Chapter 11- Sibuyas

9.4K 315 14
                                    

Khal

Merong pawelcome party ang mga kaibigan namin sa amin ni King. Parang tanga lang ang mga ito. Akala mo kung saan kami galing.

Nasa Club Zero kami, kumpleto pati si Zoey minus si Allie na nasa Baguio. Nakascarf ang ulo ni Zoey, dahil wala na daw siyang buhok. Pero ang nakakatuwa, dumating si Rome na kalbo. It's his way of support his wife. Di ba, ang sweet ng kumag?!

Anyway, nagkukwento ako sa kanila about sa dala kong stove sa Batulao ng dumating si Tina at makijoin sa amin. Nawalan ako ng ganang magkwento kaya si King na lang ang nagpatuloy.

"Inggit ako..." Cailee commented.
"Pagkapanganak mo. Ro-ro tayo, Visayas area." I replied.
"Sige...I-set dapat at hindi biglaan. Kahiya naman sa schedule namin." Rome answered.
"Kapag pwede na ako. Sama natin ang kambal..." Sagot ni Zoey.
"Sige...masaya yan." Sagot ni Jack.

"Saan pa kayo nagpunta?" Tanong ni Tina kay King.
"Sa Lucban, Pagsanjan..." Sagot ni King. Natawa ako kasi naalala ko yung itsura niya ng tumalon ako sa falls.
"Nagalit si King nung nasa Pagsanjan kami..." Sabi ko sa gawi nila Jack. Hindi ko pinapansin si Tina.
"Tumalon ba naman sa falls na una ang ulo. Ginawang diving site ang ilog." Sagot ni King.

Nagtatawanan kami maliban kay Tina. Bakit ba kasi nandito ka, eh usapang magbabarkada 'to?

"Nagpunta kayo ng Sagada?" Tanong ni Gab.
"Hindi nga eh. Pero sa Banaue nagpunta kami." Sagot ko.
"At nalasing si Khal." Simula ni King. "Nakipag-inuman sa mga Igorot. Uminom ng purong gin. Ayun, tulog."
Nagtawanan na naman kami. Tina cleared her throat.

"Baby, nasabi mo na ba sa kanila ang balak nating magpakasal?" singit ni Tina.
Teka... namali yata ako ng dinig... Natahimik ang buong table namin.
Ngumiti na parang nahihiya si Tina. "Oh gosh, hindi mo pa pala nasasabi sa kanila. Sorry."

Nawala ang ngiti naming lahat. Pati si King napamaang kay Tina. Seryoso ba itong si Tina? O trying hard lang mag-joke?

"Ow...Khal, huwag kang iiyak ha." Pasweet na sabi ni Tina.
"Bakit ako iiyak? Sibuyas ba kayo?" Matabang na sagot ko.

Unang tumawa si Rome. Nagtawanan pati ang mga kaibigan ko sa sinagot ko.

"Sibuyas ka ba?" Tanong ni Rome...
"Bakit?" Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ko.
"Nakakaiyak ka kasi." Sagot ni Rome.

Walang hiya talaga si Rme... Pasimuno sa lahat ng kalokohan. I tried to laugh with them pero totoo ba na ikakasal na sila? Tangina, ang sakit ah.

"Joker ka ba?" Tanong ni Rome...
"Tigilan mo na Rome..." Sagot ni Carlos habang tumatawa kami.
"Last na ito. Joker ka ba?" Pag-uulit ni Rome.
"Bakit?" Tanong ni Cailee.
"Ang ganda kasi ng joke mo."

Nagtawanan kami... Parang napahiya si Tina.

"Tigilan nyo na nga." Pagbabawal ni King.
"Nice, joke Tina." Jack said... Sarcastically, ofcourse.
"Hindi yun joke." Nahihiyang sagot ni Tina.

For the second time this evening, natahimik kami.

"Nagpropose na si King?" Unang nagtanong si Zoey.
"Hindi pa...but napapag-usapan naman na namin." Nahihiyang sagot ni Tina.
"Eh bakit hindi mo kaya hintayin na magproposed ang kapatid ko?" Tanong ni Jack. Naningkit ang mata ni King kay Jack.
"Jack..." I warned her. Kilala ko si Jack, kahit kalamdo ang boses nya, alam kong napipikon na siya kay Tina.
"Para dramatic." Dugtong ni Jack.

Nahihiyang tumawa si Tina.

"Do you think isusurprise ako ni King?" Nag-eexpect pa pala ng surprise si Tina ng lagay na yun eh nag-aanounce na siya kani-kanina lang.
"Kung hindi mo siguro siya inunahan." Sagot ko.

"Oh...baby...I'm sorry. I'm just excited to be with you." Parang pusa na hindi maihi si Tina.
I rolled my eyes.
And then she manipulated the conversation between shopping of her gown and her entourage blah blah blah... Si Jack, kulang na lang lumuwa ang eye balls sa kakaikot ng mata sa tuwing nagbublush si Tina.

Natingin si Rome sa akin. He shook his head and I shake my mine.
Nagkaintindihan na kami nun... May sayad si Tina... Confirm.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon