarap mong hambalusin." Pinisil niya ang pisngi nito.

Chasing the Ice PrincessWhere stories live. Discover now