UNANG CHAPTER

107 2 1
                                    

PSSSSSSH!!

Biglang nagising ang diwa ko at napaupo sa kama nang bumuhos sa buong katawan ko ang napakalamig na tubig mula sa tabong bitbit ng pinsan kong si Lorraine.

"Hoy, ano ba! Bastos ka ah! Kita mong natutulog yung tao tapo--" biglang naputol ang sasabihin ko nang nasundan ang pagkabasang ito ng isang matinding sapok mula sa nanay ko.

"Ako ang nagsabi kay Lorraine na gisingin ka na, baliw kang bata ka. Pero hindi ko sinabi na buhusan ka niya ng tubig" pagpapaliwanag ng amazona kong mama.

"So bakit niyo nga PO ako pinagising? Aga aga pa eh" sagot ko sa kanya. Diniinan ko yung salitang 'po' para mabigyang emphasis na magalang akong dalaga.

Umirap muna si mama bago niya ako sagutin at naiwang tatawa tawa si Lorraine habang nakaupo sa basang basa kong kama.

"Mag-ayos ka na kasi lilipat na tayo ng bahay" bigla siyang napangiti nung sinabi niya yung word na 'bahay'

"Bahay?! Seryoso ba yan ma?! Bahay? May sarili na tayong bahay?" gulat na gulat kong itinanong sa kanya.

"Ano bang sabi ko? Kasasabi ko lang diba? Uulitin ko pa?" hays. Ang nanay ko talaga. Amazona na nga, baratera pa.

Hi guys! Meet me. I'm Athena Audrey Aquino, 18, from San Pablo City, Laguna. Lagi kaming nakatira sa apartment kaya gulat na gulat ako nung sinabi ni mama na lilipat na kami ng bahay. Kikay ako at sana wag kayong mairritate ng kasalawan ko sa buhay. Kung tutuusin, dapat kumilos na ako bilang isang Maria Clara pero I choose to be childish na dalaga. OFW ang papa ko at only child lang ako kaso sa amin nakatira ang pinsan kong si Lorraine. Mabait siya kaso maldita. Marunong ako sa iba't ibang bagay pero hindi ako magaling. Never naging honor pero may mga special awards tulad ng 'Noisiest of the Year' at 'Best in Recess'. Matakaw ako pero never tumaba. Friendly din ako pero never pang nagkaroon ng bestfriend. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw nila sa akin eh. NBSB ako pero marami nang naka'M.U. Kire ako pero never naging seducer. Cute ako pero maganda rin. Lastly, confident ako pero hindi mayabang.

"Athena! Bilisan mo naman. Ang tagal tagal mo maliligo pa ko!" sa totoo lang si Lorraine ang nagpapaingay sa lahat ng mga apartment na natirhan namin. Siguro kung wala siya, sobrang tahimik namin ni mama at nakakalungkot yung isipin.

Simula bata si Lorraine nasa amin na siya kasi namatay sa pagkapanganak yung mommy niya, kapatid ni mama. Wala siyang tatay kasi di pinanagutan eh. Husto lang sa ano.

"Ano ba sandali naman Lorraine! Kapapasok ko lang. Napakaingay mo palagi paplasteran ko yang bunganga mo eh!" iritable kong sagot sa kanya. Sino bang hindi maiinis lahat nalang ng gamit ko pinapakelman nya.

"Aray! Ouch. Araaaaay!!!" halos marinig na ng kapitbahay lahat ng sinasabi nya ngayon.

"Uy bakit? Anong nangyari sayo? Sandali palabas na ako!" nag-aalala kong tanong sa kanya. Dahil sa pag-aalala ko, nagligong uwak na ako. "O, ito na ako tapos na. Anong nangyari sa'yo?"

Crush Next DoorWhere stories live. Discover now