Kabanata 4

1.5K 21 1
                                    

May mga mura sa chapter na 'to kaya pasensiya na. Again, I'm sorry. [RATED SPG] Long update.

......
Kabanata 4: Ang Away

"Hi ma." Walang ganang sabi ko pagdating sa bahay. Pumunta ako sa harap niya at nagmano.

"Ba't ang tamlay mo yata? Kahapon pa yan ah, may sakit ka ba?" Nag-aalala niyang sabi habang inaayos ang mga prutas at gulay sa lalagyan nito.

"Wala naman po. May naalala lang akong napakasamang memorya na nangyari kahapon."

"Oh bakit? Hay naku bata ka, ano na naman bang kagaguhan ang nagawa mo?!" Sigaw niya at hinilot ang sentido niya na animo'y may napakalaking problema.

"Wala naman. Wag niyo nalang itanong baka ma-bad trip ka rin."
Sabi ko. "Sige ma, punta muna ako sa kwarto."

"Magbihis ka ng maayos, at wag kang mag-lakwatsa ngayon,  pupunta tayo kila Donya Ana. May sasabihin kaming importante."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama. Ano na naman kaya ang trip ng mga matatandang ito? Last time kasing pinapunta ako kila Donya Ana, ay pinahuli sa akin ang alaga nitong baboy na si Piggy Bah nk. Piggy Bah pangalan nito at nk ang apelyedo. Kung idudugtong at babasahin ay, PiggyBahnk. Gusto ko tuloy maiyak sa pangalan ng baboyng yun, pero mas gusto ko siyang lestunin. Akalain mo, nakarating ako sa kabilang sitio kakahabol sa baboy na yun, akala mo kabayo sa sobrang bilis tumakbo. Nyeta! Buti nalng at may dumating na knight in shining horse. Nagda-daydream na ako sa oras na yun, pero takte! Pag tanggal ng helmet at panyo na nakatakip sa mukha niya, babae pala. Walanghiya! Kung ano-anong kahalayan pa naman ang iniisip ko sa oras na yun. Gusto ko tuloy magbigti sa kahihiyan at maduwal lahat ng kinain kong puto. May pa-sparkle eyes pa akong nalalaman, kinakilabutan tuloy ako. Pero prends na kami, wahaha.

Princess Dia Luesco ang pangalan niya. Princess ang pangalan pero parang maton kung kumilos. Anak siya ni Don Fernan Luesco ang namumuno sa Sitio Salusa isa ring businessmen at ni Donya Diana isang doctor.

Nagulat pa nga siya nung una dahil hindi ko siya kilala. Sabi pa nga niya, "Omaygashh! Everyone knows me kaya. Are you an alien or somethin'?"

Englis speaking muntik na akong ma-nose bleed, pero buti nalang at best in English ako since kindergarten. Wahahaha! Kaya sinagot ko siya ng, "I'm fine thanking you." Natawa pa nga siya eh. Natuwa siguro siya dahil mas very good ang englis ko. Mas pak! Mabuti nalang at hindi siya nainis, kadalasan kasi sa mga sinasabihan ko ng englis eh naiinis o di kaya'y nagwa-walk out. Mga tao kasi ngayon, mga insecureting.

"Ikaw bata ka! Bilisan mo nga ang paglalakad diyan." Sabi ni mama. Papunta na kami ngayon sa mansyon.

"Sabi ko nga, bibilisan na." Sabi ko. Inayos ko ang damit kong binili pa sa UK. Imported galing UKay-UKay, gusto ko tuloy maiyaq.

"Uy, nandito pala kayo, kanina pa kayo?" Naangiting bati ni ate Loty kaya binigyan ko din siya ng tipid na ngiti.

"Loty, kakarating nga lang namin eh hahaha, ang kupad kasing kumilos nitong dalaga ko." Nakangiting sabi ni mader. Umirap nalang ako sa kawalan. Ba't ba kasi mga anak ang lagi nilang nirarason? Kesyo, mabagal kumilos, nagpapaganda pa. Yung tipong, 'uuwi na kami kasi inaantok na ang anak ko, next time nalang tayo mag tongits.' Kung sabihin nalang kaya nilang wala sila sa mood makipag sugalan. Hay naku!

"Hayaan mo na, ganyan talaga sila." Natatawang sabi ni ate Loty na parang nagsasabing 'I feel you mare' kahit wala naman talaga siyang anak. Masyado kasing pa-hard to get, tumandang dalaga tuloy. "Hoy Juls paki dala nitong mga prutas at gulay nila, deretso sa kusina ha! Baka kung saan-saan mona naman ito ilalagay." Sigaw ni ate Loty kay kuya Juls na nagdidilig ng mga halaman.

CS #1: Chasing The Promdi Girl Donde viven las historias. Descúbrelo ahora