Chapter 9: Monday

15 2 0
                                    

Zoey's Pov

Good morning world! Haayy! Monday na pala! This is the day! Ano kayang pede salihan? Uhm... ah! Yung volleyball club! Balita ko dun din papasok sina Mads at Gel. Pero di ako sure. Dun din pala yung babaeng nang away sakin. Naaalala niyo pa ba yun? Kaloka yun eh! Yung first day. Sapakin ko yun eh iyak siya.




"Ay sapakin ko yun!" Sabi ko.




"Ha?! Sino sasapakin mo? Halaaa! Wag ako couz! I'm behave kaya!" Sabi ni Gel. May umubo kasi eh! Nagulat ako. Lumilipad nanaman yung utak ko papuntang planetang mars.



"Ay wala naman! Yun lang talaga lumabas sa bunganga ko. Wag naman oa!" Sabi ko kay Gel.



"Students please go to your respective classes now. Thank you." Ay! Mall lang ang peg!



Pumunta na kami sa room noong marinig namin yung speaker. Nakarating na kami at matapos ang ilang segundo dumating na si Ma'am. "Class, wala kayong teacher hanggang break time kasi may meeting kaming mga teachers."



"Yes! Ma'am pede pumunta sa booths?" Tanong ng isa naming kaklase. Nag nod lang naman si Ma'am.



Umalis nalang kami after makaalis ni Ma'am. Pumunta kami sa booth at inopen na.




May lumapit agad sa booth at inabot ang pera. "Ayun pong dalawang tao na yon kailangan po nilang magkasama nang 3 minutes. One hundred pesos po."



"Okay! Drei at Gel kunin niyo yun. Tapos Zoe at Ashton yung isa. Ibigay niyo tong note. Ops! Bawal umangal sa partner." Sabi ni Mads. Kfyn! -_-+



Hala! Aalis si ate gurl! Kaya tumakbo kami ni Eggnog. Paktay! Takbo. Takbo. Takbo. Hay sa wakas na abutan!



"May nag dare sayo na sumama sa isang tao for 3 minutes." Sabi ni Eggnog.



"100 ang bayad pag hindi ginawa yung dare tig 100 kayo. Kapag hindi nakapagbayad yung taong yun tuloy parin ang dare at isosoli ang pera mo." Sabi ko.




"Jea!!! Ano to?! Buiset ka!" Sigaw niya dun sa nag dare. Siguro magkaibigan toh! At bumaling na siya ng tingin na amin. "Sige ate at kuya. Wala naman akong pambayad eh! Dalhin niyo na ako sa taong yun."




Nung nakarating kami doon nagulat ako nang umirap si Ate gurl. Tapos naka simangot lang si koya. Ano meron? Siguro mag kaaway tong mga toh! Wala silang nagawa nung pinagtali namin yung mga kamay nila. Actually posas siya. Meron kami niyan ready kaya kami. At umalis na kami. May mga nag dare. So after nun break time na. Tuloy pa din kaso gusto na naming kumain. Nagpaiwan lang doon si Drei at Enzo. Si Eggnog naman ewan ko.





Nagulat nalang ako nang biglang lumapit sakin si Drei kasama si Enzo. So walang nagbabantay sa booth? "Arestado ka Zoe. Dinare ka ni Enzo na maposas kay Ashton sa buong araw. Sa halagang 1500 pesos. Kung ayaw mo naman nung unang dare mag kikiss nalang kayo sa lips for 1 minute. Hahahaaha! Sorry!" Sabi ni Drei.




"Seryoso?! Teka! Gel pautang nga muna! Pede?" Sabi ko. Umiling nalang si Gel humarap naman ako kay Mads at umiling din. Hayyy! What do I expect from crazy friends? Kaya sumama nalang ako. Pagdating ko.



"Nagbayad ka?" Tanong ko.


Umiling siya. Kaya tinignan ko siya na parang tinatanong kung bakit. "Ninakaw nila wallet ko." Sabi ni Eggnog sabay irap.


"Ano ba pinili mong dare?" Tanong ko sa kanya.


"Malamang yung una. Bakit? Ayaw mo? Siguro gusto mo yung pangalawa. Sige pede naman." Sabi niya.



Gonzales And I | ON-HOLDWhere stories live. Discover now