Katulad ng nakagawian ay maaga akong pumasok at tahimik na pumunta sa aking silid.
At katulad din ng nakasanayan ay wala na namang napansin sa akin, tila isa akong hanging nakaupo sa upuan sa likod. Wala pa si Ingrid, malamang ay tanghali na naman papasok iyon.
Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa ilang minuto na lang mag-umpisa ang klase.
"Anjan na si Ma'am." Ani ng aming presidente sa klase, si Abilene
Lahat ay umayos ng upo. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at napabuga na lamang ng hangin.
Dang. Di ko makalimutan yung nangyari kagabi. At pakiramdam ko mabubully na naman ako dahil doon.
Saglit akong napatingin sa gawi nila Mina. Masaya silang nagtatawanan nila Priscilla ng tahimik at pupusta ako ng malaking halaga, tiyak na ako ang pinag-uusapan nila.
Pumasok na si Ma'am Lunar, kasunod lamang niya sa kanyang likuran si Astral. Diretso ang kanyang tingin at walang nilingon maging ang guro na naunang pumasok sa kanya.
Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa aking tabi at di nagsalita, basta na lamang niya nilabas ang kanyang mga gamit na kakailanganin sa subject namin para sa umagang ito
"Anong ginagawa mo?" Inis na bulong ko sa kanya pero di niya ako sinagot
Sinagli ko ang tingin ko sa gawi ni Mina at gaya ng inaasahan ay nanlilisik ang kanilang mga mata sa akin.
"Hoy!" Pasigaw na bulong ko, "alis diyan!"
"May bago ulit transferee." Napakalayo na sagot niya, sakto naman na napatingin ako sa pintuan isa magandang babae ang nakatayo sa may pintuan na para bang bored na bored siya na nakatingin sa guro namin.
Di ko narinig at naintindihan sinabi ji Mam Lunar dahil sa kupog na katabi ko. Letse.
"Go ahead introduce yourself." Sabi ng guro namin sabay turo sa gitna, tahimik na naglakad papuntang gitna ang babae na ni rinig ng kanyang takong ng sapatos ay di mo maririnig
"Keithlia Norwood, di na dapat ako mag aaral dahil papatayin ko din naman kayong lahat pag dating ng panahon pero napilitan ako dahil sa utos ng tatay ko."
Napaamang kaming lahat sa kanyang sinabi. Nilingon ko ang katabi ko na para bang wala na talagang balak lumipat ng upuan dahil ayos na ayos na ang gamit niya at nagbabasa nandin siya ng libro.
"Ahm? Miss Norwood you may take your sit." Medyo inis na sagot ni Ma'am, hindi naman na umangal ang babae at saka tuloy tuloy na lumakad papunta sa gawi namin at naupo sa upuan na dapat na inuupuan ni Astral
"Bumalik ka doon." inis kong sabi sa kanya at saka sinipa ang kanyang binti
"Tsk fuxk!" Nakatingin siya ng masama sa akin habang pinagpagpagan ang kanyang pantalon, "tigilan mo ko, di ako aalis dito." Dugtong pa niya sabay irap
Abay?!
Di ko na siya pinansin at padabog na lamang na nagbalik ng tingin sa harap.
Bakit ba ayaw akong tigilan ng mga walang kwentang tao nitong mga nakaraan na araw.
NATAPOS ang klase ng walang gaanong nangyari. Seryoso lamang si Astral sa pag aaral kanina, habang nagsusulit kami ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Umiling lamang siya tapos ay nagbalik na ng tingin sa kanyang sinasagutan.
Matapos ng pagsusulit ay iniwasto namin ang mga ito. Nakakuha ako ng perpekto na marka, samantala si Astral ay may isang mali. Ang bagong lipat naman, bagamat na natulog lamang sa klase ay may dalawang mali na siyang nakapagpamangha sa akin.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampireHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens