Favor |66

59 1 0
                                    

Daniel's POV

"Hyung! Nakakailan ka na ha" reklamo ni Seonho sabay bato sa akin nung tshirt na naibato ko sakanya

"Bakit ba tense na tense ka hyung? 6:30 palang, nambubulabog ka na" Guanlin asked

"Mas intense pa to kesa sa evals dito sa school" sagot ko sabay suot sa isang pink na tshirt

"Ano ba meron?" Jihoon asked

"I'm going to meet Kea's parents today" I answered sabay alis ulit ng pink na shirt

"Ganito ka-aga?" Jinyoung asked

"Yes. Excited ata silang bitayin ako at 7:30 ang time na binigay nila" sagot ko sabay suot ng black shirt

"Kaya pala nagpapa-impress ka hyung. Nag-gym ka ba kahapon? Baka intense yung pagdadaanan mo" Guanlin said as they all laughed. Mahal na mahal talaga nila ako no? Lapit na akong mahimatay sa takot tas pinagtatawanan nila ako =____=

"Pag-uwi ko, wala kang pasalubong" I said saka ko sinuot yung denim jacket ko. Bwiset na Guanlin yan

"Yun ay kung makakauwi ka hyung" pahabol na sabi ni Jihoon

"Bwiset talaga kayo" I said sabay palo kay Jihoon

"Sabihin niyo kanila Jonghyun hyung na umalis ako para sa isang pagsubok. Maiwan ko na kayo" bilin ko sabay hablot sa susi ng kotse ko

Should I call Kea? Damn. Kinakabahan talaga ako T^T

Or should I call Woojin? Huhu di ko talaga alam gagawin ko

30 minutes before ko mameet parents niya... Ayoko na. U-turn nalang kaya ako? WAAHHH

TATAWAGAN KO NALANG SI SEONGWOO

"Ang aga Kang Daniel!" Bulyaw niya sa kabilang linya. Buti nalang pala naka-speakers ako

"Hyung! Need ko help mo"

"Ganto ka-aga? Bwisit ka. Ano ba meron?"

"I'm meeting Kea's parents"

"Ganito ka-aga?! Hibang ka ba?"

"Hyung. It's not me who set the time. It's Kea's dad. I bet, he's too excited to interrogate me"

"Wow. Napapa-english ang danik pag kinakabahan hahahaha"

"Hyung, di nakakatuwa. I'm like one street away from their house"

"Kaya mo yan, danik. Mabait naman parents ni Kea sakin, ewan ko lang kung nagiiba sila pag ikaw na kaharap. Hahahaha"

"Wow. Thanks sa advice hyung ha? Nakatulong"

"Woah. Iba ka talaga pag kinakabahan! Sa wakas marunong ka nang rumespeto! You're finally acknowledging me as your hyung"

"Bakit ba kasi ikaw tinawagan ko? Pwede namang si Jonghyun hyung. Tss"

"Sus. Whatever Daniel. Just be yourself, okay? Good luck bro. Balitaan mo ko"

"Fine, i'm here and I'm ready" I answered saka ko inend yung call. Bababa na sana ako sa kotse nang nakita kong bukas ang gate nila at may malaking placard sa garage nila

'KANG DANIEL'S PARKING'

Uhm... What? So, doon ako magpapark?

Although nagdadalawang isip ako, I drove inside the garage

Bababa na ba ako? Should I call Kea... For help?

Baka mamaya pagbaba ko may baril nang nakatutok sakin?!

FAVOR |Kang Daniel|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant