Kaibigan mo lang ako

105 1 0
                                    

Mahal kita, pero mahal mo sya
Gusto kita, pero gusto mo sya
Mahal mo sya, mahal ka nya
At ako ang nag iisang extra.

Masaya ka sa piling nya
Heto ako nasasaktan ng mag-isa
Na tinatanggap na sya ay iba
Habang ako ay isang umiibig na tanga.

Kaibigan mo lang ako
Sya ang mundo mo
Ang pagkakaiba namin dyan sa puso mo
Na sya ang mahal mo at hindi ako.

Hindi ako at hindi magiging tayo
Dahil mayroong kayo
Sa binubuo nyong mundo
At pagmamahalan nyo'y totoo.

Tula para sa LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon