TCHB: Chapter 32

1.5K 61 11
                                    

AVERY'S POV

Nagising ako nang maramdaman ko ang init sa balat ko. Ang panget nung panaginip ko. Siguro kung totoo yon eh sa malamang na hinimatay na ko. Ano ba naman 'to?! Hindi ko gaanong maidilat ang mata ko. Pakiramdam ko eh puro muta na yung mata ko. Agad akong bumangon at nakita ko ang liwanag na galing sa bukas na bintana. Argh! Ang sakit ng ulo ko. Siguro inuntog ko ang ulo ko sa pader ng maraming beses.

Teka, nasaan ako? Sino ako? Ako ba si Padre Damaso? O ako ba si Sisa? Baka naman ako si Crisostomo Ibarra? Wala akong maalala. Charot! Hindi ko lang maalala na iniwan kong bukas ang bintana ng kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero parang hindi ko naman 'to kwarto.

Natigilan ang mata ko sa paglilibot dito sa kwarto nang makita ko ang isang picture frame sa gilid. Tumayo ako para tignan yung picture frame na nandon sa study table. Si Chase ang nasa picture at may kaakbay siyang babae na sobrang kinis at sobrang ganda. Nag-belo kaya siya? Joke! Siguro eto yung girlfriend ni Chase na namayapa na. Chris nga ba yon? Ayy ewan! Basta ang ganda niya.

"Nasa kwarto lang pala ako ni Chase."bulong ko sa sarili ko

Bumalik ako dun sa kama at humiga ulit ako. Ang kapal ng mukha ko, diba? Bwahahaha! Medyo inaantok pa kasi ako at ang sakit ng mata ko. Napatitig ako saglit sa kisame pero agad din akong napabangon nang ma-realize ko ang sinabi ko kanina. Jusko po naman!

"Anong ginagawa ko dito?!"sigaw ko sa sarili ko

Tinignan ko ang katawan ko at mukhang wala namang nangyaring kakaiba. May damit pa naman ako at kumpleto pa ang bahagi ng katawan ko. Hindi naman siguro ako pinagsamantalahan ni Chase, diba? Baka siya pa nga ang pagsamantalahan ko dyan eh. Rawr!

"Gising ka na pala."

Dahan dahan akong napalingon dun sa lugar kung saan ko narinig yung boses. Agad kong tinakpan ang mukha ko pero hindi ko tinakpan ang mga mata ko. Sayang naman kasi yung magandang tanawin hahaha lol.

Kainis naman kasi 'tong si Chase eh! Bigla biglang magsasalita dun sa sulok pero ang nakakagulat dyan eh yung kakalabas lang niya sa banyo kaya napatakip ako ng mukha. Basang basa pa ang buhok niya at mukhang kakaligo lang niya. Tanging tuwalya lang na nakapulupot sa bewang niya yung suot niya ngayon. Jusko po!

"Are you okay now?"tanong niya at lumapit pa talaga siya sa akin

"Pwede bang magbihis ka muna? Hindi ba talaga uso sa'yo minsan ang magdamit?"naiilang kong tanong sa kanya

Bigla siyang napatingin sa sarili niya at agad siya umiwas ng tingin sa akin. Pansin ko rin na namumula ang tenga niya. Nako po naman! Wala ba siyang balak umalis sa harapan ko? Kakagatin ko na 'to hahaha joke!

"Sorry! Nakalimutan ko kasi na nandito ka sa kwarto ko."nahihiyang sabi niya habang nakaiwas pa rin ng tingin sa akin

"Lalabas na lang--"

"No! I mean, I'll just get my clothes at sa banyo na ako magbibihis. Wait me there. Saglit lang ako."sabi niya

Hindi na ako sumagot at kumuha na siya ng mga damit niya. Nang makapasok na siya sa banyo eh bigla tuloy akong napaisip kung paano ako napunta dito. Nagpunta ba siya sa kwarto ko at binitbit niya ko dito sa kwarto niya para tabi kaming matulog? Charot! Asa naman ako. Ang naalala ko lang eh nagpunta ako dito sa kwarto ni Chase habang umiiyak ako kasi tinawagan ako ni Van at sinabi niya sa akin na--Teka?! Ibig bang sabihin nun eh hindi yun panaginip?

Bigla akong natulala at naalala ko yung mga sinabi sa akin ni Van kagabi. Parang huminto na naman ang mundo ko. Bumibigat na ang pakiramdam ko ngayon. Akala ko binibiro lang ako ni Van at ang akala ko eh panaginip lang yon. Pesteng akala yan! Ang sakit sakit. Nanlalambot na ako.

Their Cold-Hearted Brother [ On-going ]Where stories live. Discover now