Gusto kitang tanungin
Saan ako nagkulang at nagkamali?
Sa paghawak ng iyong kamay?
Sa pagbili ng mga regalo?
Sa matatamis na salita?Gusto kitang tanungin
Hindi mo ba ramdam?
Hindi mo ba ramdam yung pagmamahal?
Sa bawat bigay ko ng balat ng 1 pc. Chickenjoy
Sa paghihintay ko ng ilang oras sa'yo
Sa kada araw na tinatanong kita kung ayos ka lang ba?
Saan tayo nagkamali?
O baka ako lang, o ikawHindi ko alam
Mahirap pilitin yung taong ayaw naman
Kaya heto pagkabilang ko ng sampu, bibitawan na kitaIsa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Siyam
SiyamBago matapos ang lahat
Gusto ko lang malaman mo na
Maraming Salamat sa lahat ng ala-ala
Maraming Salamat sa pagpapasaya sa akin
Sana napasaya rin kita
Kasi hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung kasama kitaIsa lang ang hiling 'ko
Maari mo bang hawakan ang aking kamay
At sabay tayong bibitaw
Kasabay ng mga katagang
Mahal na mahal kitaSampu.
Paano nga ba tayo natapos?
Hayaan mong ikwento ko sa'yo.
![](https://img.wattpad.com/cover/147583475-288-k725947.jpg)
YOU ARE READING
Paano Tayo Natapos
Teen FictionOkay naman tayo sa umpisa. Masaya naman tayo sa gitna. Pero bakit tayo umabot sa dulo?